Naaaning na naman ako kaya nagtaklob na lang ako ng blanket sa ulo kesa makita ni Bennet na maging kamatis ang pisngi ko. "Yeah, but still sinabi mong guwapo ako." "Whatever! Umuwi ka na nga! Ginagambala mo ang pamamahinga ko!" singhal ko sa ilalim ng kumot. Naramdamam kong naglakad si Bennet papalapit sa kama ko. In a moment, hiniklas niya ang blanket na tumataklob sa 'kin. Lumingon ako sa kanya, no choice eh. "Ano ba?!" sikmat ko. "Sinabi nang huwag mo akong gambalain eh! Masakit ang ulo at lalamunan ko! At naiirita ako sa---" "Gusto mong kumain?" tanong ni Bennet. "Eh?" natigilan ako at maang na napatitig kay Bennet. "Tinanong ko kung gusto mong kumain?" Umupo agad ako sa kama. "Tinatanong pa ba 'yan? Naman! Papakainin mo ba ako? Kung ganun, bilisan mo dahil gutom na ako. Alalah

