Cole's PoV "Hey wake up! Wake up!" May yumuyugyog sa balikat ko... at sumisigaw sa tenga ko. Hinayaan ko lang dahil feeling ko nananaginip lang ako. "Hey! Hey! Nicky!" Nicky your face. "Wake up, Nicky!!" "I'm not Nicky, you big fat prat Bennet... I'm Goddess-Cole and I'm gonna eat yah!" wala sa sariling sagot ko. "HUUUH??!" narinig kong react ni Bennet. Huh? Bennet? Tortang tungaw!! Si Bennet!! Napamulat ako bigla ng mata at mabilis na lumingon sa pinanggalingan ng tinig ng lalaki. At gaya ng hinala ko, bumungad sa 'kin si... Tadaaaa!! Si Bennet... at nakakunot na naman ang noo niya habang nakatayo sa gilid ng sofa! Pero kahit ganun... ang guwapo pa rin niya, pota! Kaso parang armalite na rumepeke agad ang bunganga niya. "KANINA PA KITA GINIGISING!! DI BA ANG SABI KO AGAPAN MO

