Nagtali ako ng buhok, nagsuot ng cleaning gloves at face mask para sa alikabok. Isang bundok ang kalaban kong alikabok, ayokong bumalik ang asthma ko. Nasmmula ako sa pag pupulot ng mga basyo ng bote at nung mga basag na vase. Inipon ko rin lahat ng mga basura na at kung anu-anong abubot na palagay ko ay hindi na gamit at wala nang kuwenta. Naka-ilang garbage bag din ako sa dami ng basura. Sinunod kong tanggalin yung mga kurtina, bedsheet at cover ng sofa. Muntik na akong tumakbo sa dami ng maliliit na insekto dun sa ilalim ng sofa. Dun na yata sila bumuo ng kaharian nila. "Sorry to disappoint you, little fellas... but you need to evacuate. Hanap na lang kayo ng tirahan niyo... mahal ang renta dito." Nakita kong nagtakbuhan palayo ang mga insekto na hindi ko alam kung langgam o surot. W

