Cole's POV Anak ng penicillin... natuloy din yata ang sakit ko. Mabigat ang pakiramdam ko at gusto kong mahiga na lang. I want to sleep all day! Kaso pag ginawa ko yun, lalo lang akong magkakasakit kaya mas mabuti pang gumalaw-galaw na lang ako. Sinasabi ko sa inyo, ayoko talaga ng feeling na may sakit. Bihirang-bihira kasi talaga na magkaroon ako nun. At thanks to that bastard husband of mine, tinalaban ako sa oras na 'to. Tsk! Tumulong na lang ako pagluluto ng lunch kay Mana at sa ibang katulong. Yung iba parang naiilang pa rin sa 'kin pero nun makita nilang nakikipagtawanan ako kay Joyce at Mana, minsan nakikitawa na rin sila. At hindi na nila ako tinataasan ng kilay gaya nung unang dating ko dito. Siguro naisip nilang isa talaga akong anghel na pinadala ng langit para putulin ang s

