Cole's POV Tiningnan lang ako ni Bennet ng masama tapos kinuha niya ulit yung kutsara sa kamay ko at siya naman ang kumain. Di na niya ako pinansin. After a time, biglang lumapit sa'kin ang pamangkin ni Bennet na si Lukas at inilahad niya ang kamay niya. "Care for a dance, Aunt Nicky?" nakangiting tanong niya. Tutal tapos na akong kumain, pumayag ako pero tumingin muna ako kay Bennet. "Sayaw daw, husband. Okay lang?" "Go on..." simpleng sabi niyang di lumingon. Sinagot lang niya ang tumatawag sa cellphone niya. Nagkibit-balikat lang ako tapos humawak na ako sa kamay ni Lukas na iginiya ako sa gitna ng dance floor. Sumayaw kami ng waltz at di ako marunong nun kaya natural na natatapakan ko ang paa niya. "Sorry," sabi ko. Ngumiti lang si Lukas. Ang lalaking 'to, dapat bahaginan niya n

