Umismid lang si Bennet tapos plastik siyang bumati sa mga guest. Gusto ko siyang puk-pukin nung takong ng sapatos ko pero pinigilan ko. Baka bawiin niya yungone hundred million dollar na ibinayad niya para tubusin ang company ni Papa. Timpi lang Cole, makukuha mo rin ang kalayaan mo sa halimaw na 'yan. Makakapagpakasal ka rin sa tamang lalaki para sa'yo. Tulad ni Jared Leto o ni Brad Pitt kaya. AY! May Angelina na nga pala si Brad Pitt. Tsk! May lumapit pa sa 'min na medyo may edad nang mga guest. Mga tiyahin at tiyuhin ni Bennet at kung sino-sino pang poncio pilato. "Best wishes, hija..." sabi ng isa. "Pagtiyagaan mo na lang ang medyo kasungitan ni Bennet. Talagang ganyan ang batang 'yan." Ngumiti ako. "Yakang-yaka ko po yan si Sweetheart! Mga toro nga sa Mexico takot sa 'kin eh! hehe

