“N-Nagluto lang ako ng kanin at saka nilagyan ko sa ibabaw ng itlog Charles. Gutom na gutom na ako tapos nag-init din ako ng tubig para makapagkape. Pasensya na Charles nahihilo na ako sa gutom hindi ko na talaga kaya. Hindi ko naman magawang gisingan ka para humingi ng makakain dahil baka magalit ka.” Kandautal na paliwanag niya sa lalaki dahil halos mamula na ang mukha nito sa sobrang galit sa kanya. Pati ng mga mata nito ay naniningkit habang nakatingin sa kanya dahil galit na galit nga ito lalo na ng makita nito ang kanyang niluluto. “Ang bobo mo naman talaga, bakit hindi mo na lamang ako kinatok para nagtanong ka kung papaano magluto? At isa pa maaari naman kitang ipagluto dahil alam ko naman at batid ko na hindi ka pa marunong magluto sa lutuan ko. Pero heto nagmagaling ka at tala

