“Ellerie! Ellerie! Nasaan ka?!” Narinig ni Ellerie na paulit-ulit na sigaw sa kanyang pangalan ni Charles. Halata sa boses ng lalaki ang galit, hindi niya alam kung ano ang dahilan pero mukhang may kinalaman na naman si Camille. Mukhang gumawa na naman ito ng kwento para magalit sa kanyang lalaki. Hindi naman na iyon bago para sa kanya sa loob dahil sa loob ng isang linggo ay maraming beses ng nagsinungaling ang babae. At siya naman, hindi na niya pinagtatanggol ang kanyang sarili dahil natitiyak naman niya na kay Camille lang ito maniniwala. Hindi na lamang siya sumagot sa mga tawag nito, natitiyak naman niyang mahahanap siya nito dahil alam nito na madalas siyang nasa likod ng bahay kung hindi naman ay nasa loob lamang ng kanyang silid. Pero ngayon kasi mas nais niyang manatili d

