"Miss natatandaan mo na ba ang lugar na ito?" Tanong ng lalaking kasama nila. Nasa may malaking sapa na sila noon na malapit sa may kweba. Sa kweba na kung saan nanatili silang dalawa ni Charles bago bumaba sa kapatagan at kung saan din naroroon ang mga tipak ng ginto. Iyong mga batong katulad ng mga pinadala ng kanyang mga magulang. Kanina habang lulan lulan sila ng sasakyan na pag-aari ng Uncle ni Camille ay hindi niya nagugustuhan ang mga kwentuhan ng mga kalalakihan na nandoon sa loob. Idagdag pa ang kakaibang tingin sa kanya ng tatlong kalalakihan, iba nga rin ang tingin sa kanya ng Uncle ni Camille. Pero pinagwawalang bahala na lamang niya iyon dahil ang sabi naman ni Camille mapagkakatiwalaan ang mga kalalakihang kasama niya. At saka kayang kaya naman niyang lumaban kung sa

