[Alexcia's P.O.V.] Ang dami na nga naming pino-problema, nakuha pa din nitong ni Kean mag-aya ng date. I thought it was just a simple dinner kaya pumayag ako dahuil kakausapin ko lang naman siya tungkol sa black gang. "San ba tayo pupunta?" tanong ko ulit dahil kanina pa niya ako hindi sinasagot. Hindi kami lumabas ng G.U kaya nandito kami sa Mall. Malaki naman yung mall kaya hindi nakakasawang pumunta dito. "Kakain tayo sa isang restaurant. My treat." He smiled pero inirapan ko lang siya, "Malamang treat mo! Eh ikaw nagyaya ng date e." "Masyado kang HOT, my girlfriend." Oh gosh, ayan na naman siya sa tawag niya sakin. "I'm really hot. I already know it." "Oo na lang. Tara na!" Hinila na niya ako papunta sa isang restaurant. Hindi na ako tumingin sa menu. Bahala na siya mag-order.

