[Kent's P.O.V.] "Ang kulit mo naman e! Sinabi ng hindi ka pwede dito!" sigaw ni Lester sakin. Nandito pa din ako sa malaking bahay na pinuntahan namin kagabi. Nakatulog ako sa kotse ko. Kagabi, sabi niya umalis na daw ako. Pero di ako umalis. Nakatulog ako sa kotse ko. Tapos ngayon, nandito ulit ako sa tapat ng malaking bahay. "Nandyan ba sila Hailey?! Sabihin mo sakin." sigaw ko saka siya kinuwelyuhan. "Bobo! Wala dito!" "Nasaan sila ha?! Sabihin mo na sakin! Alam kong may kinalaman ka dito!" galit na sigaw ko saka ko siya sinuntok. "f**k! Hindi ka ba talaga titigil?!" sigaw niya at akmang susuntukin ako ng may sumigaw. "Stop that! Paalisin mo na nga yan dito!" pagtingin ko, yung isang kasamahan ng Black Gang na si Nathaniel. "Tsk. Kanina ko pa pinapalis pero ayaw talaga Nathan e."

