[Alexcia's P.O.V.] "Lhei." Hindi ako makapaniwala na si Kean ang unang makakahanap sa akin. Gusto ko sanang dayain sila na kung saan kapag may tumawag ng pangalan ko ay hindi ko lilingunin at magpa-panggap ako na hindi ako 'yon, pero naisip ko, ako ang nagbigay sa kanila ng challenge kaya hindi na dapat ako mangdaya. "Kean?" paninigurado ko. "So it seems like ako ang nauna." he smiled and lend me his hand. Tinanggap ko ito at saka tumayo mula sa kinauupuan ko, "Yeah." "May I have a dance with you?" this is not my style. Sweet dance is not my style. "I don't want, Kean." "Mag tanong ka, sasagutin ko. Kapag nasagot ko ng tama, magsasayaw tayo." napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko naman na hindi niya ako titigilan sa pangungulit. "Paano mo nalaman na ako si Lhei?" wala na ako

