[Hailey's P.O.V.] Nasa’n na kaya sila Kent, bigla na lang kasing nawala at hindi man lang nagpaalam. Kanina pa ako naghahanap kung nasaan sila, pero wala pa din. Miski sila Jess, Megan, at Cara ay hindi ko mahanap. Saan naman kaya nagpunta ang mga yun at iniwan ako? Sa paglalakad ko, may nakasalubong ako na isang nilalang na ayoko sanang malapitan, pero wala, malas ata ako ngayon araw. Pagkakita sa’kin ni Lester, agad siyang tumakbo papunta sakin. Hindi na ako umiwas o lumayo agad dahil alam ko naman na mahahabol niya pa din ako. "Hi, Cass!" bati niya sakin. Tinignan ko lang siya ng blangko ang mukha at saka dere-deretso sa paglalakad. Patuloy naman siyang nangungulit, "Uy, Cass! Bakit di mo ko pinapansin?" Nanatili pa din na hindi ko siya pinapansin. "Cass naman oh." This time, kinuku

