" Goodness, Adrianna! Ano'ng oras na? Natutulog ka pa rin?" ang malakas na boses ni Mommy ang pumukaw sa akin.
" Good morning too, Mom," halos pabulong na sagot ko sa talak nito. Itinaas ko ang sleep mask na nakatabing sa mata. I tried to open my eyes but immediately closed it again after being blinded by the beaming sunlight coming from the window that Mom had just opened. Ibinalik ko ang sleep mask sa mata at niyakap ang unan. I intend to sleep more, not minding the presence of my mother
"Oh! Come on, Adrianna! Wake up! Bumangon ka na riyan!" utos ni Mommy sabay hablot sa sleep mask ko.
Humihikab na naupo ako habang nakatukod ang mga kamay sa kama.
"Mom, I'm not a kid anymore. You can't just storm into my room and disturbed me in my sleep. Inaantok pa ako. Isa pa, pwede namang kumatok muna kesa basta pumapasok dito sa kwarto ko ng hindi ko nalalaman. Ang aga-aga pa, Mommy. Gusto ko pang matulog," maktol ko na hindi halos maidilat ang mata.
"Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot. At ano'ng pinagsasabi mong maaga? Hapon na! Lipas na sa oras ng pananghalian. Paanong hindi ka aantukin? Mag-uumaga ka na raw umuwi sabi ng gwardiya! You keep saying that your not a kid anymore but you keep acting like one. Your so immature.
Napakamot ako sa pisngi dahil sa panenermon ni Mommy. Napangiti ako. Ang tagal ding walang gumagawa ng ganito sa akin si London. Kahit papaano na-miss ko ang ingay ni Mommy.
" I am not fooling around. Stop smiling!"
Napanguso tuloy ako na nagpawala sa aking ngiti.
"May jetlag pa ako, Mommy. Hindi pa ako nakakapag-adjust kaya nahihirapan pa akong makatulog. Can't you just let me sleep in peace?"
I can't believe it. Pangalawang araw ko pa lang dito sa mansiyon pero nagtatalo ulit kami ni Mommy. Paano pa kaya sa mga susunod pang araw?
"Your unbelievable, Adrianna! Namomroblema kami ng Daddy mo sa law firm. Kaya ka namin pinauwi para makatulong. Yet, here you are, acting as if you don't even care on whatever will happens to our company. Kung may iba lang kaming anak na pwedeng asahan ay hinding-hindi kita iistorbohin. Matulog ka hanggang kailan mo gusto, kahit hindi ka na gumising pa."
Nawala ang antok na meron ako. Napalitan ng sakit dahil sa talim ng mga salita ni Mommy. Kulang na lang sabihin niya na wala akong kwentang anak. Ilang araw ko pa lang sila ulit nakakasama pero parang gusto ko na ulit bumalik ng London at lumayo. Its as if she dooesn't really wants my existence. May kailangan lang sila sa akin kaya napipilitan. Oh, well! Ganito naman talaga sila ni Daddy kahit noon pa. They will keep on bugging me until they get me to do what they want. Palaging gusto nila at hindi ang gusto ko.
"Mom, I said I want to go back to sleep. Hindi ko naman sinabing hindi ko kayo tutulungan. I am asking you to leave me alone for me to have my rest peacefully."
"So, pumapayag ka ng ma-engaged at maikasal?"
"What?! Wala akong sinasabing gano'n, Mommy, " I don't like where this conversation is going to.
"Marry the man that will help the firm. 'Tsaka lang kita titigilan at hahayaang matulog ng mapayapa."
Eksaheradang bumuga ako ng hininga at tumayo mula sa kama. Pero natigilan ako ng maramdaman ang pagguhit ng hapdi mula sa pagitan ng aking mga hita. Nakagat ko ang labi ko at inis na umupo sa gilid ng kama.
Mom's statements are so annoying. She really wants to manipulate me. Nakakainis!
"Ang sabi ko po ay tutulong ako pero sa paraan na alam ko at hindi sa paraan na gusto 'nyo," kalmado kong bigkas kahit na sa totoo ay gusto ko nang singhalan ito. Kaya lang ay hindi pa ako gano'n kabastos para gawin iyon kay Mommy. I still wants to show them my respect despite of her and Dad being controlling of my life. Magulang ko pa rin sila. Pinagkakautangan ko ng buhay ko. Kaya dapat ko pa rin silang igalang at irespeto kahit na nasasaktan ako ng husto sa pakikitungo nila sa akin.
"In what way do you think you can help? Sa tingin mo ba ay hindi namin inisip ng Daddy mo ang mga posibleng paraan para maisalba ang firm? Ginawa na namin ang lahat at wala ni isa ang umubra."
I gently massage my temples. Naiirita na ako sa pamimilit nito.
"Hahanap ako ng paraan Mommy. By all means. I will do everything to save our firm. Just give me time instead of pushing me to get married to a man I barely even knew."
Mommy paused for a moment. Tinatantiya ang sinabi ko.
"Alright, I'll give you time then. Can you do it in a week?"
Napanganga ako.
"Solusyon ang hahanapin ko, Mommy. Hindi milagro."
"Huwag kang pilosopo, Adrianna Nicole." Napangiwi ako sa lutong ng pagsambit ni Mommy sa pangalan ko. Matagal man akong nalayo sa kanila ay kilalang-kilala ko pa rin siya. Kapag buo na niyang bininbigkas ang pangalan ko ang ibig sabihin ay seryoso na siya. Kulang na lang banggitin pati apelyido.
" One week is the least I could give before your Dad take matters on his own hands. Your lucky its me your dealing with. Dahil kung ang Daddy mo ang kausap mo ngayon ay hindi ka na no'n bibigyan pa ng pagkakataon. Worst scenario that you can expect is that he'll marry you before this week could even end. Nang hindi na ipinapaalam sa'yo."
Muli akong napasimangot. Mom is right. Mas may konsiderasyon pa siya kaysa kay Dad. Dahil pag si Daddy ang nagbitaw ng salita, kahit labag man sa loob ko ay kailangan kong sumunod. Siguro dahil abogada na ako ngayon at mas may kakayahan ng ipaglaban ang sarili kaya hindi pa nila ako ginagamitan ng pwersa para pumayag sa desisyon nila.
That has to change. Them manipulating me should end in a way with me standing victoriously. Pagod na ako sa pagmamanipula nila sa buhay ko.
"Isang linggo, Adrianna. Kailangan may solusyon ka na para malutas ang problema sa firm. Ako ng bahalang kumausap sa Dad mo. Do what you have to do and do it quickly or else, you will be marching down the aisle with a veil on your face and wearing a white bridal gown, whether you like or not."
"Hindi na pwede i-extend ng isa pang linggo, Mommy?"
"No!"
" Three days more? Or how about a day? "
" Adrianna! " Tili ni Mommy.
I rolled my eyes. I can tell she's getting pissed at me.
"Okay, fine! One week it is."
Mommy took one last look at me before she marched out of my room.
Pabagsak akong humiga sa kama, with my arms spread. Ang mga paa ko ay nakalapat pa rin sa sahig.
Pagod na pagod ang katawan ko. Pero mas naubos ang lakas ko sa pakikipag-usap kay Mommy. Pati utak ko matutuyuan.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Flashes of me having s*x with a stranger last night run through my mind. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa sobrang inis ko sa naging bungad sa akin ng magulang ko kahapon, I actually ended up drinking in a bar and gave up my virginity to a complete stranger.
Pero dahil din doon ay natanggal ang tensiyon ko sa katawan. Na bumalik dahil sa maagang pambubulahaw ni Mommy.
Oh! How I wish Arthur is here. A few whipping will be helpful to calm my frustrations right now.
Pero mas maganda sana kung 'yong estrangherong nakasama ko kagabi ang mapagbubuntunan ko ng stress na nararamdaman ko ngayon.
How I'd love to hear the cracking sound that my leather whip would make everytime it touches his bare back. I'd like to see how his muscle on his arms would flex for every pain I will inflict to him. But most of all, I want to know how his erect manhood give in with every pleasure I can give.
Nabubuhay ang dugo ko sa mga tumatakbo sa imahinasyon ko. Napalunok ako. Hindi ko pa naramdaman ang ganito sa kahit na sinong lalaki. Gusto ko siya ulit makita. Gusto kong angkinin niya akong muli. Gosh! What kind of desire is this taking over me.
Mahirap kalimutan ang nakauna sa'yo. Narinig ko nang sinabi iyon ng iba. Kaya siguro ganito katindi ang pagnanais kong makita siya ulit. Pero bakit ganito ang kabog ng dibdib ko na parang sinasabi na higit sa naiisip ko ang tunay na nararamdaman ko? Pero mas may hihigit pa ba sa pagnanasa? Ewan. Siguro. Hindi ko alam . Kung meron man, ayaw ko ng malaman pa.
I am still sore down my center. Ramdam na ramdam ko pa ang sakit dulot ng kanyang pag-angkin. Maging ang kalakihan ng kanyang p*********i ay tila humulma na sa aking p********e. Animo nakabaon pa rin ang kanya sa akin. I even bleed last night. Ngayon nga ay iniinda ko ng husto ang sakit.
Pero paano at saan ko siya hahanapin? Bumalik kaya ako sa club kung saan ko siya nakita? At pag nakita ko siya ulit, magmamakaawa ako na makipag-s*x siya ulit sa akin? Or offer myself for him to bed me again?
Nah! I don't do such things. Men begs for me and not me begging for them.
But I really want him to be my next submissive.
Kailangan kong makaisip ng paraan. Pero sa ngayon, ang problema muna sa firm ang iisipin ko. Dahil hinding-hindi ako papayag na magpatali at magpasakob sa isang lalaki. I'd rather die a beggar rather than rich but being tied up to.
At sa oras na maayos ko ang problema sa firm ay saka ko siya babalikan upang paikutin sa aking palad.