CHAPTER 1: CHESSA

1093 Words
Kapag ipinaglayo kayong dalawa, pa'no mo masasabing kayo pa rin para sa isa't isa? Posible bang siya pa rin kahit ilang buwan o ilang taon man ang abutin? Posible bang siya pa rin kahit magkaiba na kayo ng mundo... Kahit may nagmamay-ari na ng kanyang puso? Babalikan mo pa ba ang noo'y iniwan mo kahit alam mong masaya na siya? O tatanggapin mong lahat ay napapalitan, lahat ay nagbabago kahit ang noo'y munti mong kasiyahan... Is't a right love at the wrong time? Oh, maybe Im just blinded by the thought of he surely the right one is. Now.. standing before him, again, carrying the feelings I once denied and the courage I did not have before. Meeting him bring back memories of waiting and leaving, of love unspoken and fear. For the first time, I'm ready. Ready to face what I once ran from. What will I discover? Should I finally confess the love I tried to hide? Is there still a chance? Or will he be my forever the one... but got away. *** Chapter 1 *cringgggggggggggg cringgggg--* Napa-upo ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang alarm. Inilabas ko ang aking lumang cellphone para malaman ang oras. Pinatay ko na't sakit sa eardrums. Alas 4 na pala. Sakto. Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kusina para makapaghanda na ng almusal. Mamaya pang hapon ang schedule ko pero maaga akong nagising dahil ako ang maghahanda sa mga bata. First day din kasi nila sa elementarya. Kung iniisip niyong may anak na ako, di kayo magaling manghula. Nakatira ako ngayon sa napakabait kong tita, kapatid ni mamsi pero napakastrikta dito sa Laguna. Nangungupahan lang kami at kasalukuyang nakatira dito sa Jastro Compound. Sakto lang naman yung bahay at di kalakihan. May isang kwarto kung saan doon natutulog sina tita pati ang dalawa niyang anak na babae. Ako naman, sa sala kasama yung mga anak niyang lalaki na nasa lima at pitong taong gulang. Siya ang nagpa-aral sa akin mula highschool hanggang ngayong 3rd year highschool na ako. "Sheina gising na! gisingin mo na mga kapatid mo" niyuyugyog ko si Sheina, panganay sa kanila, hanggang sa magising. Siya na ang bahalang gumising dyan sa mga kapatid niya't baka e mabuhusan ko pa ng tubig tung mga to. Nakahanda na ang almusal, ang kanilang paligo maging ang susuotin nila. Hindi naman na ako nahihirapan, siguro nung una hindi ko mamanage yung oras hanggang sa nasanay na rin ako. Lumabas na ko't nagwalis sa bakuran. Apat silang magkakapatid. Kapag gantong wala si tita at pang night shift sya sa trabaho bilang supervisor sa isang clothing company somewhere in Manila e ako ang tumatayong ina ng mga anak niya. Di naman na rin tu bago at nakasanayan ko na rin. Ok lang naman din sakin at nang akoy makatulong na rin. Mabait si tita pera strikta lang talaga siya. Simula nung mapunta ako sa kanya, ang dami kong natutunan. 1st year highschool, magbabakasyon lang dapat ako nun but something happened kaya hindi natuloy ang pag-uwi ko. Originally, nakatira kami sa Davao. Both of my parents are there pero dahil mas kailangan ako ni tita that time dahil walang magbabantay sa mga anak niya, nagstay muna ako. Umuwi si tita nun sa Bicol kasi naaksidente yung asawa niya. Hindi naman sila broken family.. Malayo lang sila sa isa't isa because of work. They are in good terms naman hindi lang siguro din nila trip magsama. Then that's it, dahil walang mapag-iwanan kaya ako ang nagbantay hanggang sa yung dapat na tatlong araw na pagbabantay naging linggo. Hanggang sa naging 3 weeks. Nagpapadala naman si tita para sa panggastos tyaka sina mamsi narin naman ang nagsabi sakin na dito muna ako at kailangan nga ni tita. Pagbalik ni tita kasama na niya sina mamsi at papsi, nagulat pa ako nun tyaka syempre natuwa. Umuwi daw pala siya ng Davao nun. Pinakiusapan ni tita sina mamsi kung pwedeng siya nalang daw ang magpa-aral saakin kasi kailangan niya talaga daw ng kasama sa bahay. Ako ang pinagdesisyon nina mamsi. Sabi nila maganda daw tung opportunity kasi kapag sa probinsiya, hindi pa siguradong makakapagtapos ka. Mahirap ang buhay kaya sa mga ganitong opurtunidad kelangan i-grab na. Nung una kung stay dito mahirap talaga. Andaming adjustment e, pero kalaunan nakasanayan ko na. Mas naging responsable ako sa maraming bagay. Hindi lang para sa future ko kundi sa araw-araw. Katulad ngayon.. Pagkatapos kong magwalis ay pumasok na ko't naabutan kong kakatapos palang ni Juhari sa pagligo. Ang pangalawa sa magkakapatid. Inabutan ko siya ng tuwalya. "Dali na kayong dalawang lalaki at kumain na. Aba anong oras na e. Maligo na kayo Sheina at Leigh." Nang matapos na silang lahat, nakapagbihis na't nakakain, ibinigay ko na ang kanilang mga baon. Malapit lang naman ang school kaya nilalakad nalang nila. Malalaki na rin naman 'tong mga to kaya di na kailangan ihatid. "Sigi na. Babye na kay ate" hinalikan ko sila isa-isa sa pisnge. Kahit naman malalaki na itong mga to e sweet pa rin. "babye ate esang" paalam ng bunso na si June sakin gamit ang palayaw ko. "ate una na kami" sabi ni Sheila pagkatapos kong halikan sa pisnge. "Sige, ingatan mo iyang mga kapatid mo ha. Huwag maglililikot sa daan tyaka sa school" nilakihan ko ang mata ko kayat napatawa sila. "Opo" sabay sabay nilang sabi. "Sige sige na alis na't malate pa kayo" nagbabye ulit sila bago tuluyan nang umalis. Naiwan akong mag-isa kasama ng napakaraming kalat. Kumain muna ako bago naglinis. Ganto talaga. Mahirap na nga ang buhay marami kapang responsibilidad. Kaya siguro hanggang ngayon ang nag iisang si Chessa Vio Sumandig ay isa paring dakilang NBSB. hays -_- pero ok lang. Wala pa rin naman talaga yun sa utak ko. Hindi naman sa choosy o ano, sabi nila kaya wala ay dahil na sa mapili. May iba naman na porket wala pangit agad like duh. Problema nyo sa single? may finish line ba kaya atat kayo? mauubusan ba ng lalaki sa mundo? nakakamatay ba ang walang jowa? Gigil na me shxxxsxsh. Hindi naman kasi dapat yun minamadali. Naniniwala ako na kapag mas matagal kang nag-antay, mas worth-it. Wait for the right time and the right person will come ika nga. Tyaka may mga priorities pa akong kailangan unahin bukod sa lalake. Pagkatapos kong maglinis, naghanda nako para sa pagpasok ko mamaya sa school. Pagkatanghali, dumating na ang mga bata. Tapos nakong maligo at maghanda ng tanghalian kung kaya't pagkaalis nila'y nagbihis nako. Hays papasok nako sa school. Dapat maging maganda ang unang araw ko sa school ngayon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD