Kinabukasan ay panibagong umaga. Maaga akong nagising at himala na tumama na sa five-thirty ang tunog ng alarm clock. Bumaling ako sa kabilang kama, naghihilik pa si Beast. Siguradong napuyat din ito sa kakakinig ng walang katapusang kuwento ko sa nangyari sa akin buong araw.
Lumabas na ako ng kuwarto para magsalang at bumukas rin sa refrigerator para alamin kung ano ang puwede kong lulutuin.
Ginisang karne norte de lata ang niluto ko at saka limang pirasong jumbo hotdog. Isinalang ko na rin ang takure sa gas stove para makapagtimpla mamaya ng kape.
Naalala ko ang nangyari sa akin kahapon. Inalala ko na rin si Cinderella, malaki pala ang kakailanganin niya para sa kaniyang educational field trip. Maliit lang naman ang ipon ko kaya hindi iyon kakasya lalo na at nagbibigay din ako kay Papa Pinocchio para sa mga kakailanganin at babayarin sa bahay.
Napaupo ako sa sa mahabang silya habang minumuni-muni ang mga concern ko sa buhay.
"Mga kasama, ilatag ang red carpet dahil dadaan si Madame Beauty Rest!" Nagpalakpak pa ng kamay si Probin Syano habang inuutusan ang kaniyang mga kasamahan.
"Yumuko ang lahat at bigyan ng mapugay na saludo si Madame Beauty Rest!" Malakas din ang boses ni Eat Bulaga habang nakadipa ang mga kamay.
Sabay-sabay na yumuko ang mga tauhan habang nakaapak na ang mga paa ko sa red carpet na inilatag sa paanan ko.
"May I have your hands, beautiful Beauty?" May lalaking naglahad ng kaniyang kamay sa aking kamay na may suot na guwantes.
Halos malaglag ang panga ko at panty dahil sa sobrang guwapo niya. Kinilig ako dahil matutunaw ako sa sobrang lagkit ng mga titig niya sa akin. Hala, nakalabas pala ang cleavage ko kaya sentro doon ang tingin ng guwapong humawak ng kamay ko.
"Who are you?" abala kong tanong sa kaniya.
"Just call me, No Name," magalang niyang sagot sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Are you kidding?" tanong ko sa kaniya.
"No, Madame, I am not Kidding. My name is No Name."
"Estupido! Hindi ako nakipagbiruan sa 'yo. Ano ba ang tunay mong pangalan?" Inulit ko ang pagtatanong at tila nairita na ako.
"No Name, Madame. No Name. Please register it to your mind, my name is No Name."
Napaisip ako. Baka baliw ang guwapong lalaking kaharap ko. Sa sobra kong pagmamadali sa paglakad ay naapakan ko ang mahaba kong red gown na may slit sa gitna ng aking hita.
"Ayyy!"
Mabilis akong hinawakan ng lalaking guwapo at hinagip niya ang aking balingkinitang katawan.
"Please be careful, Madame. You have an amazing figure. I like you, Madame."
Namula ako sa sinabing iyon ng lalaking walang pangalan lalo na't nakadikit ang mga labi niya sa aking tainga. Nakiliti ako sa sobrang kilig pero hindi ako nagpahalata.
Niyakap na niya ako kaya hindi na ako nakapalag. Ang higpit ng pagkayakap niya sa akin na halos hindi na ako makahinga.
"Call my name, Madame. I want to hear you are calling my name," bulong niya sa akin.
"How can I call your name, you have no name."
"No Name, Madame, No Name. Call me No Name..."
"Hay ang gulo mo. No name nga tapos tatawagin kita sa pangalan mo?" singhal ko na sa kaniya.
Bigla na lamang niya akong hinapit muli sa beywang at saka hinalikan sa labi. Napaawang naman ako at hindi makapaniwala. Muli niyang ibinuka ang kaniyang bibig kaya nalanghap ko ang kaniyang hininga.
"Yucks! Bakit ba ganiyan ang amoy ng hininga mo? Amoy-sunog!" napabulalas kong sigaw sa kaniya.
"Ummm!"
Napamuklat ako ng mata nang may humampas sa batok ko.
"Ano ba?"
"Anong ano ba, ha? Hindi mo pa ba naaamoy ang sunog na takure? Hoy, Beauty, muntikan na tayong nasunog. Kanina mo pa pala naisalang ang takure tapos natulog ka riyan sa mesa na tumutulo pa ang laway sa kapapanaginip!"
Nagulantang ako dahil amoy sunog nga ang naamoy ko.
"Teka...nasaan na ang lalaking walang pangalan. No name daw."
"Hay nakakainis ka talaga, Beauty! Tingnan mo nga ang takure, atas na rin ang pang-ilalim nito. Wala ng tubig dahil sa kahihilik mo!"
Galit na galit na ang best friend kong si Beast. Kung gayon, nananaginip lang pala ako.
"Hay kaysarap na panaginip. Sino kaya ang lalaking iyon sa panaginip ko?"
"Umm! Umaga na huwag ka nang managinip. Hala ano ang iinumin natin ngayong kape? Pambihira ka talaga. Kung hindi lang kita best friend, bibitayin kita nang patiwarik. Hay nakakasira ka ng umaga!"
Kahit anong galit ni Beast ay magkikibit-balikat na lamang ako. Nasanay na rin ako sa palagian niyang pagka-stress dahil sa akin.
Nakabihis na ako ng pang-opisina ganoon din si Beast.
"Oh, bakit nakangiti ka riyan ha?" ismid na tanong niya sa akin.
"Wala lang. Ang ganda mo talaga, Beast. Kamukha mo si Pok Wang. Kasin-sexy mo rin siya," nakangiti kong tugon sa iya.
"Ah ganoon? Bayaran mo nga ako sa inutang mo? Pok Wang pala ha. Twenty percent ang ipapatong ko sa utang mo. O ano, babayaran mo ba ako o hindi?" nakanguso niyang sabi sa akin kaya napahagalpak ako nang tawa.
"Ikaw naman hindi na mabiro. Sige nga, Ka Kai na lang. Mas maganda iyon kay Pok Wang."
"Ah ganoon? Thirty percent ang patong!"
"Ano? Lumaki pa ng ten percent? Sige na nga, you look like Noemi," muli akong ngumiti sa kaniya.
"Wow, Noèmie Lenoir, the hollywood actress?" nakangiti na rin niyang tanong.
"Hindi. Noemi Tesorero, well known as Mahal!" Humagalpak ako ng tawa habang umuusok na naman ang kaniyang ilong.
"Diyan ka na nga, Mura! Wala kang modo!"
Naiwan akong nakatawa pa rin. Kahit ganito kami palagi ni Beast ay masasabing parang tunay na magkapatid pa rin ang turingan namin.
Nauna na siyang lumabas ng boarding house kaya isinuot ko na ang aking makapal na eyeglasses at saka ikinandado ang pintuan ng boarding house.
"Good morning guys!" bati ko sa aking mga kasamahan nang pumasok na ako sa opisina.
"Good morning, Beauty. Nakakain ka ba ng agahan kanina?" tanong agad sa akin ni Sponge Bob. Siya lang naman ang bumati sa akin gaya ng dati. Ang mga kasamahan ko ay umiikot na naman ang mga mata kapag nakikita ako. Allergic talaga sila sa beauty ko.
"Uy, may pumasok na tindera sa office. Ang sangsang ng amoy," rinig kong sabi na naman ni Fiona.
"Tindera ng bagoong ba kamo?" dugtong naman ni Darna at sinabayan pa ng malutong na tawa.
Alam kong ako na naman ang pinariringgan nila. Okay naman ang ayos ko ah. Long sleeve na kulay abo, paldang kulay kaki na hanggang takong tapos ang ganda naman ng school schoes ko na kulay itim. Pinaglumaan ito ni Cinderella kasi nagpabili ito ng bago kaya sayang naman kung itatapon na. Nakapusod naman ang kulot kong buhok, may belt bag sa gilid kasi nasira ang isa kong shoulder bag kaya ito na muna ang ginamit ko. May suot naman akong makapal na salamin. Nakalagay naman ako ng kulay pink na lipstick, hindi pa ba maganda sa paningin nila?
"Hoy kayong mga bruha, ang aga-aga si Beauty na naman ang nakikita ninyo. Siguro kinulang ng coffee mate ang kape ninyo kanina at siya na naman ang napagdiskatihan ninyo." Mabuti na lamang at to the rescue na naman si Sponge Bob. Kahit minsan inaasar ako nito pero tagapagtanggol ko naman kapag inaapi ako ng mga kontrabida.
"Hoy, Ugok huwag kang makialam. May binanggit ba kaming pangalan? No name...kaya huwag kang paepal diyan. Bagay nga kayo, Ugok at Tanga!" paismid na talak na naman ni Fiona habang abala na naman sa paglalagay ng pressed powder sa makapal niyang mukha.
"No name? Sa panaginip ko 'yan kanina ah," nasabi ko nang mahina habang nakatingala sa kisame dahil naalala ko nga ang aking pananginip kaninang umaga.
"Kitam? Looking tanga talaga!" saad naman ni Darna na nakatingin sa akin sabay hagikhik. Nakitawa na rin sina Eat Bulaga at Show Time.
"Beauty, mamaya ililibre mo ako ha." Bigla akong umangat ng ulo at nakita kong nakangisi na naman si Sponge Bob sa akin.
"Ikaw ha, lagi ka na lang nagpapalibre sa akin. Kalalaki mong tao sana ako ang nililibre mo," paismid ko ring sabi.
"Good morning!"
Lahat kami ay napaangat ng ulo nang dumating na si Mr. Binu Ang. Ang lawak-lawak ng kaniyang ngiti.
"Good morning, Mr. Binu Ang!!" sabay-sabay naman naming bati sa kaniya.
"Tayo alis na bukas papuntang city. Akin dadalhin ang van para tayo lahat kasya. Huwag na kayong bahala ako na sagot lahat para saya tayo sa ating tagumpay," bungad niya agad sa amin at ang lahat ay nagpalakpakan na naman. Nakatingin lang ako sa kaniya at nakikinig.
"Lahat ba tayo, Sir? Kasama rin ba si..." Bumaling sa akin si Fiona na nakangiwi ang nguso. "Si Beauty?"
"Oo naman. Kasama rin Beauty walang iwan dito opisina kaya kayo handa na bukas. Maaga tayo alis para iwas traffic."
Pinaikot pa ni Fiona ang kaniyang malalaking mata nang marinig na kasama rin ako.
"Ay huwag na lang po akong sasama, Sir. May kailangan po aking tapusin sa bahay. Kayo na lang po," saad ko dahil hindi naman ako interesado sa party-party nila at alam kong hindi naman ako welcome sa mga kasamahan kong matapobre.
"Oopss...excuse me. Hindi maaari, kailangang sasama ka, Beauty. Hindi ako papayag na maiwan ka rito. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit magkaroon ng victory party ang company," sabi naman ni Sponge Bob.
"Eww!" pahapyaw na saad ni Darna.
"Agree ako, Sponge Bob. Sama kayo lahat wala iwan. Hindi puwede hindi ka sama, Beauty. O siya nga pala, pakigawa itong report dahil kailangan pasa na sa kliyente susunod na araw. Ako asikaso pa ibang proyekto dapat diskusyon."
Agad na pumasok si Mr. Binu Ang sa
kaniyang opisina. Napabuga naman ako ng mahinang hangin.
"Beauty!" Lumingon ako dahil malakas na boses ang narinig ko mula sa likuran.
"Ikaw talaga, Sponge Bob, ang ingay-ingay mo. O bakit ka nagtatakbo, malapit lang naman ang canteen ah," sabi ko sa kaniya dahil break time ay agad akong lumabas para naman makalanghap ng ibang hangin. Nasasakal kasi ako sa mga kasamahan ko na laging ako na lamang ang napupuna.
"Sabay na tayo."
"Ah, oo kasi magpapalibre ka na naman. Hay wala nga akong pera ngayon. Problema ko pa ang pocket money ni Cinderella sa kanilang educational field trip sa susunod na linggo."
"Ganoon ba? Gusto mo ba ipakilala kita kay Turko?"
"Sinong Turko na naman 'yan?"
"Si Turko, kapatid ni Bombay. Nagpapahiram iyon ng five-six," nakangisi niyang sabi.
"Hay naku huwag na. Malamang na doble ang tubo ng mga iyan."
"Eh 'di kay Ben Ladin na lang."
"Ikaw talaga, Sponge Bob puro ka kalokohan. Diyan ka na nga!"
Araw ng Saturday, maaga kaming umalis papuntang city. Isang oras lang naman ang biyahe. Halos lahat sila ay nag-e-enjoy sa pag-iinuman at pagsasayawan samantalang ako ay tila dekorasyon lamang sa pinuntahan naming hotel. Si Sponge Bob naman ay panay ang hilig ng ulo niya sa balikat ko, palibhasa nalasing na rin ang luko. Si Mr. Binu Ang naman ay parang pinaupong litson habang sinasayawan naman ng mga hitad na sina Fiona, Darna at Show Time. Nanonood lang si Eat Bulaga at nakipag-inuman kay Sponge Bob.
May pumasok na makisig na lalaki sa aming occupied room at familiar ito sa akin.
"Hi," bati niya sa aming lahat kaya napahinto ng sayaw ang mga hitad.
Napatayo naman si Mr. Ang nang makilala ang lalaking pumasok.
"Mr. Mac Donald! Mabuti naman ikaw punta amin dito. Upo, upo." Agad niyang pinaupo si Mr. Mac Donald.
"Thank you, Mr. Ang. I have a good news for you. Mr. President was impressed for the proposal presentation you've presented while ago and he said, his company will incorporate to yours as soon as possible. He already signed the complete papers and you need to review it so that you can move to our office immediately," masayang pag-imporma ni Mr. Mac Donald.
"Wow, ako tuwa sa dala mo balita. Good news nga, Mr. Donald. Yes, yes. As soon as possible I will review the papers and sign it instantly," masaya ring pagtanggap ni Mr. Ang.
"That's good! After you have signed all the documents and papers. All of you will be transferred to
Loca Mocha Brandy Corporate. Mas malawak, mas maganda, elegant and comfortable place ang naghihintay sa inyo sa Makati."
Ang lahat ay napabilog ang mga mata sa magandang balitang iyon. Sa wakas, makapagtrabaho na ako sa Maynila. This is the start of my journey.
"Cheers for the victory!" sigaw ni Mr. Ang at itinaas ang mga kopita at isa-isang tinungga ang laman nito.