Chapter75

1603 Words

BRUCE'S POV Abala kaming lahat sa pakikinig ng usapan nila Amari, Brandon at Tito Miguel. Nagmumukha kasing teleserye ang buhay nila. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa rebelasyong nalaman ko ngayong araw. Si Brandon pala ang may pakana ng nangyayari kay Amari. Siya pala ang matagal ng nagpapapatay dito. Hindi ko man lang napansin iyon sa mga kilos niya tuwing magkasama kami. Napagbintangan pa tuloy ako ni Amari na kasabwat niya. Hindi lang naman ako ang pinagbintangan niya kundi kaming lahat na naririto kasama na si Miss Riva at Armando na puro mahahalaga sa kanya. Hindi ko naman siya masisisi. Sa mga nalalaman niya ngayon ay talagang pagdududahan na niya ang lahat ng malalapit sa kanya. Ang hindi maproseso sa utak ko ay magkapatid pala sila. Hindi ko alam kong paano nangyari yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD