Lumabas ako ng bar. Iniwan ko si Justine at Brandon sa loob. Nagsisisi tuloy ako kung bakit lumabas pa ako ng bahay. Sumakay ako ng kotse ko at sa sobrang inis ko ay pinaharurot ko ang sasakyan sa kahabaan ng highway. "Fuck." Bigla akong napapreno ng biglang may dumaan sa harapan ko. Mukhang nagulat din sya kaya bigla din syang napahinto at natumba. Hindi ko kasi napansin ang pagtawid niya dahil medyo madilim sa lugar na ito dagdag pa na akupado ang isip ko sa letseng Brandon na yon. Nakadisgraya pa tuloy ako. Bumaba ako ng sasakyan para kamustahin siya at dalhin sa ospital kung kinakailangan. "Miss okay ka lang ba?" tanong ko habang papalapit ako sa kanya. Bigla siyang tumayo. "Okay lang ako. Pasensya na hindi ko kasi napansin ang sasakyan mo." "Sigurado ka? Wala bang masakit sa

