DON MIGUEL'S POV Pagkatapos akong tawagan ni Miss Riva ay dali dali akong umalis ng bahay. May importante daw siyang sasabihin na siyang ipinagtataka ko. Hindi naman kasi siya madalas tumatawag sa akin at lalong lalo hindi niya ako pinapupunta sa Sierra Mall. Kaya nakakasiguro akong importante ito. Habang sakay ako ng sasakyan ay hindi ko maiwasang mag isip kung tungkol saan ang pag uusapan namin. Nasa kabilang sasakyan naman ang mga body guards ko. Simula ng mawala si Amari ay hindi na kami nag alis pa ng mga body guards. Mas mabuti ng nakakasigurado. Pagdating ng mall ay sa likod kami dumeretso. Sa employees entrance para iwas sa mata ng mga nakakarami. Pagkababa ko ng sasakyan at derederetso lang ako ng lakad hanggang makapasok. May mga iilang tao kasi na napapalingon. Naiwan ang iba

