Chapter 6

1194 Words
THIRD PERSON'S POV Kumatok si Amari/Mia ng talong beses sa opisina ni Brandon dahil pinatawag siya nito. "Come in" Pagkapasok niya ay yumuko siya at bumati. "Good afternoon sir, pinapatawag nyo raw po ako." magalang na bati nito bago luminga linga sa paligid ng opisina at nakita nyang andun din si Bruce. "Don't worry, walang ibang tao dito." sabi ni Brandon. " Haay, salamat naman kung ganun, paupo ha. I'm so tired." Bigla itong umupo sa tabi ni Bruce at sinandal pa ang likod sa sandalan. " So, care to expain my dear Amari." sabi ni Brandon. "Explain about what?" " You know what I mean." " So, kaya niyo ko pinatawag dahil dun.?" " Hmm." "Why is the heiress of Dela Vega is here pretending to be a janitress?" "Secret." "Secret?" si Brandon ulit. " Yeah." "Baka gusto mong ilantad ko ang secret mo?" "Brandon naman e. baka gusto mo rin ilantad ko secret mo?" "What secret?" tumaas ang kilay nito "Ang pinaka iingatan mong secreto. You know what I mean." "f**k subukan mo and your fired. Isipin mo janitress ka ngayon at ako ang CEO.hmm." "Sige, fire me as a janitress and after that I'll fire you as a CEO.. Ok ba.?" ngisi ko sa kanya. " You know very well that I can do that." "Ssssh. Yabang mo ahh. kelan ba kami mananalo sayo? Ang dami mong palusot ." "Im just telling the truth." "Whatever." natawa ako dahil pinaikot pa nito ang kanyang mata. Nagmukha tuloy siyang bading. Pati si Bruce ay natawa rin. "Hahaha. gayahin mo kasi ako bro. chill lang." sabi ni Bruce. " Bakit hindi na lang ang lalaking yan ang ipatanggal mo Amari. Wala namang ambag yan dito sa company. Sayang lang ang pinapasweldo nyo sa kanya." sagot ni Brandon. "Aba aba. kala mo lang wala pero meron. Hindi magiging successfull tong company kung hindi dahil sa akin. hahaha." biro nito "Wow ha, nagbubuhat ng sariling bangko." " Mas ok na yun bro, atleast may nabuhat, kesa naman sa wala diba. hahaha" " Look at Amari, wala din namang ambag yan pero tingnan mo, buhay prensesa. Eh, magpaampon kaya ako kay tito Miguel para buhay prensipe din ako. " Alam mo kung anong una kong gagawin bro pag nangyari yun? "Ano" "Tatanggalin ko kayong dalawa ni Armando, hahaha " " Baliw" Napailing na lamang si Amari at Brandon sa kalokohan nito. Maya maya pa biglang nagsalita ulit si Bruce. "Hindi nga Cous, Alam mo, alam ko yang plano mo e. Nagmamatyag ka dito no? Kung may mga anomalya kang makikita, tama ba? seryoso nitong tanong. "Huh!" gulat na napatingin si Amari kay Bruce. AMARI'S POV Gulat akong napatingin kay Bruce. Hindi dapat nila malaman ang plano ko kahit mga pinsan ko sila. Yes mga pinsan ko sila. Anak sila ng dalawang kapatid ni papa. Iwan ko sa kanila kung bakit nandito sila sa kumpanya namin eh may sarili namang mga negosyo ang magulang nila. Ang rason nila hindi naman daw sa kanila yun kundi sa parents nila. Gusto daw nila ng sariling sikap, ayaw nilang umasa sa mga magulang nila. Eh ganun din naman yun sila din ang magmamana nun pagdating ng araw. Nag apply sila kay papa at dahil sobrang busy na ni papa at hindi na niya kayang hawakan pa ay itinalaga nya muna si Brandon bilang CEO. Bukod kasi sa kompanyang ito meron ring syang malalaking investments sa ibat ibang sector. Ako naman ay lihim lang na tenetrain ni papa. Hindi ako pumupunta sa ano mang business gathering. Ingat na ingat kami para hindi malantad ang pagkatao ko dahil minsan ay nanganib na ang mga buhay namin. At alam ito ng mga pinsan kung ito. Pero kahit na ganun hindi nila pwedeng malaman ang misyon ko. Si papa at ako lang ang nakakaalam. Dahil sa ngayon lahat ng taong nakapaligid sa amin ay suspect. Don't trust anyone but yourself, ika nga. "Hey." Nabalik ako sa wisyo ng mag salita ulit ito. "Ano naman ang alam ko dyan sa mga anomalyang yan." palusot ko "At tsaka diba dapat kayo ang gumagawa niyan. Dapat kayo ang nagmamatyag dahil nandito kayo. Kayang kaya nyong gawin yan. Ano palang silbi nyo? Bakit sa akin nyo pa iaatang ang gawaing yan" dagdag ko. "E kung hindi, anong ginagawa mo dito miss janitress? taas kilay na tanong nito. " Eehhh, si papa kasi pinaparusahan ako. Tatanggalan niya ako ng mana kung hindi ko siya susundin. Sayang din yun." reklamo ko. "At bakit naman" " Umalis ako ng hindi nagpapaalam. Nagbakasyon ako kasama ang ilang kaibigan ng ilang araw, ayon nagalit. Kelangan ko raw ng leksyon para magtanda ako." Pagsisinungaling ko. " Bilang parusa kailangan kung magtrabaho dito pero syempre dapat walang makakaalam ng pagkakakilanlan ko."dagdag ko pa. " Ahh, E di totohanin mo na ang pag aalok ng paninda." tawa pa ni Bruce. "Walang hiya ka Bruce bakit naman panty at brief ang naisipan mong nilalako ko, nakakahiya tuloy" "Eh wala akong ibang maisip eh". "San mo ba talaga binili yung regalo mo sa amin? tanong pa ni Brandon. "Kay Amari nga." Lumingon sa akin si Brandon. " So pati pag aalok tinotoo mo na? Pina freeze ba ni tito lahat ng account mo?" Lumingon ako kay Bruce. " Letsugas ka Bruce wag moko pagtripan ha." sabi ko "Kanino ba yung SIENNA MALL?" tanong niya sa amin ni Brandon. "Sa akin" "Sa kanya" sabay naming sagot. "See, Dun ko yun binili kaya sayo galing." " Ahh, linawin mo kasi." "Tsaka ang mahal ng bili ko nun ha. Hindi man lang ako binigyan ng discount." reklamo nito Maya maya pa ay nagpaalam na ako. "Aalis na ako baka hanapin nako ng supervisor ko." "Ok, baka tuluyan kang masesante, mawalan ka pa ng mana, hahaha." asar ni Bruce. "Tarantado" " Ok lang matanggalan ka ng mana, magbenta ka na lang, magaling ka naman mag salestalk eh,hahaha." hirit naman ni Brandon. Nag aasaran sila ng bumukas ang pintuan at may nagsalita kaya nagulat si Amari. "Ay palaka!!!" ARMANDO'S POV Pagbukas ko ng pinto hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko ang janitress na walang ginawa kundi ang pagtripan ako. Nagulat yata siya kaya biglang napalingon sa akin sabay sabing " Ayy palaka!!" Damn this woman, wala na ba syang ibang bukambibig kundi iyon. Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya dahil naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin na mukha akong palaka. Ano kayang ginagawa niya rito. Napansin ko na komportable siyang nakikipag usap sa dalawa. Ganun ba sila ka close? Akala ko ba nagkakilala lang sila sa labas? "Bro, may kailangan ka?" tanong ni Brandon "Meron sana akong ididiscuss sayo pero mamaya nalang dahil mukhang busy ka." "No, it's okay paalis na rin si Am... aahh si Mia." "Mia, you can go now." baling nya sa babae. "Ok sir, aalis na po ako." Tumayo siya at naglakad na palabas . Ako naman ay nakatayo pa rin sa may bandang pintuan. Hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin at dumeretso na palabas. Umaasa akong babati sya kahit "good afternoon sir" o "aalis na po ako sir", pero wala. Derederetso lang sya hanngang makalabas ng opisina. Hmmpph..ano naman ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD