Chapter 96

1508 Words

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Inilibot ko ang aking paningin. Ngayon ko lang nakita ang kwartong ito pero pakiramdam ko ay komportableng komportable ako. "Nasaan kaya ako? Bakit nga ba ako naririto?" Naalala ko ang nangyari kanina sa opisina ni Mr. Myers. Nawalan nga pala ako ulit ng malay. "Bakit nasa ibang kwarto na naman ako?" Hindi kasi ito ang kwartong pinagdalhan niya kanina sa akin noong una akong nawalan ng malay. Simula ng dumating ako dito sa Pilipinas ay kakaiba ang nararamdaman ko. Lagi na rin sumasakit ang ulo ko. Noong mga naunang araw ay hindi naman ganito kadalas. Ngayong araw lang din ako nawalan ng malay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nag umpisa lang ito noong nagkita kami ni Mr. Myers sa birthday party ng mommy niya at tinawag niya ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD