THIRD PERSON'S POV
"Mia, dun ka na lang muna sa lobby maglinis habang di ko pa naaayos ang schedule mo." saad ng superior ni Amari.
" Yes maam."
"Kailangan mong matapos ang paglilinis dun bago mag 8 o'clock dahil ayaw ng boss na pakalat kalat tayo dun pag open na."
"Ok maam. copy that."
Unang araw ngayon ni Amari sa DV GLOBAL CORPORATION. Ang kompanya ng kanyang pamilya na mamanahin nya balang araw. Isa ito sa mga nangungunang kompanya hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Kabilang sa kanilang negosyo ang mga malls, shipping lines, clothing lines, restuarants, real states and technology, Kahit sa mga airlines ay meron silang investment. Lahat na yata ng mga klaseng negosyo ay mayroon sila, kaya hindi nakapagtatakang marami ang gustong mapabilang dito, ngunit marami rin ang gustong pabagsakin sila. Masyadong mailap at magaling ang kalaban ngayon at hindi nya hahayaang magtagumpay ang mga ito kaya sya na mismo ang kumilos. Madali nyang magagawa ang mag spy dahil hindi siya kilala ng mga kasosyo nila sa negosyo. Siguradong may mga tauhan sila dito sa loob ng kompanya.
Dala ang mga gamit panglinis, nagtungo si Amari/Mia sa lobby para umpisahan na ang kanyang trabaho.
Maya maya pa ay nagsimula nang magsipasukan ang mga empleyado. At dahil sa abala ang kanyang isip, hindi nya namalayan ang oras at ang pagpasok ng tatlong lalaki.
" Goodmorning Sir.' sabay sabay na bati ng mga empleyado.
Tumango lamang ang mga ito.
Ang isa sa kanila ay may kinausap sa receptionist at ang dalawa naman ay dumeretso sa kinaroroonan ni Mia na nasa kabilang side lang para sitahin ito dahil mag aalas otso na ay di parin tapos maglinis.
Nakaharap si Mia sa glass wall at nagpupunas kaya hindi nya napansin ang dalawa na papalapit sa kanya.
" Excuse me, is your superior did not inform you about the rules of this company?" Nagulat siya sa pamilyar na boses na nagmumula sa kanyang likuran.
" Oh no. this can't be. Why now? Sabi niya sa sarili. Bakit sa lahat lahat ito pa ang makakapansin sa kanya. Hindi siya kumibo at nanatiling nakatlikod para hindi siya makilala.
"Sorry sir. hindi na po mauulit." nakatalikod parin nitong sagot.
" Face me!" Don't talk to me like that."
Wala siyang nagawa kundi dahan dahan siyang humarap dito. At nakita niya ang dalawang lalaking mukhang mangsesesante na ng empleyado dahil sa inis. Ang isa nitong kasama ay hindi niya kilala kaya nakapukos ang atensyon niya sa lalaking pamilyar sa kanya.
"Good morning Sir Brandon." nakangiwi niyang bati dito. Mukhang mabubuking na sya e kakaumpisa niya palang.
"Good mor....you??" Gulat na gulat ito ng makita sj Mia/Amari .
"What are you doing here, Ama..."
"Let's go bro." putol ni Bruce sa kanya, ang kasama nila kanina na may kinausap sa receptionist na ngayon ay nakalapit na sa kanila.
"What's the problem here? dugtong nito.
" Look at her.." sabay turo ni Brandon kay Amari.
"s**t. Im dead now!! No, hindi pwede to.." sigaw ng isip ni Amari na nakatitig lamang sa mga ito.
"f**k!!! gulat na mura nito. " Why are you here? and.. look at you? hindi makapaniwalang sambit nito ng matitigan ang hitsura nito na nakasuot pang janitress.
"You two, do you know her? sabad ng isa nilang kasama na hindi kilala ni Amari. Si Armando, the managing director of the company.
" Of course!!"
" Of course, we did!!" sabay sabay na sagot ng dalawa.
"She's our..."
”I'm Mia... Mia Hernandez sir." putol niya sa sasabihin sana ng dalawa. "Kakilala ko po sila dati sir." paliwanag niya sa lalaki.
"Oh? taas kilay na sagot nito.
Habang si Brandon at Bruce ay gulat pa ring nakatingin kay Amari.
"At saan naman kayo nagkakilala ng babaeng ito mga bro? tanong ni Armando sa kanyang mga kasama.
"Ahh.. dyan po sa labas ng building sir. Naglalako po kasi ako ng mga paninda dati at minsan na po silang bumili sa akin." siya na ang sumagot sa tanong ng lalaki.
Habang si Bruce at Brandon ay nakangangang nakatingin sa dalaga. Pinoproseso pa ang sinasabi nito. Naglalako? Mia? Kelan pa ito naglalako at kelan pa ito naging si Mia? Paanong ang isang prensesa ng Delavega ay naglalako ? f**k!! Is there someting wrong?
"At ano naman ang nilalako niya sa inyo mga bro?" Nabalik sila sa katinuan ng magtanong ulit si Armando at nakangisi itong nakatitig sa dalawa."Mukhang masarap ang nilalako nya ahh." Dagdag pa nito. Iba yata ang iniisip nitong nilalako.
Shit this man. Ang dumi ng isip. Hmmpph.
" Ahh.." lumingon si Brandon kay Amari dahil hindi nito alam ang isasagot. Lihim nya itong pinandilatan ng mata na para bang kinakausap na wag siyang magkakamali ng sagot at na gets ito ni Bruce na nakatingin pala sa kanila kaya ito na ang sumagot.
"Naglalako siya ng panty at bra."
" What? at bumili kayo? wag nyong sabihing sa kanya galing yung neregalo nyo sa mga babae nyo. f**k bro, kailan pa kayo naging kuripot..
" E ano naman? ayaw mo nun malaki ang matitipid mo kesa dun sa mall. Pare pareho lang naman yan. At yung suot ni Brandon na brief ngayon na bigay ko, sa kanya ko rin binili.
"f**k Bruce!!
"Hahaha..why? at yung brief na regalo ko sayo Armando, kay Mia ko rin binili. Diba favorite mo nga yun?"
" s**t bro" mura naman ni Armando
"Why? What's wrong with the two of you mga bro. Nung neregaluhan ko kayo, tuwang tuwa kayong dalawa.Tapos ngayon nalaman nyo lang na sa tabi tabi ko binili minumura niyo na ako. Kayo na ang nagsabi na magandang klase ang binigay ko kaya lagi nyong sinusuot diba? Tsaka alam nyo ba kung magkano bili ko ng brief nyo?"
"How much?" sabay na tanong ng dalawa.
" 3 for 100."
"What!! f**k you bro!!!
"Pinagsuot mo kmi ng 3 for 100!!? Ano yun ukay ukay!!! namumula nang mura ng dalawa.
"What's wrong with that? " Ang gandang headline diba? "THE CEO AND THE COO of a well known DV GLOBAL CORPORATION with millions of income wearing a 35 pesos underwear." Oh diba ang ganda. How humble you are?Hahaha." "For sure magtetrending to bro." Sabi ni Bruce na kinukumpas pa ang kamay nito habang tumatawa.
"You moron.!!! " sabay bigwas sana ng dalawa sa kanya ngunit mabilis itong nakalayo.
Natatawa naman si Amari sa reaction ng dalawa sa ginawang kalokohan ni Bruce.