DON MIGUEL'S POV "Miguel, ano nang balita sa anak natin? Bakit hindi pa siya nahahanap?" tanong sa akin ng umiiyak kong asawa. Simula noong dumating kami dito sa Pilipinas ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak at magtanong tungkol sa anak namin. Naawa na ako sa kanya dahil hindi na siya nakakain at nakakatulog ng husto. Nag aalala ako dahil baka magkakasakit na siya sa ginagawa niya. "Sweatheart don't worry mahahanap din natin siya. Ginagawa ko ang lahat para mahanap siya. Sa ngayon kailangan mo munang magpahinga dahil baka magkakasakit ka na niyan." "Hindi ako makakatulog Miguel. Paano ako magpapahinga kung alam kong nasa panganib ang anak ko. Bakit kasi pinayagan mo siyang magtrabaho sa kompanya. At janitress pa? My God Miguel para saan ba ang pagsisikap mo kung janitre

