"Yes bro at siya yong pakakasalan ko. At ikaw ang magiging bestman ko remember?" "Sasabihan kita kaagad kapag fix na ang petsa ng kasal okay?" Mas lalo akong nawindang sa sinabi ng pinsan ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong katawan. Hindi ako makasagot o tamang sabihin na walang lumalabas na salita sa aking bibig dahil nakanganga lang ako sa harapan nila. At ganun din si Justine na nasa tabi ko. Ilang sandali ay dumating si dad at mom. " Oh iho andito lang pala kayo. Mabuti at nagkita kita na kayo." rinig kong sabi ni mommy. "Armando anak. Ikakasal na itong si Clifford at ikaw pala ang bestman. Eh mukhang mauunahan ka na. Ikaw kelan mo ba balak magpakasal?" dugtong pa ni mommy. Hindi pa rin ako nakasagot. "Huwag mo ng hintayin yong girlfriend mo na mabuhay dahil siguradong tat

