Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama na hinihigaan ni Mia habang hinihintay ko syang magising. Ipinikit ko muna ang aking mga mata habang nag iisip kung ang ano ang pwedeng gawin para mabawi ko siya mula kay Clifford. Babawiin ko ang mahal ko. Babawiin ko ang akin. Hindi ko kayang isipin na hawak hawak at yakap yakap siya ng ibang lalaki. Para akong mababaliw sa tuwing naiisip ko na magkayakap at magkatabi sila sa kama ni Clifford tuwing gabi. Damn..ako lang dapat iyon. Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip ko ang tagpong iyon. Kakaisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. "Armando.. Armando..." Naidilat ko ang mga mata ko nang marinig ko ng ilang beses ang pangalan ko. Pagdilat ko ay nakita ko si Mia na bumabangon mula sa pagkakahiga. "Amando.." tawag niyang muli sa ak

