Chapter 54

1359 Words

AMARI'S POV Masaya akong nagluluto sa kusina. Lagi kong pinagluluto si Armando ng hapunan para naman kahit papaano ay may silbi ako sa bahay na ito. Nagpapaturo ako kay Manang Elena ng mga paborito niyang pagkain. "Manang pwede bang tikman mo itong niluto kong adobo?" "Oh sige iha akin na." Tinikman niya at mayamaya ay nagsalita. "Dagdagan mo ng konting soysauce, masyadong matabang. Tandaan mo ayaw ni senyorito ang masyadong matabang at masyadong maalat. Kailangan sakto lang." "Opo manang." Nilagyan ko ng soysauce at pinakuluan ulit tsaka tinikman. Nang makuntento sa lasa ay pinatay ko ang apoy at itinabi. Gumawa naman ako ng letche flan para panghimagas. Nang matapos sa pagluluto ay nagpahinga ako saglit at umakyat sa kwarto para maligo. Maya maya lang ay darating na si Armando.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD