Pat's pov.
"Pat, kaya mo ba talaga?" Tanong ni poch sakin
"Huh? Oo, bakit hindi?" Sagot ko sa kanya
"Kanina ka pa naka titig sa kanya, puro ka din mali" Sabi niya
"Wala to poch, aayusin ko na talaga promise"
"Tara na migs, practice na ulit" Sabi ni poch kay migs
Di ako makapag focus, tuwing tutugtugin namin yung Araw-araw, nag kaka mali ako.
"Kaya mo yan patty" bulong ni poch sakin
Kaya ko naman talaga. Pero bakit pag naalala ko na may iba kang gusto, yung puso ko parang dinudurog.
Makakaya ko din to, Hindi man ngayon, baka sa susunod pang mga araw, Hindi ko alam. Basta kakayanin ko to.
~*~
Nag umpisa na ang gig namin, pinilit kong ngumiti para sa mga fans. tumingin ako kay Agnes, sobrang saya niya ngayon, Sana kaya ko din siyang pasayahin tulad niyan.
"Bago namin tugtugin tong next song namin, may message si Agnes para sa mahiwaga niya" Sabi ni migs, lumapit si Agnes sa mic at nag umpisa ng mag salita
"Uh, hindi ko alam yung sasabihin ko pero, Ang tagal ko ng pinag isipan to, at sure na akong ready na ako, thank you dahil hinintay mo ako, thank you kase inintindi mo yung desisyon ko dati na ayaw ko ng commitment, pero ngayon sure na ako, at kung ano man ang tanong mo sakin noon, oo ang sagot ko" Sabi niya, ngumiti ako at pumikit
aaaAaaa sobrang sakit.
Masaya ako para sayo Agnes.
Agnes's pov.
Pag tapos ng gig namin dumiretso na kami sa back stage at nag pahinga saglit, Maya maya nakita ko si Zach na papalapit sakin kaya sinalubong ko na siya
"Agnes" Sabi niya sabay bigay ng flowers sa akin
"Ah guys una na kami" Sabi ni Miguel
"Uwi na din ako" Sabi ni Andrew
"Ako din, ingat kayong lahat pauwi" Sabi ni Toni, nag ayos na sila ng sarili nila at umalis na, bukod kay poch at pat, si pat naman busy sa ml
"Hindi joke yung sinabi mo kanina diba?" Tanong ni Zach
"Bakit naman ako mag jo joke?"
"Ibig sabihin nun tayo na?" Tanong niya, tumango naman ako at yumakap sa kanya
"Una na ako" Sabi ni pat at umalis na
"Uuwi na din ako, congrats Agnes" Sabi ni poch at umalis na din
"I love you Agnes! Kung meron man akong maipa pangako sayo, yun yung mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko. Pipiliin kita sa Araw-araw mahiwaga ko" Sabi niya habang naka yakap padin sakin
"I love you too zach" Sabi ko
Pat's pov.
"Pat wait!" Sigaw ni poch
"Oh?"
"Uuwi ka na ba?" Tanong niya
"Hindi, Wala akong balak umuwi" Sabi ko
"San ka pupunta ngayon?" Tanong niya
"Ewan? Gusto kong uminom" Sabi ko
"Sasamahan kita"
"Kaya ko sarili ko"
"Hindi mo kayang mag isa pat, bakit ka ba ganyan? Kapag may problema ka lagi mo akong pinapalayo? Kaibigan mo ako pat, nandito ako para damayan ka!" Sigaw niya
"Kaya ko naman eh, Hindi ko kailangan ng tulong niyo"
"Ganyan ka na ba talaga? Di mo ba naisip na nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka? Kaibigan mo ko pat" mahinahon niyang sabi, Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko
"Sorry, Hindi ko sinasadyang sigawan ka, Tara na, punta tayo kay jam" Sabi niya, tumango ako at pinunasan yung luha ko. Pumasok na kami sa kotse namin at nag drive papunta sa condo ni jam.
Nauna ako kay poch dumating kase mas mabilis ako mag pa takbo ng kotse.
"Oh ginagawa mo dito?" Bungad ni jam sakin
"Bakit namumula yang mata mo? Naka drugs ka ba pat? O umiyak ka?" Tanong niya
"Grabe naman sa naka drugs jam" Sabi ko
"Jk, Alam ko naman na masakit para sayo yung scene kaninang gig, pasok na" Sabi niya kaya pumasok na ko, maya maya dumating na si poch, bumili lang pala ng wine at pagkain
"So pag usapan natin kung bakit hindi ka pinili" Sabi ni poch habang nag sasalin sa baso niya
"Baliw mas lalo mong pinapa iyak yung tao eh" Sabi ni jam
"Pero bakit kase si Agnes pa?" Tanong ni jam
"Bakit hindi? Nasa kanya na ata ang lahat eh" Sabi ni poch
"Sweet si Agnes" dugtong ni poch
"Maalaga" dugtong ni poch
"Sa lahat" Sabi naman ni jam
"Hindi naman kase natin matuturuan yung puso natin eh, kahit anong pigil ko nuon na wag siyang mahalin pero wala eh" Sabi ko sabay inom
"Sabi nga nila diba, kung mag mamahal tayo, mahalin lang natin, pero wag tayong mag expect na mamahalin nila tayo pabalik" Sabi ni jam
"Tyaka Mahal ka din naman ni Agnes pero sa ibang paraan, ok na yun kesa wala" dagdag pa ni jam
"Sanay naman na ako dito eh, lagi nalang" Sabi ko
"Tuwing mag mamahal ako dun pa sa taong hindi ako mahal, napapatanong na nga lang ako minsan eh" dagdag ko
"Ano kayang feeling ng minamahal pabalik?" Tanong ko
There's no reason, there's no rhyme
I found myself blindsided by
A feeling that I've never known
I'm dealing with it on my own
Phone is quiet, walls are bare
I drink myself to sleep. Who cares?
No one even has to know
I'm dealing with it on my own
I've got way too much time to be this hurt
Somebody, help. It's getting worse
What do you do with a broken heart?
Once the light fades, everything is dark
Way too much whiskey in my blood
I feel my body giving up
Can I hold on for another night?
What do I do with all this time?