LENY'S P.O.V
Anong nangyari sa yo at ang saya mo naman yata? Puna ni Liza sa akin ng makabalik na ako sa housekeeping quarter. Sa sobrang saya ay hindi ko agad nasagot ang tanong nya kaya naman naramdaman ko na lang ang paghila nya sa buhok ko.Aray ko naman ano ka ba? Ba't ka ba nanghihila ng buhok, problema mo? Pasinghal na tanong ko.
Ako wala.baka ikaw meron. Tinatanong kita kung bakit parang ansaya saya mo?
Ah yun ba? Masaya talaga ako kasi sabi ni Sir Hendrix ako na daw lagi maglilinis ng room nya. Ako lang daw at walang iba. Matamis ang ngiti ko habang nagkukuwento kay Liza at may kasama pang kilig.Hindi naman makapaniwala si Liza.Seryoso.Tanong ni Liza.Tumango na lang ako.Mainggit ka kasi araw araw kong makikita ang gwapong guest natin.At saka alam mo ba mabait naman pala sya.Hindi naman pala sya masungit gaya nung una.Napakunot noo naman si Liza.Bakit at paano mo naman nasabi?
Ngumiti lang ako kay Liza.Basta.Sige na babush at pupunta pa ko sa next na lilinisan ko.Pakanta kanta pa akong umalis sa quarter namin.
:::::::::::❤️❤️❤️❤️:::::::::
Hi Manang,Ate Isay okay lang po ba ang suot ko,ang hitsura ko?Sinuri nila ang hitsura ko.Aba'y oo naman napakaganda mo anak. Kahit anong isuot mo bagay naman sa yo. Saan ba ang punta mo?Pagkuway tanong ni Manang.Niyaya po ako ni Earl lumabas.
Sya, ingat kayo.Bilin ni Manang.Nagpaalam ka na ba sa Mama mo?Yes Manang.Maya maya ay may nag dorbell. Nagpaalam na ako kina Manang dahil sure ako na si Earl na yon.
Hi.Bati ni Earl sabay halik sa pisngi ko. You're so gorgeous.For you.Sabay abot ni Earl ng bulaklak sa akin.Thank you.Tinanggap ko ang bulaklak at pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa kotse nya.Inalalayan nya ako makapasok sa loob at ikinabit na din ang seatbelt sa akin.
Pagdating sa restaurant ay sinabi ni Earl na nagpareserve na sya kaya sinabi na lang nya ang pangalan nya at ng makita sa list ay sinahamahan na kami ng crew sa magiging table namin.Ipinaghila ako ni Earl ng upuan.Umorder na din kaagad si Earl.Nakakarelax ang loob ng restaurant.May mahinang soft mellow music na madidinig.
Habang naghihintay sa aming order ay nakwento ni Earl na tumawag sa kanya yung guest sa room 2001 at sinabi na gusto lang daw na yung housekeeper lang na si Leny ang laging maglilinis sa room nya.
At pumayag ka naman?Alam mo yung guest natin na yon kung sa babae sobrang arte nya ha.Protesta ko kay Earl.Yaan mo na guest natin sya and we should give them the best service that we can offer. Lagi naman maganda at maayos ang service natin ah.Ang sabihin mo maarte lang talaga sya.Bakla yata yun e.Anyway, wag na lang natin sya pag usapan. Nakakasira ng mood.Andami daming pwedeng pag usapan sya pa.Reklamo ko pa kay Earl.
Nang dumating na yung order namin ay nagsimula na kaming kumain at masarap ang mga inorder ni Earl kaya naman naenjoy ko ang pagkain.Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami. Kung saan saan at kani kanino napunta ang topic.Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam akong pupunta muna ng rest room.
O Mr Destajo,What are you doing here?
O hi Mr.Luciano.I'm on a date.
Ow okay.And who is this lucky girl? Is she already your girlfriend?
Any way,Goodluck.
How about you? What are you doing here?
Dinner.I want to try something new. No, actually,may pinuntahan lang ako malapit dito and I'm kinda starving so i drop here to have my dinner na. Actually tapos na ko and I'm about to leave,nakita lang kita.So,I'll go ahead Mr.Destajo.
Sorry medyo natagalan ako.Hingi ko ng paumanhin kay Earl ng makabalik na ako.
Nagkita kami ni Mr. Luciano dito.Kani kanina lang. Napakunot noo ako. Well,.Everyone is welcome here. So it's not a big deal kung makita natin sya dito. O,relax nagtataray ka na naman. Sinalinan ni Earl ng wine ang baso ko.How's Emery? Bakit hindi mo sya sabihan na pumunta sa office minsan para makakwentuhan ko naman.
Bakit kasi ang kulit mo.Andito naman ako tapos si Emery yung hinahanap mo?Nakakatampo ka na .
Because I'm excited to meet her.Okay.okay sasabihin ko na gusto mo syang makita at makilala.Ngumiti na lang ako.
Maya maya ay biglang naging seryoso si Earl. Ahh, Alie matagal tagal na din ako nanliligaw sa yo.Kung tatanungin ba kita ngayon may sagot na ba akong makukuha?Hindi ako kumikibo. Nakatingin lang ako sa kanya.
Alie pwede na ba kitang maging girlfriend?Nabigla ako sa narinig ko dahilan para maestatwa at hindi agad lalo makasagot. Hindi ko to napaghandaan kaya hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Earl.No,hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung isasagot ko. Nanatili akong walang imik.Pero naisip ko na baka ito na din yung tamang panahon para sabihin ang totoong feelings ko.Huminga muna ako ng malalim.Nagpunas ng tissue sa bibig.Pinalakas ang sarili.
Ahm.Earl,yung totoo okay ka naman. Boyfriend material ka.I really like you. Hindi ko agad dinugtungan ang sinasabi ko. Huminga ulit ako ng malalim bago nagpatuloy.Pero hindi bilang boyfriend ko kundi bilang isang kaibigan.Best friend.Mas comfortable ako sa yo sa ganon.I don't want to hurt your feelings kaya nga hindi ko masabi sabi yo yung totoo.Pero ayoko naman maging unfair sa yo.Earl sana maintindihan mo.Mas itetreasure kita bilang kaybigan ko. Kasi kung magiging tayo may possibilities na maghiwalay pa tayo.Mawalan ng connection sa isa't isa.Ayokong mangyari yun.Earl I don't want to lose you.Kaya sana maintindihan mo ako. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mukha.Sino ba naman ang hindi malulungkot. Wala ba talagang pag asa.Ako din naman ayokong mawala ka sa akin.Hindi ako mawawalan ng pag asa Alie.
Earl,hindi na magbabago yun.Baka hindi talaga tayo destined bilang couple.Please understand me Earl.Baka meron talagang babaeng para sa yo pero hindi ako yon.Mahal naman kita bilang kaybigan nga lang.
Hindi na nagsalita ulit si Earl. Napabuntong hininga na lang ito at inubos ang wine na nasa kanyang baso bago sinalinan ulit.
Sa duration ng aming byahe pauwi ay ramdam ko ang lungkot sa aura ni Earl.Hindi sya nagsasalita. Naguilty tuloy ako pero mabuti na din siguro yon atleast ngayon alam na nya para hindi na sya aasa ng aasa.
Sorry ulit Earl.Wika ko bago ako bumaba ng kotse nya ng makarating na kami sa bahay.
Sana maintindihan mo ko.Pinisil ni Earl ang ilong ko.Oo na.Wag ka ng makulit.Tama na ang kakahingi ng sorry kasi pumapangit ka e.
Napanguso na lang ako sa ginawa nya.Sige na baba na ako.Niyakap nya muna ako pagkatapos ay humalik sa pisngi ko. Pagkababa ko ay nag wave pa ako bago sya tuluyang umalis.
Manang andito na po ako.Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom.
Si Mama po?
Nasa kwarto na.Kumusta ang date?
Okay lang po Manang.Sige po akyat na po ako.
Sa kwarto ni Mama ako dumiretso. Humalik ako sa pisngi niya pero hindi ko muna sya kinausap dahil may kausap pa sya sa cellphone.Nahiga muna ako habang hinihintay matapos makipag usap si Mama. Hindi rin naman nagtagal at natapos na din ang tawag.
Sino po yung kausap mo?
Si Tito Dan mo.Nangungumusta lang naman saka may sinabi lang about don sa location ng pagtatayuan ng branch ng resto.Kumusta naman ang date?
Okay lang naman po.Sinabi ko na kay Earl na hanggang kaibigan lang yung maiibigay ko sa kanya. Hindi na lalampas doon.
O,so anong reaction nya?
Mabuti naman po at pumayag.Naexplain ko naman din siguro ng tama sa kanya kaya naintindihan nya ako agad.
At least ngayon di ka na mamomoroblema.So magkaibigan na lang talaga kayo.
Yes Ma.Bestfriend po.
After namin mag usap ay itinaboy na din ako ni Mama sa kwarto ko para makapahinga na rin daw ako dahil may pasok pa bukas.
Nakapaglinis at nakahiga na ako at ramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko dahil sa wakas ay natapos na yung problema ko kay Earl.Nasabi ko na din sa kanya yung totoo. Thank you Earl. Forever kitang itetreasure. Mabuti na lang at naintindihan nya ako. Makakatulog ako ng mahimbing.