Back to work na ako ngayon.Matagal tagal din ako nakaleave.Maaga pa din ako gumising kahit na andami kong pagod nung nagdaang araw.Okay lang naman kasi sulit naman yung pagod ko kasi nag enjoy naman sina Manang. Maaga ako papasok para hindi ako masyado maipit sa traffic.And I'm sure madami akong trabaho pagdating sa hotel. Bukod pa sa chichikahin ako ng mga marites kong kasamahan/kaybigan.
Pagkaligo ay nagbihis na ako.Nagblower ng buhok.Nang matuyo ay saka ako naglagay ng light make up.Kung pwede nga lang na hindi na ako maglagay ay ginawa ko na. Kaya lang ay hindi pwede dahil bilang HR manager ay kung sino sino ang mga nakakausap ko na mga tao.Kaylangan naman na presentable ang hitsura ko.Simpleng babae lang naman ako pero kontento naman na ako sa kung anong meron ako.Black fitted dress na above the knee na hanggang siko ang manggas ang napili kong isuot.Pinartneran ko ng red high heels na mga three inches siguro ang taas. Nag spray ng konting pabango sa may punong tenga.Tumingin sa salamin at ng makontento ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.Dumiretso muna ako sa family portrait namin.
Hi Papa.Good morning. Papasok na ulit ako sa trabaho.Hinaplos ko ang larawan niya at Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko bago ako nagpasyang bumaba.
Good morning Manang ,Ate Isay. Masiglang bati ko sabay upo sa harap ng dining .
Good morning Maam Yumi?Bakit ang aga mo.Papasok ka na ulit?Tumango ako bilang sagot.Ang aga mo naman yata pumasok Maam?
Monday kasi Ate Isay matraffic.Isa pa aalis talaga ako ng maaga para bago dumating yung mga kaybigan ko ,may nagawa na ako kahit papaano.Siguradong magugulo ang oras ko sa kanila.
Ay s'yanga pala Maam,Thank you sa kahapon.Ansarap ng tulog ko dahil don sa body massage.Sobrang naenjoy ko.Nawala yung sakit ng braso ko kakahataw ni Manang sa sinehan.Saka akala ko talaga aalisin nyo na ako pagkatapos ng sarap buhay na experience na yun.Kinabahan talaga ako don Maam.It's a prank lang pala.Napaniwala nyo ako masyado don.Ikinuwento ko na nga po sa pamilya ko at tuwang tuwa po sila kasi napakabait nyo daw po talaga.
Ikaw talaga Isay napakamapaniwalain mo. O anak heto ang kape mo.Sabay lapag ni Manang ng kape sa harap ko.Binigyan na din nya ako ng plato at kutsara .
Manang hindi na po ako kakain.Sa hotel na lang po.
Don't worry Ate Isay sa susunod ulit.kapag may freetime kami ni Mama.Pero matatagalan pa yun kasi kaylangan ko munang ayusin yung mga naiwan kong trabaho.
Walang problema Maam Yums.Basta Salamat po ulit.Dahil kahit kasambahay lang po kami
e nakaexperience kami ng ganon. Because you and Maam Cecille and Sir Julio did not ahhh, treat us just a housemaids, hmmm but a family instead.
Naks,ate Isaayy English yun ah.Natuwa ako kay ate Isay dahil nag eefort talaga sya matuto.Paputol putol man ang pagsasalita nya dahil iniisip nya pa siguro.Pero natuwa ako.Ginoggle ko lang yun Ma'am.Bago kasi ako matulog nagtatry ako ng mga English na salita.
Ganyan nga ate.There's nothing wrong with that.If you really want to learn you'll find a way. Two thumbs up ka sa akin dyan Ate. Pagbutihin mo pa.
Thank you Ma'am Yums.
Sigurado ka ba na sa hotel ka na lang kakain?Paniniguradong tanong ni Manang.
Yes Manang doon na lang kasi alam kong aayain ako nina Tonie.Inubos ko ang kape. Aalis na po ako.Pakisabi na din po kay Mama. Hindi ko na po kasi sya ginising .
O sya sige ingat ka sa byahe.Ingat po Maam Yumi.Bilin ni Manang at Ate Isay.
Salamat po.By the way Manang ansarap talaga ng timpla mo sa kape.
Hindi ko na inintay sumagot si Manang dahil naglakad na ako palabas. Iisipin na naman ni Manang na binobola ko sya.
Sakay ng kotse na bigay ni Papa,I'm on my way papunta sa Hotel na pinagtatrabahuhan ko.Buti at hindi pa ganon katraffic kaya 7am pa lang ay nakarating na ko .Sobrang aga pa dahil 8am naman ang pasok ng mga empleyado.Ako lang talaga yung nagmaaga. Hindi sa excited ako pumasok.Ayoko pa nga kasi inaalala ko si Mama.Kaya lang andami kong gagawin sigurado kaya mag uumpisa na ko ng maaga aga.
Pagdating sa entrance ay binati na agad ako ng Guard on duty.
Good morning Ma'am Alie.Welcome back po at Condolence na din.Sabay yukod ni kuyang guard.
Good morning din po.Dumiretso na ko papasok.Pagdating sa reception ay binati din ako ng naka duty doon na si Jessica.
Good morning Ma'am Yumi.Condolence po. Ang aga nyo naman po pumasok?Alam mo na matagal akong di pumasok kaya siguradong loaded ako.Baka kahit huminga at kumain ay hindi ko na magawa mamaya.
Ay hala Maa'm sige ka wag kang huminga at ng ikaw naman sumunod sa Papa mo. Pagbibiro nya sa akin.Loka.aga aga baliw ka na agad.Sige na akyat na ko.Naglakad na ko papunta sa elevator. Nasa 7th floor ang HR office.Nang magbukas ang elevator ay agad akong pumasok.Maaga pa kaya wala akong kasabay.Nang tumunog ay hudyat na nasa 7th floor na ako.Agad din akong lumabas ng bumukas ang pinto.Pagpasok ko sa office ay inilapag ko ang bag sa table at umupo agad ako sa swivel chair.Namiss ko din naman itong loob ng office.May mga cubicle na madadaanan bago pumasok sa pinaka office ko.Doon nakapwesto sina Tonie,Andhie at Maxeenne at iba pang empleyado.May isang upuan sa harap ng table ko.Sa gilid ay may recieving area.Typical na ayos ng isang office. May mga papel,folder na nasa ibabaw ng table.Nagbukas muna ako ng computer, bago ko tiningnan ang mga papel na nasa harap ko.At the age of 25 ay HR manager ako sa isang sikat na Hotel dito sa Makati ang SH Hotel.Maybe I'm too young for the position but I believe that it's really for me and I can handle everything pa naman.Wala pa naman nagiging problema sa mga hinihire namin na tao.So far wala pa naman mga guest ng hotel ang nagrereklamo.
Busy ako sa pag chicheck ng mga papel. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Nawala lang ako sa concentration ng maramdaman kong bumukas ang pinto at patili na may tumawag sa pangalan ko.