Mabilis na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na agad simula ng mailibing si Papa at sa mga araw na lumipas,gaya ng napagkasunduan ay doon nga umuwi sina Tita Madel at Tita Carol sa bahay kaya sobrang natuwa ang mga pinsan ko dahil sulit na sulit ang bonding nila.Si Mama ay nakalimutan kahit panandalian ang lungkot. Hindi sya hinahayaan ng mga kapatid nya na mag isa.Maging sina Tita Karen.Minsan sila ang nagluluto, minsan nagbebake,minsan sa swimming pool sila.Pero malimit chikahan lang sila ng chikahan.Minsan,nagtataka na ako bakit hindi sila nauubusan ng mga kwento.
Ipinagpapasalamat ko naman yung mga ginagawa nila at inaalala nila si Mama. Dumadalaw din kami sa puntod ni Papa tuwing hapon.
Hindi rin matatawaran ang naging bonding naming magpipinsan.Lalo kaming naging close sa isa't isa.
At ngayon nga ay magsisiuwian na silang lahat.Araw ng Sabado ngayon.Ayoko man malungkot pero di ko maiwasan.Ayoko man sila umuwi pero hindi pwede.O,Cecille, Yumi, basta kung kaylangan nyo ng tulong o kung may problema, wag kayong mahihiyang magsabi sa amin.Palagi kayong mag iingat. Ibinilin ko na din kayo kay Manang.Paalala ni Tito Dan.
Opo Tito don't worry po. Babalitaan namin kayo lagi ni Mama.Mag ingat din po kayo sa byahe. Kayo din po Tito Anton,Tita Madel, Tita Carol.Niyakap nila kami ni Mama isa isa.Lumabas na kami at kanya kanya na silang sumakay sa mga sasakyan nila.
Mag ingat kayo dito Yums.Tatawagan kita.
Thanks kuya.Lagi naman pati tayo nag vivideo call e.Ikaw ang mag ingat sa pang chichicks mo.Baka makahanap ka ng katapat mo sige ka.Tumatanda ka na pati kaya magseryoso ka na. Biro ko kay Kuya kaya naman kinurot nya ang pisngi ko. Oo na Manang.Sige na bye na.Napanguso na lang ako sa itinawag nya sa akin.Humalik pa sya sa pisngi ko at yumakap ulit bago sumakay na sa kotse nya.
Bye,ingat kayo.Sinasabi ni Mama habang kumakaway kami sa kanila at tinatanaw habang palabas ng gate.
Nang tuluyan na silang nakalabas ng gate at hindi na namin nakikita ang mga sasakyan nila ay pumasok na kami sa loob.Sa sala kami dumiretso .
Magkatabi kaming naupo sa mahabang sofa. Nagpapakiramdaman.Tayo na lang ulit dito sa bahay.Nawika ni Mama pagkatapos ay sinundan ng isang malalim na buntong hininga.Pero hindi ko na sya sinagot dahil alam kong nalulungkot na sya kaya hindi ko na pinatulan ang sinabi nya.Sa halip ay niyaya ko na lang sya sa kusina.At least andoon sina Manang,may makakakwentuhan kami.
May kaylangan kayo Mam Yumi, Mam Cecille?Tanong agad ni Ate Isay ng makita kami.
Wala naman po Ate Isay dito na lang muna kami tatambay.Manang ano bang hinahanap mo dyan sa ref?Ano pong lulutuin nyo para sa lunch?
Nagtitingin nga ako kung anong lulutuin para sa tanghalian. May gusto ba kayong ipaluto?
Gusto ko po sana ng beef with mushroom. Okay lang po ba?
Oo naman.Sige at ilalabas ko na yung baka. Ikaw Cecille may gusto ka bang ulam sa pananghalian?
Sinigang na hipon sana Manang.Kung may hipon tayo.Gusto kong makahigop ng mainit na sabaw.
Kinuha ni Manang ang beef at hipon sa freezer at ang mga gulay na kaylangan sa lulutuing sinigang na hipon sa chiller.Buti na lang at nagawi kayo dito at nasabi ang mga gusto nyo.Hindi na ako mahihirapan mag isip kung anong lulutuin.
Nagpresinta kami ni Mama na tutulong sa paggagayat ng mga gulay para hindi kami mainip.Sigurado ba kayo?E kaya ko naman saka katulong ko naman si Isay.Pero sige. Siguradong mas masarap ang luto dahil tutulong si Cecille.
Ikaw talaga Manang binola mo na naman ako.Masarap ka din naman magluto e.Kasi kung hindi matagal ka na namin pinalitan.
Parang batang napanguso si Manang sa sinabi ni Mama.Alam naman nya na binibiro lang sya ni Mama.Kaya natawa na lang kami sa naging reaction ni Manang.Manang don't do that again hindi bagay.Nagtawanan naman kami lalo.
Nang matapos namin tulungan si Manang sa paghahanda ng lulutuin ay nagpaalam na muna kami na aakyat sa kwarto namin at bababa na lang kapag maglalunch na.Akbay akbay ko si Mama habang naglalakad. Napatigil kami pareho pagdating sa taas at lumapit kami ni Mama sa tapat ng family portrait namin.Nakatingin kami pareho doon. Hinaplos ni Mama ang image ni Papa. Hinaplos ko naman ang balikat ni Mama.
Pa don't worry kakayanin namin to ni Mama.Saka andyan sina Tito para umalalay sa amin.Kahit hindi ka namin nakikita alam namin na binabantayan mo kami.Mahal na mahal ka namin Papa.Tumingin ako kay Mama at ngumiti.Naghiwalay na kami ni Mama pagdating sa tapat ng pinto ng kwarto nila.Una kasi ang kwarto nila ni Papa.Maliligo lang ako Ma.Tapos puntahan kita dyan sa kwarto mo.
Sige anak.Siguro maliligo na din ako bago tayo bumaba para sa lunch.
Okay po.Naglakad na ako papunta sa kwarto ko.Si mama naman ay tuluyan ng pumasok sa kwarto nya.
Bago ako maligo ay naisipan kong bisitahin muna ang cellphone ko.Nawala na kasi ito sa isip ko.Kinuha ko ito sa side table.Pagbukas ko ay may mga text galing sa mga kaybigan ko, meron din galing kay Earl.Si Earl ang manliligaw ko.Kasama ko sya sa hotel na pinagtatrabahuhan ko.Magkaibigan na kami bago pa sya nanligaw.Matagal tagal na din syang nanliligaw pero hindi ko naman sya
masagot dahil ang totoo ay wala naman akong nararamdaman sa kanya.Mas gusto ko yung closeness namin ay hanggang sa pagiging magkaibigan na lang.Mabait naman si Earl.Boyfriend material kaya lang hindi ko alam.Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil walang dating si Earl sa akin. Hindi ko nakikita yung sarili ko na masaya ako dahil magiging boyfriend ko sya.Kung sa looks hindi naman sya papahuli kaya lang kapag kasama ko sya wala man lang akong unusual feelings na nararamdaman katulad sa mga nababasa kong stories na may kakaibang nararamdaman kapag magkasama kayo,kapag magkausap kayo.Wala man lang spark kahit spark na tipong mapupundi na wala man lang.Walang kilig.Pero hinahayaan ko pa din sya sa panliligaw baka sakali na magbago bigla yung nararamdaman ko at magkaroon ako bigla ng feelings sa kanya. Pero kung wala talaga,sasabihin ko na sa kanya kasi ayoko naman na tumanda na lang sya sa kakahintay na sagutin ko sya.
Nireplayan ko na lang sila isa isa at ibinalik na ulit ang cellphone sa side table.Tumungo na ako sa closet para kumuha ng damit.Short at loose tshirt ang napili ko.Komportable ako sa ganong malalaki na damit.Isa pa dito lang naman ako sa bahay.Nang makapili ay inilagay ko ito sa ibabaw ng kama at pumasok na sa banyo.
Pagkatapos maligo at makapag ayos ng sarili ay pumunta na ako sa kwarto ni Mama. Kumatok muna ako bago pumasok.Nadatnan ko si Mama na nakaharap sa vanity mirror at nagsusuklay.Ngumiti sya sa akin sa harap ng salamin.Nang makatapos ay tumayo na sya kaya lumabas na kami.
Halos patapos ng maghain si Ate Isay ng dumating kami.Naupo na kami ni Mama at ng makatapos sila maghain ay naupo na din sila. Kasabay namin kumakain sina Manang Letty at Ate Isay.Hindi kami istrikto pagdating sa kasambahay.Actually we don't treat them as housemaids,We're treating them as a family. Kaya ganon din sila kung magmalasakit sa amin.Nagsimula na kaming kumain at naging magana kami.Panay ang higop ni Mama sa sabaw ng sinigang na hipon na nirequest nya.Masarap din ang pagkakaluto ng beef with mushroom dahil malambot ang beef kaya hindi ito masasayang.
Manang dabest ka talaga.Sarap mo talaga magluto.Sabi ko kay Manang pagkatapos kong uminom ng tubig at napadighay pa sa sobrang busog.
Naku Yumi,manang mana ka talaga sa Mama mo,mambobola.Sabay tayo ni Manang dahil tapos na kami kumain at magliligpit na ng pinagkainan.
Totoo naman po yung sinasabi ko and Thank you for that Manang.And to you also Ate Isay.Thank you for always cooking us great and sumptous meal everyday.
Kow, itong batang ito talaga oo.O sya tama na at baka maiyak pa kami nitong si Isay.
Matapos ang lunch ay nagpaalam si Mama na aakyat na sa kwarto nya dahil parang inaantok daw sya.Ako naman ay pumunta sa garden.Doon na lang ako magpapalipas ng oras.Masarap kasi doon kahit tanghali dahil mahangin saka may duyan din doon na ginawa si Papa.
Humiga ako sa duyan.Ang sarap ng hangin. Napakapresko sa pakiramdam. Ugoy ugoy lang ako ng mahina.Pero habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng antok.