Sino Bang Talaga ang Boss? (Alexa's POV) “Bwisit!” Malakas kong ibinagsak ang mop sa sulok ng utility room. Mabuti na lang at wala akong kasama rito kundi ang mga lumang timba at panglinis. Kung hindi, baka napagkamalan na nila akong baliw na nag-iisa pero nagmumura. “Si Boss Oliver talaga, ano bang problema niya sa akin?” Parang sirang plaka ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang palaging target ng sungit niya. Ang dami-daming empleyado sa hotel, pero bakit ako? Anong ginawa ko para ma-bully ng ganito? Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. Wala akong choice. Kailangan kong magtrabaho at kailangan kong tiisin ang bossing iyon. Wala namang ibang kukuha sa akin kung sakaling mag-resign ako. Pero teka, bakit ba

