Chapter 2

2664 Words
Sa loob ng kanyang malawak na opisina, nakaupo si Oliver Vergara sa swivel chair, nakatitig sa salamin ng bintana na tanaw ang buong lungsod. Pero sa halip na mag-focus sa mga papeles sa harap niya, ang nasa isip niya ay isang babae na hindi niya inaasahang magpapagulo sa araw niya: Alexa Fernandez. Napabuntong-hininga siya, pinisil ang tulay ng ilong at sumandal sa upuan. “Ano bang meron sa babaeng ‘yun?” bulong niya sa sarili. Hindi ito tulad ng dati. Sanay siyang makakita ng iba’t ibang babae—magaganda, elegante, mga sosyal. Pero bakit ngayon, isang simpleng hotel cleaner ang nag-iiwan ng marka sa isip niya? Napailing siya, pilit na binabalik ang sarili sa trabaho. Pero bago pa man siya magbasa ng report, bumalik ang eksenang iyon sa kanyang kwarto—ang gulat sa mukha ni Alexa, ang pamumula ng kanyang pisngi, at... ang halatang kaba na nanginginig sa boses nito. “Pihikan ako sa babae, pero bakit siya?” Napamura siya nang mahina. Hindi niya gusto ang pakiramdam ng pagiging hindi kontrolado. Sanay siyang hawak ang lahat—ang negosyo, ang buhay niya, ang mga tao sa paligid niya. Pero ngayong si Alexa ang pumasok sa eksena, parang nagkaroon ng crack sa perpektong mundo niya. Biglang tumunog ang intercom. “Sir, nandito na po si Miss Alexa para sa follow-up meeting ninyo.” Napatingala si Oliver, saglit na natahimik. Tumingin siya sa salamin, inayos ang suot na coat at huminga nang malalim. “Papasukin mo.” Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok si Alexa, mukhang alanganin at halatang kinakabahan. Nakasimple lang siya—plain white blouse at maong pants—pero para kay Oliver, may kakaibang dating ang babae. Napansin ni Alexa ang seryosong tingin ni Oliver, kaya lalo siyang nanlamig. Pero bago pa siya makapagsalita, nauna na si Oliver. Oliver: “Alexa, umupo ka.” Napalunok si Alexa at dahan-dahang umupo sa harap ng malaking mesa. Oliver: “Alam kong napag-usapan na natin ang tungkol sa nangyari kanina.” Napalipat ang tingin niya kay Alexa. “Pero gusto ko lang linawin.” Nagkatinginan sila. Ramdam ni Alexa ang bigat ng mga mata ni Oliver, pero sa kabila ng lamig sa boses nito, may kakaibang tono—parang may sinseridad. Oliver: “Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa tao, lalo na sa mga hindi ko kilala.” Napayuko si Alexa, nag-aalangan kung anong sasabihin. Pero nagpatuloy si Oliver. Oliver: “Pero ikaw... kahit nakakainis ka, parang iba.” Alexa: “Ha? Sir?” Nanlaki ang mata ni Alexa, hindi makapaniwala sa narinig. “Iba? Ako po? Baka po nagkakamali kayo.” Oliver: “Hindi ako nagkakamali.” Umiling si Oliver. “At hindi ko rin alam kung bakit kita pinagkakatiwalaan sa bagay na ‘to. Pero gusto kong ipaalala na seryoso ako sa sinabi ko kanina. Walang ibang dapat makaalam. Hindi dahil takot ako—kundi dahil... ayokong magulo ang buhay ng ibang tao.” Nakatitig lang si Alexa, hindi makapagsalita. Pero sa loob niya, may kung anong kumurot sa puso niya. Hindi niya inaasahan na ang isang tulad ni Oliver Vergara, na tila walang pakialam, ay may ganitong panig. Alexa: “Sir, promise po... hindi ko talaga sasabihin kahit kanino. Ayoko pong mawala sa trabaho, at saka... ayoko ring sirain ang tiwala niyo.” Napangiti nang bahagya si Oliver, pero agad din itong nawala. Tumango siya, saka tumayo mula sa upuan. Oliver: “Good. Kasi kung mangyayari yun... ikaw mismo ang hahanap ng anaconda ko.” Alexa: Napatigil siya. “Ano po?” Natawa si Oliver, pero may halong seryoso. “Wala. Umalis ka na bago pa kita pag-isipan ng iba.” Nagmamadaling tumayo si Alexa, pero dahil sa kaba, muntik nang madulas. “Salamat po, Sir!” Napayuko siya at mabilis na lumabas ng opisina, pero habang naglalakad, hindi niya mapigilang hawakan ang dibdib. “Heart attack na ba ito? Ang weird ni Sir!” Paglabas ni Alexa sa opisina ni Oliver, ramdam niyang parang lumulutang siya sa hangin—hindi dahil sa saya, kundi dahil sa kaba. “Anaconda... anaconda... bakit ba lagi kang bumabalik sa utak ko?” bulong niya habang naglalakad sa maluwag na hallway ng opisina. Nagulat siya nang mapansin ang isang babae na nakasandal sa pader, nakataas ang kilay at nakangisi na parang may alam na hindi niya gusto. Si Vanessa, isa sa mga executive assistants ng kumpanya—kilala sa pagiging sosyal, magara ang damit, at palaging nasa paligid ni Oliver. “Oh, ikaw pala.” Napayakap si Vanessa sa sarili, hinagod ang tingin kay Alexa mula ulo hanggang paa. “Anong ginagawa mo sa opisina ni Sir Oliver? Hindi ka naman yata bagay doon.” Napakurap si Alexa pero hindi natinag. “Naglinis lang.” Maiksing sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Naglinis? Sa loob ng opisina ni Sir Oliver?” Napahalakhak si Vanessa, halatang nanunukso. “Interesting. Ikaw lang yata ang cleaner na personal na pinapatawag ng CEO. Special ka pala.” Napataas ang kilay ni Alexa, pero pinigilan ang sarili. “Hindi ko na kasalanan kung gusto niyang malinis yung opisina niya, di ba? Trabaho ko yun.” Humakbang si Vanessa palapit, nakapamewang. “Trabaho? O baka naman may ibang ‘trabaho’ kang ginagawa?” Malisyosong tanong nito, sabay taas ng isang kilay. Huminga nang malalim si Alexa. “Tingnan mo, Vanessa,” sabi niya nang matatag. “Kung may issue ka, pwede kang dumiretso kay Sir Oliver. Pero wag mong gamitin ang bibig mo para magkalat ng kwento na wala kang alam.” Nanlaki ang mata ni Vanessa, hindi inasahan ang tapang ni Alexa. “Excuse me?” Pero bago pa siya makasagot, ngumiti si Alexa—isang ngiti na may halong hamon. “Pasensya ka na, pero kailangan ko pang maglinis ng iba pang kwarto. Sayang naman kung mag-aaksaya ako ng oras dito sa walang kwentang usapan.” Mabilis na tumalikod si Alexa, iniwan si Vanessa na nagngingitngit sa hallway. Habang naglalakad palayo, hindi maiwasang ngumiti si Alexa. “Tsk, anaconda nga lang ang nakita ko, pero parang dragon yung iniwan ko doon.” Pagdating ni Alexa sa utility room, hindi pa rin siya matahimik. Sa kabila ng lahat ng nangyari kanina, ang ingay ni Vanessa sa hallway ay parang isang tunog na hindi kayang kalimutan. Pero sa kabila ng kanyang mga iniisip, nang makita si Ate Letty, ang senior cleaner ng hotel, naramdaman niyang may kakaibang kalmado. Si Ate Letty ay isang matagal nang nagtatrabaho sa hotel, at lagi siyang may mga tips para sa mga bagong salta. Mabilis siyang magbigay ng payo, at laging nagpapatawa. At ngayon, nakatambay si Ate Letty sa isang sulok ng utility room, habang nagsasaayos ng mga gamit. “Alexa, halika muna dito,” tawag ni Ate Letty, may maligaya at malumanay na tinig. Dahil wala nang ibang makakausap, lumapit si Alexa. “Opo, Ate Letty?” Tumingin si Ate Letty sa kanya, may ngiti sa labi. “Alam mo ba, gabing-gabi na at wala nang masyadong trabaho. Tinutukso na nga ako ng mga kasama natin, eh. Bakit hindi muna tayo magpahinga at magtampisaw sa labas? May plano kami mamaya, sa park tayo pupunta.” Nagulat si Alexa. “Pupunta po kayo sa park? Naku, hindi ko po yata kayang sumama... marami pa po akong iniisip,” sagot niya, hindi pa rin maalis ang takot at kaba mula sa nangyaring pag-uusap nila ni Oliver at ang eksenang nakikita sa isip niya. “Alexa, hindi kita tinatanong kung kaya mo o hindi,” sabi ni Ate Letty na may halong biro, “Tinutukso ko lang. Pero kung ayaw mo, sige lang. Wala naman pilitan, ha? Pero mamaya, baka magtampo ang mga kasama ko kung hindi ka sasama.” Napaisip si Alexa. Tila ba may hinahanap siya—isang pagkakataon para makalimot, kahit saglit, mula sa mga komplikadong nangyari. Gusto niyang huminga ng malalim at magsaya, kahit na panandalian lang. “Siguro po, Ate Letty, baka pwede na rin...” medyo nag-aalangan, pero napansin ni Alexa ang mga mata ni Ate Letty—mga mata na puno ng malasakit, at hindi siya mapipilitang magtakip ng anuman. “Ayos lang yan, Alexa. Huwag mong gawing komplikado ang buhay. Mamaya, wala na ang mga problema. Basta magkakasama tayo, magpapahinga.” Sumang-ayon na si Alexa, at nakangiti si Ate Letty nang makita niyang tumango siya. “Ay, salamat naman. Magpapakasaya tayo, ha? After ng trabaho, park tayo, may masarap na balot pa.” Nang lumabas sila mula sa utility room, naglakad si Alexa na may mas magaan na pakiramdam. “Wala nang masama sa magpahinga, ‘di ba?” nasabi na lang niya sa sarili, kahit papaano, natututo na rin siyang magbigay ng pansin sa sarili niya—kahit na saglit lang. Matapos ang mahaba at pagod na araw ng trabaho, nagtipon ang mga kasamahan ni Alexa at Ate Letty sa harap ng hotel. Wala nang masyadong ginagawa, at parang magaan ang pakiramdam ng lahat nang maisip nila ang plano—magtampisaw muna sa labas at magpahinga. Sa kabila ng inaalala ni Alexa tungkol sa mga nangyari sa opisina ni Oliver, napagpasyahan niyang sumama na lang sa mga kasama. Habang naglalakad sila patungo sa isang park, dumaan sila sa isang bar na matatagpuan sa kanto ng kalsada. Ang neon lights ng bar ay kumikinang sa dilim ng gabi, at ang ingay ng tawanan at musika ay bumangon mula sa loob. “Ay, nako, bar na! Halika na, Alexa! Magpaka-masaya na tayo!” tawag ni Ate Letty, sabay tawa ng malakas. Tumigil siya saglit at ngumiti kay Alexa. “Ate Letty, hindi po yata ako pwedeng pumasok d'yan... Baka magmukha akong walang kwenta,” sabi ni Alexa, sabay bitin na ngiti. “Alexa, wag kang mag-alala. Lahat tayo pare-pareho lang dito. Mag-enjoy tayo.” Hindi na nakatanggi si Alexa. Habang patuloy na tinutukso siya ng mga kasama, naisip niya na baka pagkakataon na ito para makalimot, kahit saglit lang. Hindi pa siya nakakapag-enjoy sa ganoong klase ng buhay, at baka nga mas okay kung sumama na lang siya—baka magaan ang loob niya pagkatapos. “Sige na nga, pero mabilis lang po,” sagot ni Alexa, hindi na kayang tanggihan ang mga kasamahan na nag-aalok ng pagkakataon na magpahinga. Pumasok sila sa bar, at agad na sinalubong ng mainit na hangin at malalakas na tawanan ng mga tao. Ang ilaw ay malambot, ang musika ay malakas, at ang atmospera ay puno ng buhay. Para siyang pumasok sa ibang mundo. “Tara, Alexa! Upo na tayo dito,” sabi ni Ate Letty, habang tinuturo ang isang mesa sa tabi ng bar. Naghanap ng upuan si Alexa, at pagkatapos ng ilang sandali, umupo rin siya sa tabi nila. Habang ang iba ay nagsimulang mag-order ng inumin, si Alexa ay nanatiling tahimik at nagmamasid. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar—kaya't may kaba pa rin siyang nararamdaman. “Huwag kang mag-alala, Alexa! Isang inumin lang, tapos uwi na tayo!” sigaw ni Ate Letty mula sa ibang dako ng mesa. Tumango si Alexa, ngunit ang kanyang mata ay patuloy na nakatitig sa paligid. Biglang may narinig siyang tawanan at ang tunog ng mga baso na nagkakabanggaan. Pagkatapos ng ilang minuto, lumapit sa kanya ang bartender at nagtanong. “Ano po ang gusto niyo, miss?” Habang nag-iisip, may isang parte ng utak ni Alexa na nagsasabi, “Baka hindi ko kaya...” pero sumagi rin sa isip niya na hindi naman masama mag-relax at magsaya. Hindi naman kailangan maging seryoso sa lahat ng oras, di ba? “Sige po, isang lemonade na lang po.” Mahinang sagot ni Alexa. Bago pa man maghintay ng ilang minuto, napansin niya na masaya ang mga kasama niya—nag-uusap, nagbibiruan, at tila naaalis ang pagod mula sa mga katawan nila. Sa isang sulyap, napansin ni Alexa ang sarili niyang muling paghinga ng malalim. “Walang masama kung minsan lang. Saglit lang ito.” At sa isang sulyap, ang gabing iyon ay naging isang hindi inaasahang karanasan. Habang nagsisimula nang mag-enjoy si Alexa at ang kanyang mga kasama sa bar, ang kanyang kaba at alalahanin ay unti-unting nawawala. Nakalimutan niya muna ang mga bagay na nagugulo sa kanyang isipan—si Oliver, ang nangyaring insidente, at ang mga tanong na hindi niya kayang sagutin. Ang inumin niyang lemonade ay tumulong sa pagpapakalma ng kanyang katawan, at ang tawanan ng mga kasamahan ay unti-unting nagpasaya sa kanya. Ngunit bigla, parang tumigil ang oras nang makita niyang pumasok si Oliver Vergara sa bar, nakasuot ng pormal na jacket at slacks, ang kilalang disente at seryosong itsura nito. Nang makita siya ni Alexa, tila nag-freeze ang kanyang katawan. Hindi siya makapaniwala sa eksena. “Bakit nandito siya?” Habang naglalakad si Oliver patungo sa bar, hindi maiwasang magtama ang kanilang mga mata. Mabilis na bumalik ang lahat ng alalahanin ni Alexa. Gulat, pagkabigla, at isang kakaibang pakiramdam na hindi niya kayang ipaliwanag ang pumasok sa kanyang isipan. “Alexa.” Ang malamig na boses ni Oliver ay umabot sa kanya mula sa dulo ng bar, kaya't lahat ng kasamahan ni Alexa ay napalingon. “Sir?” Hindi makapaniwala si Alexa na siya ang tinatawag. Kumbaga, ang lahat ng tao sa paligid ay parang nawawala, tanging si Oliver na lang ang naririnig niya. Lumingon si Oliver sa paligid ng bar, kita ang pagkabigla sa mga mata nito. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Oliver na may galit at hindi maipaliwanag na inis. Hindi siya makapaniwala na makita si Alexa sa isang ganitong lugar—at lalo na, kasama pa ang ibang mga trabahador. Si Alexa naman, hindi makapagsalita. Ang mga kasamahan niyang nag-uusap kanina ay parang natigilan na rin, naghihintay ng reaksyon mula sa kanya. “Eh... Sir, eh... nagpa-pahinga lang po kami... nag-kumustahan po...” Nagdadalawang-isip si Alexa kung ano ang sasabihin. Hindi naman siya pwedeng magtago, at hindi rin siya pwedeng magpaliwanag ng sobra. Oliver: “Puwede ba... Hindi mo ba alam na hindi dapat ka nandito?” Parang may isang pwersang tumulak kay Oliver para magsalita ng ganito. Ang hindi niya maipaliwanag ay ang kanyang galit, ang hindi pagkakasundo. Hindi siya sanay makita si Alexa sa ganitong estado—tila ba hindi ito ang tamang lugar para sa kanya. Mabilis na tumayo si Alexa mula sa pagkakaupo, ang mga kamay niya ay nanginginig. “Sorry po, Sir! Hindi ko po talaga sinasadya,” sagot niya, hindi kayang pigilin ang kaba na umabot sa kanyang mga mata. Si Ate Letty, na nagmamasid sa buong eksena, ay mabilis na sumabat. “Hala, Sir! Relax lang po. Nagpapahinga lang kami, ok lang po ‘yan.” Pero si Oliver ay hindi na nakinig at lumapit kay Alexa. Oliver: “Hindi ko akalain na makikita kita dito. Hindi ito ang lugar para sa mga katulad mo!” Sinadyang malakas ang boses ni Oliver, at ang iba pang tao sa bar ay nagsimulang magmurmur. Naramdaman ni Alexa na ang mga salitang iyon ay parang tinik sa kanyang dibdib. “Sir, hindi po ako... hindi ko po sinadyang magka-ganito.” Wala siyang magawa kundi tumayo at maghintay na matapos ang galit ni Oliver. Nagpatuloy si Oliver sa pagsasalita, ang tinig niya ay puno ng hindi maipaliwanag na inis. “Huwag mong gawing biro ang mga ganitong bagay, Alexa. Marami kang hindi alam, at hindi ko gusto na makita kita sa ganitong klaseng lugar.” Si Alexa, bagamat nakaramdam ng sakit sa mga salita ni Oliver, ay pinilit na pigilin ang mga luha. Nasa harap siya ng isang lalaki na dati ay wala siyang pakialam, pero ngayon ay tila may kung anong kagalitan at pagka-inis na nagbabalik sa kanya ng mga alalahanin. “Sorry po, Sir,” sagot na lang ni Alexa, nanginginig pa rin ang boses. Ngunit bago pa man lumayo si Oliver, napansin niyang may malalaking mata ang mga tao sa paligid, na tila inaabangan kung paano sila magtatapos sa ganitong gulo. At habang si Oliver ay lumalabas na, si Alexa ay nanatiling nakatayo, tanging ang mga huling salitang iyon ni Oliver ang umuukit sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD