OLIVER'S POV Nang maramdaman kong tumigil sa pagtulak si Alexa, ngumiti ako nang bahagya. Iba talaga ang babaeng ito. Palaban pero halatang may bahaging nalilito. "Bakit hindi mo ako tinutulak ngayon, Alexa?" tanong ko, mababa ang boses, habang nakatitig sa kanya. Napayuko siya, hindi makatingin nang diretso. Ang pula ng mukha niya, parang gusto kong pagtawanan, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras para maging gago. "Sir, baka po kasi..." "Baka ano?" tanong ko, bahagyang iniangat ang baba niya para magtama ang mga mata namin. "Baka po kasi... magalit kayo kung gagawin ko." Natigilan ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa kanya. "Alexa, kailan ba kita pinagbawalang tumanggi?" Tahimik siya. Ang mga mata niya ay parang gulong-gulo, pero ma

