CHAPTER 3

1047 Words
SELENA REYES Inilibot ko ang paningin ko sa paligid habang nakasunod pa rin kay butler Red na nagpakilala sa akin pagkapasok ko sa mansion ng mga Delliego. Hindi pala. Ang nakatira lang pala sa mansion na 'to ay ang anak nila na si Sennoh, pero ang laki ng mansion ay kasing laki ng mansion nina Klein. Ngayon ko lang napatunayan na sobra pala talagang mayaman ang dalawang pamilya na 'yon. Ewan ko ba kung bakit sila pa ang biniyayaan kumpara sa totoong ugali na mayroon sila. Tss. "Selena, dito ang magiging kuwarto mo. Katulad ng napag-usapan ay kailangan mo laging alerto lalo na at bigla-bigla na lang nag-uutos si Sir Sennoh minsan. Ikaw ang pupunta sa kanya at susundin kung ano man ang kanyang ipag-uutos." Tumango na lang ako bilang tugon sa butler dahil bigla kong naramdaman ang pagod ko nang makakita ako ng higaan. Kahit ang kuwarto ng mga katulong na katulad ko ay mas malaki pa kaysa sa bahay na mayroon kami nina Inang at Cris. Naupo ako sa kama habang nakatingin sa tinuturo ni Red na tila isang tablet na naman na nakadikit sa gilid ng pintuan sa loob. "Dito tatawag at mag-uutos si Sir Sennoh. Kapag tumunog ito ay pindutin mo lang ang gitna at magtungo ka na agad sa lokasyon na nakalagay rito dahil nandoon si Sir Sennoh. Huwag mo nang hintayin na magsalita pa siya dahil 'yon ang kinaiinisan ni Sir Sennoh." Tumango na lang ulit ako sa sinabi ni Red habang pinagmamasdan ko naman siya. Magkano kaya ang kinikita ng isang 'to bilang butler ng mansion na 'to? Parang kasing edad ko lang kasi siya, pero butler na siya ng bahay na 'to. "Red, ilang taon ka na nga ulit?" Natigilan si Red sa pagsasalita nang marinig niya ang sinabi ko habang ako naman ay napatakip sa aking bibig at nanlaki ang mata dahil nasabi ko pala ng hindi sinasadya kung ano ang laman ng isipan ko. Napabuntong hininga tuloy ako ng malalim. Nakakahiya! "Hindi naman pribado ang tungkol sa impormasyon ko subalit huwag ka sanang magtatanong ng ganito kay Sir Sennoh dahil baka mapalitan ka kaagad sa mansion na 'to. Twenty six pa lang naman ako." Umiwas ng tingin sa akin si Red pagkatapos niyang magsalita at binuksan niya na ulit ang pinto ng kuwarto. Napakamot na lang ako ng aking ulo. "Oo, pasensiya ka na. Susundin ko ang sinasabi mo. Kung gano'n ay magkasing-edad lang pala tayo. Hahaha." Napatingin ulit sa direksiyon ko si Red nang marinig niya ang tawa ko kaya napaupo tuloy ako ng diretso. "Tama ka, Selena subalit hindi 'yon rason para hindi mo na ko galangin dahil mas mataas pa rin ang katungkulan ko sa 'yo. Maliwanag ba?" "O-Oo naman. Hehe." Tumalikod na sa akin si Red at tuluyan na kong iniwan sa loob ng kuwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Ang sungit naman ng isang 'yon. Tss. Ngayon na mag-isa na lang ulit ako. Naalala ko na naman ang tungkol sa kalagayan ni Inang at Cris. Kumusta na kaya sila? Nagkita na kaya sila? Tatapusin ko ng maaga ang misyon kong ito para makabalik ako agad sa kanila. Pinunasan ko agad ang luha na bigla na lamang tumulo sa aking pisngi. Hindi ko pala alam kung makakabalik ako sa kanila pagkatapos ng misyon kong ito. Baka sa kulungan na ang diretso ko. Ayos lang dahil nakatulong pa rin naman ako kay Inang. Sigurado ko naman na maganda na ang pamumuhay nila ngayon. Patuloy ko pa ring pinupunasan ang mga luha na lumalabas pa rin sa mata ko kahit ilang beses na kong huminga ng malalim. Hindi ako malungkot, namimiss ko lang siguro sina Inang. Tama. Gano'n nga siguro. Samantala, natigilan ako nang bigla na lang tumunog 'yong tablet na tinuro ni Red kanina. Nagulat ako at agad na tumayo papunta sa pintuan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya pinagmasdan ko na lang muna ang tablet at ang kulay pula na dots na nakatutok sa isang direksiyon sa map na nagpakita bigla sa tablet. May pangalan din ang mapa na 'yon at nanlaki ang mata ko nang makita na kuwarto 'yon ni Sennoh. Hala! Sabi pa naman ni Red ay huwag ko ng hintayin na magsalita pa si Sennoh. Sinunod ko na lang ang sinabi ni Red at pinindot ko 'yong middle button sa tablet. Pagkatapos ay nagmamadali na kong lumabas ng kuwarto upang magpunta sa kuwarto na nakalagay sa mapa. Akala ko kanina ay magkaka-problema pa ko sa paghahanap dahil malaki ang mansion na 'to. Mabuti na lang at may mapa pala sa tablet na 'yon. Madali ko lang naman 'yong nakabisado dahil malakas naman ang sense of direction ko. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay nakarating na ko agad sa lugar na sinabi sa tablet. Nag-alangan pa kong kumatok dahil pinagpapawisan ako sa kakatakbo kanina. Med'yo malayo pala kasi ang kuwarto na sinabi sa mapa at baka kung anong oras pa kong makapunta rito. Tss. Huminga na ko ng malalim at kakatok na ko sa pinto nang bigla na lang itong bumukas. Nanlaki ang mata ko sa gulat at naiwan sa ere ang kamay ko na kakatok na sana. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang isang lalake na topless at tanging tuwalya lang ang suot na kanyang pang-ibaba. Nakakunot ang dalawang noo niya subalit nang makita niya ko ay tila natigilan din siya at walang expression na tumitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may nagtulak sa akin na titigan din siya pabalik. Maamo ang kanyang mukha, matangos ang kanyang maliit na ilong at may makapal siyang kilay. May maliit siyang labi na kasing pula ng mansanas. May kulay green siyang mga mata na kasing kulay ng halaman at kulay itim ang kanyang buhok na basa pa at mukhang galing pa siya sa ligo. Sakto lang ang puti ng kanyang balat. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil may kung anong damdamin na bigla na lang sumibol sa aking sistema. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng aking puso. Pagkatapos ay bigla ko na lang naalala ang tungkol sa aking misyon kaya napapikit ako ng aking mata. Okay, Selena. Kaya mo 'to. Operation: akitin mo siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD