Chapter 3 Notice Strange

1209 Words
Cassandra Pov} Alas singko palang ng umaga ay nagising na ako dahil dumating na ang Personal Assistant ko na si Cherry. Maganda rin ito at napaka sipag naghanda agad ng pagkain at nag handa sa mga gamit na gagamitin namin sa trabaho naligo nalang ako kaagad dahil kailangan ko pang basahin ang akin schedule ngayong araw . "Miss Cassandra tapos napo akong maghanda ng pagkain" "Ganoon ba sige hale kanat sabayan mona ako" Hindi ito kumibo at tumitig sa akin kaya nag tanong ako "Bakit ayaw mo bang mag almusal "Hindi naman po sa ganoon miss Cassandra parang sa apat na taon ko po kayong kasama, ngayon niyo lang ako inimbitang sumabay kumain. Kahit nga si manager Roy ay ayaw mong kasabay. Mas lalo akong nagulat anong klaaeng amo ba si Cassandra bakit parang natatakot sa kanya ang lahat na nakapalibot sa kanya. Ganoon ba ..aissshh wag kanang mag isip ng ano-ano hali kana kalimutan mona yung mga nagawa ko sa inyo dati..chaka ayaw ko ring nagtatanong ka tungkol sa pagbabago ko ni sabihin sa iba ay wag morin ipag sabi. Hindi naman ito kumibo at kumain nalang maasahan naman ang muka nito ayaw ko kaseng laging masungit sa lahat ng makaka salamuha ko. Habang nasa sasakyan kami ay gusto kung kausapin sila ng driver pero wala itong mga emik at tahimik lang. Ganito seguro talaga ang takbo ng kanilang buhay araw-araw napaka lungkot naman magtrabho ng ganito. Pag labas ko palang sa kompanya nila Matthew para sa endorsement project na aming gagawin sa kanilang kompanya ay hindi ko mapaliwanag aking nararamdaman ganito pala ang maganda,sikat at mayaman. Paglabas ko ay nag sulputan ang mga tao patakbo sa akin para kumuha ng litrato agad namang hinarang ng driver at assistant ko para maka tuloy ako sa paruruonan ko. Pagdating sa luob ay naghihintay na ang manager at si Matthew roon at mukang ako nalang ang kulang. "Miss Cassandra the venue is ready to take the shots... Agad ko namang narinig ang sambit ng manager sa akin. Kaya agad akung nagbihis at lumapit kay Matthew paglapit ko palang sa kanya ay sumalubong agad sa ilong ko subrang bango at napaka gwapo ng muka naka suot siya ng Black pants at terno nito pina suot naman sa akin ang gold long dress na backless sa likod grabe ang aura na ginawa ko para lang magaya si Cassandra. At nang sumambit ang photographer na hawakan ang baywang ko ay agad akong pumiglas dahil sa gulat dahil parang kumurente ang buong katawan ko buti nalang ay nag break agad ng limang minuto for make over. Habang naka tingin ako sa salamin si Matthew ay laging naka kunot noo sa akin dahil parang naibahan ito dahil na taranta ako sa pag hawak niya sa baywang ko, ramdam kong palaging mainit ang dugo niya sa akin. Binaliwala ko nalang . Pag balik namin shooting area ay nilakasan ko talaga ang loob ko dahil grabing higpit ang hawak niya sa akin parang galit at gusto na akong sakalin kaya tiniis ko ang kiliti at kahit na itoy napaka higpit ay para akong magugunaw dahil sa muka nitong subrang maamo hindi nakakasawang tingnan kahit na kung tumingin sa akin ay para niya akong sasakalin. pagkatapos ng shooting ay humingi nang break si Matthew.. "Cassandra come here to my office i have something to tell you" Banggit nito pagkatapos niyang nilagay ang kanyang isinuot sa shoot kaya para akong nataranta sa sinabi niya kahit alam kung hindi naman ganito ang kilos ni Cassandra ay hindi ko parin ito napigilan. Huminga ako ng malamim bago pumasok sa kanyang office. Pagdating ko sa tapat ng office niya ay may naka lagay 'office of the president' ngayon ko lang naisip na siya pala ang namamahala sa kanilang kumpanya. Pagpasok ko palang ay umikot-ikot ang mata ko sa buong opisina dahil luxurious lahat ng mga gamit sa luob, naka upo ito sa kanya upoan kaharap ang magandang lamesa at computer kaya hindi ko nakita muka nito agad. " Cassandra bakit parang naninibago ka dibat halos araw-araw ka rito noon pag wala kang trabaho" Gumulo ang utak ko kung anong isasagot kaya nag iba nalang ako ng isasagot. " Ano ba ang gusto mong sabihin" Sumagot naman ito habang tumatayo sa kanyang inuupuan. "Napapansin kong parang nag iba ka ngayon lagi kanang tahimik at hindi na nag iinarte kapag kasama ang mga katrabaho mo" Na inis ako sa sinabi niya kaya sinagot ko siya na parang galit na tuno sa pagsasalita " Akala ko ba ayaw mo sa akin bat ngayon parang lahat ng kilos ko alam mo." Sumagot naman ito habang tumataas ang dalawang kilay, Grabing kaba tuloy ang aking naramdaman at parang na iinis " Kaya nga ayaw ko sayo dahil alam na alam ko ang ugali mo, kung nasa katinuan na yung utak mo, pwede mo bang sabihin sa mga magulang natin na ayaw mo nang mag pakasal sa akin." Parang sasabog utak ko pag kasalan talaga ang naririnig kaya sinagot ko siya na naiinis sabay taas ang isa kung kilay. "Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanila eh gusto mo naman pala huh.!" Pagkatapos kung sabihin ay agad itong nagkunot noo na para bang nagtataka at agad nilapit sa akin ang kanyang muka kaya kitakita ko ang muka niyang makinis pa sa pinggan namin dati. at sinambi " ngayon mo lang yata ako tinaasan ng boses sa dalawang taon mong pilit dikit ng dikt sa akin, siguro may plano ka na namang naiisip. Hindi kona kinaya kung ano pa ang pweding lumabas sa labi ko kaya uamalis na ako pagkatapos niyang magsalita na walang paalam habang naka harap ang muka niya sa akin. Kaagad naman itong sumunod para sa aming endorsement film practice at mukang na boboyshit na muka ang pinakita nito sa mga katrabaho niya. Habang nag tetake na kami ay tahimik lang ito at sumusunod lang sa sasabihing ng manager namin, na para bang walang gana sa ginawa, Nag tataka ako bakit hindi niya masabi sa kanyang mga magulang na ayaw niyang magpakasal at ako pa ang gusto niyang magsabi eh takot nga akong kaharap ang buong pamilya nila at pamilaya ko. Wala akong ginawa kundi sinunud lang ang sasabihin sa manager namin dahil naiilang ako sa kanya pagkatapos ng aming endorsement film ay bigla akong binigyan ng coffe ni cherry na parang sanay na ito sa aking mga hilig. " Miss Cassandra here is your coffee" Nagulat ako sa lasa dahil nagyon lang ako naka tikim ng kape na ganoon ang lasa..!! "pphoaw... ang tabang naman nito cherry kape bato.? Ang pangit pa nang lasa" dinuwal ko ng bigla dahil subrang tabang at ayaw ko ang lasa kaya nagulat naman ang naka rinig pati na si Matthew. Agad namang sumagot si cherry sa akin. "eh miss Cassandra diba yan yung favorite na kape mo, yan ang araw-araw kung binibigay sayo...Sorry po miss Cassandra baka nag iba lang po siguro ang lasa niyan ngayon. Pag tingin ko sa mga katrabho ko parang sanay na ang mga muka nila sa ka artihan na reaction ko. Iba naman ang dating ng muka ni Matthew nung tumingin ito sa akin ng taas pababa na parang may iniisip, natakot ako bigla baka mag hinala ito sa mga pagbabago na kanyang napapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD