CHAPTER 33 PRESENT Binyagan ni Baby Star. Kinuha kaming dalawa ni Shana ni Astrid na maging ninang. Hindi ‘yon kayang palampasin ni Shana kaya umuwi pa siya mula Australia pabalik ng Pilipinas. Suwerte naman ni Star, may ninang siya na gaya ni Shana. Hindi ko pa naiisip na pabinyagan din si Kalix. Siguro bago siya umapak ng isang taon ay mabibinyagan na siya. Naipa-buhos-tubig na rin siya ng mga magulang ko dahil nnasa tradisyon na bila ‘yon na bago ilabas ang bata sa bahay ay kailangan nagawa na ‘yon. Kalong-kalong ko si Kalix at dinala sa sofa ng bahay ni Astrid. Katatapos lang ng binyagan kaya nagdagsa na ang dalawampung ninong at ninang ng anak nila. Napansin ko ang mommy ni Astrid na kalong-kalong si Baby Star. Sobrang galak niya sa ikatlong apo niya. Madalas wala rin naman ang at

