CHAPTER 46 First time sa history ng mga magulang ko na payagan ako na sumama kay Kaleo sa bahay nila para mag-sleepover. Hindi ko rin inasahan na papayagan nila ako dahil nga sa kahigpitan. Maski si Kuya Nathan ay napilit ko rin. Ang tanging bilin nila sa’kin ay huwag akong uuwi ng buntis. At ‘di ko sila bibiguin doon. Anniversary namin ngayong Biyernes. Buong linggo naming pinlano kung saan kami puwedeng gumala o pumunta. We’re tired to expensive and tiring trips kaya ang naging first option namin ay bahay nila. Kung ‘di ako papayagan, ang second plan namin ay Mag-Luneta at mamili sa Divisoria. Kahit pala yayamanin ‘tong pamilya nina Kaleo ay batang Divisoria pa rin siya. Minsan lang kami mamili roon, sa tuwing tumatama sa jueteng si Papa. “Nazelle, ang mga damit mo ayusin mo, ha,” saa

