CHAPTER 15 PRESENT Sinubukan kong bumalik sa normal matapos ang nangyari nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maaapektuhan ng pagkawala ni Kaleo. Naiisip ko nga na malabo. Malabong mawala siya sa isip ko. Kahit papaano ay nakagagawa na ako ng ibang mga workloads ko sa opisina nang ‘di ako ginagambala ni Kaleo sa isipan ko. Pero sa tuwing nagda-drive ako pauwi ay siya ang laman ng isipan ko pati na rin ang sinabi ni Tita Isabel. Pwede pa raw akong magmahal muli. Ang tanong: kaya ko pa bang magmahal ulit? Nakahanda na ang hapunang nang makauwi ako. Binati ko sina Mama at Papa at hinalikan sila sa noo. ‘Di ko magawang ‘di maawa sa estado ni Papa. Kahit pa lasenggero siya noon ay naging mabuti pa rin siyang ama sa’ming dalawa ni Kuya Nathan. Hinugasan ko ang

