Tunog ng buga ng aircon at ang medyo may kadiliman na silid ang sumalubong sa paningin ni Patricia. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. She felt a bit sore in between her thighs. Marahan na lumingon siya sa kanyang tabi kung saan nakapwesto si Bryan kagabi. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Wala na. Wala na sa tabi niya ang asawa niya. Ano pa ba ang inaasahan niya? Asawa sa papel ang papel niya sa buhay ni Bryan, at ang nangyari sa kanila kagabi ay kagustuhan niya rin. Parte ng pinirmahan niyang kasunduan ang paligayahin ito at ibigay ang pangangailangan nito bilang lalaki. Naniwala siya na hindi siya gagalawin ni Bryan, kung hindi iyon parte ng kanilang kasunduan. Sino ba ang magbibigay ng malaking halaga ng walang malaking kapalit? Nakasangla na ang kan

