Naging masagana ang buong durasyon ng pananghalian lalo pa at nakikita ni Patricia kung gaano ka ganado si Bryan sa pagkain. Solo talaga nito ang isang mangkok na sinigang na hipon. Hindi maiwasan na lumundag sa tuwa ang puso niya dahil kahit papano ay napapasaya niya ito at nagagawa niya ang obligasyon niya. Nabalutan ng tuwa ang buong mansion. Ang limang taon na kalungkutan na bumabalot sa buong hacienda na sanhi ng pagkawala ni ate Althea ay tila bola na naglaho sa pagbabalik nitong muli. Walang duda na si ate Althea ang may hawak ng susi ng kaligayahan at liwanag ng buong Hacienda de Luna. “Patricia, iha. Ako na riyan. Asikasuhin mo na lang ang asawa mo.” Mabilis na binitawan niya ang pinggan na kanyang hawak at ang sponge sa loob ng sink at lumingon kay Manang. “Manang, baka po may

