“Patricia!” Napaawang ang labi ni Althea nang makita si Patricia. Palipat-lipat ang tingin nito kay Patricia at sa kanya. Tuwa at pagtataka ang rumihestro sa magandang mukha nang asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Nginitian lang ito ni Bryan. Ngiti na may kalakip na assurance. “Pat!” Panay ang mahinang hikbi ni Patricia habang nakatitig ito kay Althea. Nababakas sa mukha ang matinding kasiyahan. Ang mga luha ay simbolo ng matinding galak. “Ate, Ate Althea.” Walang pagdalawang isip na niyakap ni Patricia si Althea kasabay ng paghikbi nito. Maging si Althea ay ganun din. Dumaloy ang mga luha sa pisngi nito at panay ang haplos nito sa likod ni Patricia habang nakayakap ito rito. Nilapitan ni Drake si Althea at Patricia, habang si Bryan naman ay nakatayo lang di kalayuan mula sa lik

