Nakatayo si Patricia sa tapat ng kanilang bahay. Namangha at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang dating simpleng bungalow na bahay at kupasin ang kulay ngayon ay malaki na at matingkad na ang kulay. Natatanaw niya mula sa kinatatayuan ang kanyang dating silid. Ang maliit na bintana at tanging kurtina lang ang tanging tabing, ngayon ay malapad na at gawa na sa salamin at ang dating simpleng silid ay mayroon ng balkonahe. Ang dating mababang gate na gawa sa kawayan at kahoy ay matayog na at gawa na sa bakal, at kung noon ay kailangan pang tumawag. Ngayon ay may doorbell na. Napalingon siya sa asawa niya. Nagtatanong ang kanyang titig. Makahulugan lang siya nitong nginitian. Kapagkuwan ay inakbayan siya. “Ang laki naman pala ng bahay ninyo, Patricia. Sabi mo sa akin maliit at sim

