CHAPTER 5
MAAGANG umalis sina Russel kinabukasan. Hindi naman naging madali ang naging pangyayari kagabi kaya kahit wala akong masiyadong tulog ay maaga pa rin akong gumising para makita silang umalis.
Last night was a blast, I don't know what happened next but I know there was a tension going on between Russel and Nicholas. They were staring at each other like they were in a fight. Napansin ko iyon at tinanong si Russel pero hindi siya sumagot ng mabuti sa akin dahil palagi niyang dina-divert ang topic. Hinayaan ko nalang sila at napagpasiyahang mauna ng matulog dahil masiyado nang malalim ang gabi at iyon ang utos sa akin ni Nanay Ending. Marami na rin ang umuwi noon. Kahit feeling ko ay napagod ako ay hindi pa rin ako dinalaw ng antok kaya madaling araw na rin akong nakatulog.
Ngayong umaga ay kinamusta ko si Nanay sa nangyari.
"Natulog kaagad sila pagkatapos mong umalis mga ilang sandali, hija. Hinatid lahat sila ni Jonathan sa kwartong tutulugan nila.Si Engineer kasi ay nalasing masiyado kagabi kaya hindi ko mapigilang utusan si Jonathan, eh puro nakainom na lahat ng mga kaibigan ng pinsan mo kaya hindi masiyadong maalalayan." Mahabang saad ni Nanay sa akin.
I sighed.
It was Nicholas who was so drunk last night. Hindi na nga siya nagising ng maaga dahil doon. I still remembered how Russel secretly said some things on me about him.
"You should be careful here." He sighed. "But as much as possible you should stay away with Nicholas, Eli." Madiing sabi niya.
Kumunot ang noo ko doon. "How could I do that? He's the engineer you hired for the renovation. Seriously, Russel?You are overreacting right now." Natatawa kong saad.
He remained still that's why I stopped my laugh.
"Still, I'm reminding you. Take care." Saad niya at niyakap ako. "Just not too close."
He then faced Nanay who was beside me. "Take care of her, Nanay. I'll be long gone again but I'll be back after a month if she really already decided in taking the company."
Niyakap siya ni Nanay. "Makakaasa ka, hijo." Masayang saad naman nito.
Nicholas friends bid their goodbyes too and thanked me. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanila.
"Thank you for letting us stay here for a day, Eli." Greg said and smiled. "We must go now so we could end the conference immediately, I already missed my wife."
Oh! That's sweet!
"Thank you, Eli." Alejandro. “I’m hoping that Nicholas will be happy now..” He murmured.
“What?” Tanong ko ng hindi ko marinig ang kanyang sinabi sa huli.
Ngumiti siya sa akin. “Nothing.” Wala akong magawa kundi ang tumango na lang sa kanya.
"Ingatan mo ang kaibigan namin, Eli! Marupok iyan!" Natawa ako sa sinabi ni Gabriel. He will always be the jolly one in their circle of friends. "Hayaan mo, single pa iyan!" Muling sigaw niya pero hinigit siya kaagad ni Alejandro kaya natawa ako ulit at napailing sa sinabi.
"Will you please shut up, Zegarra?" It was Russel who was so angry and looking pissed right now. Pero binaliwala lang siya ni Gabriel at nagkibikit lang ng balikat.
Hindi ba naging maganda ang umaga ng pinsan ko?
"Russel, pare... It is still early in the morning and you are so grumpy.” It was Greg.
Walang isinagot sa kanya si Russel at pumasok na lang sa sasakyan.
I waved my hands at them. Nang mawala ang kanilang sasakyan sa paningin ko ay bumaling ako kay Nanay na nakamasid din sa papalayong sasakyan.
"Tara na sa loob. Hahatidan ko na lang ng mainit na sabaw si engineer baka may hang over iyon." Nagmamadaling sabi ni Nanay.
I got tense a bit at what she said.
I sighed heavily.
Napapailing at hindi alam ang gagawin ay napagpasiyahan ko na ring pumasok kasama si Nanay. Nicholas attitude was still a wonder to my whole system and seeing him from now on everyday makes me feel so overwhelmed and worried.
Why?
Wala sa sariling napakanta na lang ako patungong kusina. Ginugutom ako at gusto ko na agad kumain ng strawberry.
“Nay, may stock pa ba tayong strawberry sa ref?” I asked Nanay without looking at her.
Inabot ko ang aparador at kumuha ng malaking bowl para lagyan ng strawberry na kakainin ko. Kumuha na din ako ng malaking kutsara at gatas sa ref. When I opened the freezer, I got a little bit disappointed when I see nothing. Naubos ko yata lahat ng iyon kakain kahapon. Wala kasing araw na hindi ako kumakain niyon. Ang saad ni Nanay ay baka magmukha na nga akong strawberry dahil sa masiyado akong adik sa prutas na iyon.
Well, baka may natira pa sa farm. Siguro mamitas muna ako sandali. Ibinaba ko nalang ang dala kong bowl at pagkatapos ay kinuha ang basket na palagi kong dinadala kapag pumupunta ng farm.
“Where are you going?” I was halted from walking out of the kitchen when I heard a voice.
Nabitawan ko ang hawak kong basket at gulat na tumingin sa may ari ng boses na iyon.
“I—ikaw pala.” I said breathlessly at Nicholas.
Mabilis ang galaw na lumapit siya sa akin. Napaatras kaagad ako sa ginawa niya. Everytime he’s doing this aggressive move, I always made a same response and that’s walking away one step from him.
“I’m sorry if I shocked you.” His rough voice makes it way to my ears again.
I gulped. Lumuhod siya at kinuha ang basket na nabitawan ko.
“Okay lang, Engineer..” I said to ease the tension.
Umangat ang mukha niya sa akin at mabilis na tumayo. Lumapit siya sa akin.
“It’s Nicholas for you, Elizabeth.” Seryosong saad niya.
Kinuha ko ang basket sa mga kamay niya at ngumiti ng pilit.
“Okay, Nicholas..”
Matalim siyang tumitig sa akin. Ilang sandali pa ay tumango tango siya. Napatitig din ako sa kanya.
He looks really handsome this morning and I still can’t believe that I can say it so easily when it comes to him. With a large built that he got, he can easily squeezed me with just a tight embrace.
“Are you okay?” I asked him immediately.
“Yeah. Why?”
I arched my brows. “Wala kang hang over? You were so drunk last night.”
Umigting ang panga niya sa sinabi ko. He then bites his lips unconsciously.
“Paano mo nalaman?” He sounded like he doesn’t want me to know that he’s drunk. He looks problematic when I said that at him.
“Si Nanay Ending.. Hindi ka daw halos makatayo kagabi dahil sa kalasingan.” I paused. “You don’t have to worry about it, you’re a guess here. I’m actually glad you enjoyed the gathering last night” I smiled reassuringly at him.
Hindi siya umimik sa sinabi ko. Pumihit ako paharap sa kanya at tiningnan ang mukha niya nang may mapansin ako. Wala sa sariling nag-angat ako ng kamay at hinawakan ang panga niyang mukhang may pasa. Hindi pa nakuntento sa distansiya at layo ko sa kanya ay mas lumapit pa ako.
He stiffened.
“Anong nangyari sa mukha mo, Nicholas?”
His lips moved.
He then gulped. Ang mukha niya ngayon ay parang batang nahuli nang ina niya dahil sa kasalanang nagawa niya. But his eyes looks vulnerable when I stared at him, he looks like he’s longing for something.
Natauhan ako sa aking ginawa at binitawan kaagad ang panga niya. He looks offended at my action. Nagsisi akong nagbaba ng tingin at pilit pinapaalala sa sarili kung ano ba ang dapat kong gawin.
“I don’t really remember much what happened yesterday. I’m sorry.” Mababang boses niyang sabi pero kahit na ganoon ang boses niya ay may talim pa rin.
His composure was never ruined when he’s always with me. It’s like he was born to be this perfect to my eyes when in fact he’s just also a human being like me. He will always portray as a great and magnificent king in front of me and I as her lowly chamber maid.
“No. That was fine, ako ang nag-imbita sa inyo at isa pa hindi naman maiiwasan ang mga pagkakataong iyon. Bisita ka dito at wala akong problema doon.” Nakangiti kong saad sa kanya.
“I don’t want to spoil my stay here. It won’t happen again, I promise.” Seryosong saad niya.
Napatigil ako sa sagot niya. He really looks determine in pointing out his reasons na para bang kahit hirap siyang manalo ay pinapanatili niya pa rin ang kanyang makulit na pagrarason. Wala akong ibang magawa kundi ang tumango na lang.
Ganito ba siya palagi?
“Kung iyon ang gusto mo.” I surrendered. “By the way, bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa mga plano sa renovation nitong mansion.”
“Bakit? We can actually do it today.”
“Hindi naman ako nagmamadali sa renovation ng mansiyon. And I’m still thinking about the design that I should make for the lanai at sa library.”
“You wanted to have a lanai in here?” He asked seriously.
I eagerly nodded. “Bakit? Hindi ba pwede?” I politely asked him.
Gustong gusto ko talagang palagyan iyong sa left side ng mansion dahil sa tuwing naiinip akong magbasa ng mga libro sa library ay wala akong mapupuntahan sa labas. Well, we have the tree house but it was too far. One way porch lang kasi ang design ng mansion sa harapan nito at gusto ko sanang i-extend pa iyon but then again, I know it would just create so much space which will end up into ruining my landscape I have made already. That’s why I decided to put some side switch design in the left side of the mansion. Kaya sa susunod na gathering na naman namin ay pwede na kahit doon kung magsalosalo.
“What about the internal renovation? I notice that there are much work should be done on the left side of the mansion.”
I nodded. “But you want to put the lanai in there?” He asked again.
Yeah. So bad.
“Sana.”
Tumango tango siya.
“Can I see first the blueprint of this house?” Iyon ang sinagot niya sa akin.
Napatanga ako. Nawala sa isipan ko ang bagay na iyon. Hindi ko naman kasi na-tackle ang bagay na ito kay Papa at Mama noong nabubuhay pa sila.
As a cue, Nanay entered the kitchen with a large bouquet in her arms. Nawala kaagad sa isip ko ang tanong ni Nicholas.
“Kanino iyan galing, Nanay?” I asked curiously.
Tumingin muna si Nanay kay Nicholas at binati to ng magandang umaga. Sinuklian naman din siya ng bati ni Nicholas at kaagad na lumapit sa akin.
Inilahad niya sa akin ang bulaklak at nangingiting tumitingin sa mga ito. She looks smitten by the flowers. Tinanggap ko iyo at nagtataka pa ring nag-angat ng tingin sa kanya.
“Naalala mo ba iyong si Rahim?” Tanong niya bigla sa akin.
I tilted my head as if I remember that name but then nothing came out.
“Hindi po. Bakit?”
“Iyong anak ni Mayora na nagpaparamdam sa iyo. Baka nagpapansin lang, hija. Balita ko kasi ay may gusto iyon sa iyo.” Nakangiti pa ring saad niya na parang botong boto sa Rahim na tinutukoy niya. “Kung hindi mo naalala talaga, iyon yong binatilyong na natumba sa katitig sa iyo habang kasama ang Mama niya sa pangungumpanya dito sa hacienda.”
I remembered that. Oh! Maybe she was talking about the man who wore cute glasses. Gwapo naman ito at matangkad pero kung ikukumpara kay Nicholas ay mas lamang nga siya keysa dito.
Seriously, why am I comparing Nicholas to someone?
I smiled awkwardly while I land my eyes to Nicholas who was now murderously staring at the bouquet I’m holding.
“Are you okay, Nicholas?” Tanong ko ng mapansin ang kakaibang titig niya.
Umiwas siya ng tingin nang tanungin ko siya. He sighed heavily and massaged his nose bridge.
“Muntik ko nang makalimutan.” Bumaling si Nanay sa kanya. “Ikukuha ko po kayo ng mainit na sabaw, Engineer.”
“Salamat po.”
Tinalikuran kami ni Nanay kaagad.
“I’m allergic to sunflower.” Saad niya.
Naalarma akong nagbaba ng tingin sa bulaklak. Binaba ko kaagad ito at inilayo sa kanya.
“I’m sorry. I didn’t know.” I innocently said.
“Fuck.” He muttered but I was not able to hear it.
Nataranta kong pinulot ulit ang bulaklak at mabilis na inilabas iyon bago nagmamadaling pumasok ulit sa kusina.
“Nasaan ang bulaklak, Eli?” Si Nanay ng makapasok ako.
“Nicholas was allergic to sunflower, Nanay. Inilabas ko muna iyon, kukunin ko nalang iyon mamaya.” I said.
Namilog ang mata niya. “Mabuti pa nga.”
“Nasaan si Nicholas, Nanay?” I asked her when I didn’t see him in the kitchen anymore.
“Aakyat lang daw muna siya at magpapahinga. Hindi na nga niya naabot ang sabaw dahil iniinit ko pa. Hayaan mo at ipapahatid ko nalang ito kay Rosela.”
Nalungkot akong tumango pero agad ding napawi iyon ng may maisip.
“Ako na lang po ang maghahatid.” I volunteered.
“Sigurado ka?” Tumango ako.
“Oh siya sige.. Dahan dahan at baka mapaso ka.” Saad niya sa akin.
“Opo.”
Ibinigay niya kaagad sa akin ang malaking tray na may lamang bowl. Agad akong lumabas ng kitchen at madaling pumunta sa taas.
“Ako na po niyan, Ma’am.” Nababahalang saad ni Rosela sa akin ng makita ako.
Ngumiti ako sa kanya at umiling.
“It’ fine. Kaya ko na.”
Wala siyang nagawa kundi ang hayaan ako.
Nang sa wakas ay nasa tapat na ako ng kwarto niya ay kakatok na sana ako ng marinig ang malakas niyang mura.
“f**k!?”
Natood ako sa kinatatayuan ko ng marinig pa ulit ang ilan pa niyang mura. Is he that so mad because of the sunflower?
Oh my god..
“What would you want me to do, Greg?!” Malakas na saad niya. “I think I may lost myself if this continue. I can't just act like this until my last day ended here, damn it!”
He really sounds so pissed and mad. He’s talking someone on the phone.
"f**k! You wanted me to calm down? It's easy for you to say because you don't have your woman yet. I can’t control my anger and jealousy when I’m with her. It f*****g hurts me seeing her this way.” He said painfully. "She's looking at me like I'm a stranger."
Nanginginig kong hinawakan ang tray.
Pagkatapos ay nabitawan ko ito kaagad ng maramdaman ang sunod na sunod na kirot ng aking ulo.
“Ah!” I arched painfully while I’m holding my head.
My head hurts so much suddenly.
Hindi ko alam kong ano ang unang uunahin ko. My heart that was also in pain too or my head that is hurting too?
“Elizabeth?!” Nicholas then immediately come out of the door.
Agad siyang lumapit sa akin at iniangat ako sa pagkakahiga sa sahig.
“T--the pain...”
“What about it, sweetheart?” He asked panicking. "Manang!"
He looks so bothered and I can even feel his hands trembling. Nanghihina akong sumandal sa kanya.
“It hurts.” I said before I lost my consciousness.