Hmmmp! Ako na ang bahala dito asawa ko. Mapapaslang ko ang halimaw na ito sa madaling panahon lamang!" Sambit ni Ginoong Triper sa kaniyang asawang si Ginang Vernaya gamit ang kaniyang divine sense. "Mag-iingat ka." Simpleng tugon ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. "Oo naman, mag-iingat talaga ako. Hindi tayo maaaring mamatay Asawa ko, babalik pa tayo sa lugar ng lahi natin." Sambit ni Ginoong Triper. Tila ba naniniwala siyang hindi maaaring maging pabaya sila sa mga kilos o aksyon nila. May pagka-psychopath o baliw itong kalaban nilang nakagintong maskara na si Shadow Crow. Unpredictable din ang kilos at galaw nito. Papasugod na sa kanilang direksyon ang dambuhalang halimaw na gawa sa usok. Tila ba hindi pa rin makapaniwala si Ginoong Triper sa laki nito.

