Nakatingin lamang si Vladd Grego sa itaas na bahagi ng lugar na kinaroroonan niya nang mapansin ang paglitaw ng binatang si Van Grego sa ere habang mistulang mayroong kakaibang nilalang na nakapalibot sa buong katawan nito. Dambuhala ito sa laki at masasabi niyang nakakatakot na halimaw ito na hindi niya matukoy kung ano ito. Hindi rin matutumbasan ang kakaibang aurang nakapalibot rito. Napakalayo ng binatang si Van Grego sa pwesto niya ngunit ang laki ng halimaw na ito ay talagang matatakot ang sinumang makakakita nito. "Anong klaseng halimaw ito. Ni hindi nga ako nakakita ng ganitong klaseng halimaw sa tanang buhay ko. Nakakulong at mahimbing na natutulog pa ang mga kapatid ko. Hindi maaaring mapaslang ang binatang si Van Grego dahil kapag nagkataon ay mapapaslang kaming lahat!" Sambit

