Tila hindi naman alam ng grupo nina Prinsesa Nova Celestine ang nakikita nilang reaksyon ng maagkapatid na taong ahas nang magkalingunan ang mga ito. Alam niya kung gaano kaseryoso ang binatang lalaking si Van Grego ngunit ang mga taong ahas na ito ay hindi niya pa lubos na kilala. "At ano naman iyon binatang tao? May rason ba kami upang sumama sa iyo?! *hiss *hiss *hiss " Seryosong sambit ng magandang babaeng taong ahas. "Oo, alam kong alam mo iyon. Siya nga pala parang nakita ko na kayo. Ikaw si Gail hindi ba? At ang kapatid mo ay si Elaina, tama ba ko?!" Nakangiting sambit ng binatang lalaking si Van Grego. Halata sa boses nito na confident siya sa kaniyang sariling sinasabi. "Oo, at bakit mo naman kami nakilala binatang tao? Nagkita na ba tayo?!" Nagtatakang sambit ng babaeng ahas n

