Aba, aba nagtataas ka na ng boses ngayon Dark 1? Gusto mo bang turuan kita ng leksyon?!" Seryosong sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang nakatingin sa direksyon ng nagsalita kanina lanang na si Dark 1.
Naningkit ang mata ng binatang lalaking si Valc Grego sa sinagot ng dambuhalang halimaw na oso na si Dark 1 sa kaniys.
Tila kinabahan naman ang dambuhalang nilalang na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa mga Kakaibang tanong ng pinuno nilang si Valc Grego.
"Ah eh, hindi po Pinunong Valc. Isa po kayong kagalang-galang na pinuno at isa lamang akong mahinang nilalang na napakahina." Seryosong turan ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 nang mapansin nitong tila nag-uumpisang magalit sa kaniyang sinabi ang kanilang sariling pinuno na si Valc Grego.
Nang makita naman ito ng binatang lalaking si Valc Grego lalo na sa sagot ng kaniyang sariling alagad na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ay malademonyo itong napatawa ng malakas.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!"
Umalingawngaw ang malakas na tunog ng pagtawa ng binatang lalaking si Valc Grego na siyang ikinatahimik nang nasabing dambuhalang halimaw na osong si Dark 1.
"Mabuti at inamin mo. Isa ka lamang mahinang nilalang sa kasalukuyan ngunit kung susundin mo ang lahat ng aking sinasabi at pinag-uutos ay manunumbalik ang iyo o inyong mga lakas sa madaling panahon Hahaha!!!!" Nakangiting sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang malademonyo pa itong napatawa ng malakas.
"Oo naman po Pinunong Valc! Hindi ko nga aakalaing unti-unti nang tumitibay ang pundasyon ng aking Cultivation at napapalakas ko kaagad ang aking lakas lalo na sa combat power ko. Sa oras na magiging malakas ako ay ipapakita kong isa akong napakalakas na kakampi na kakailanganin niyo." Tapat na sambit ng dambuhalang halimaw na osong si Dark 1. Masasabing hindi maaaring baliwalain ang kakayahan na maaari niyang ipamalas muli sa oras na bumalik ang kaniyang totoong lakas bilang isang Dark Lord.
Tila napangiti naman ang binatang lalaking si Valc Grego sa sinabi ng kaniyang sariling alagad na nasa katawan ng dambuhalang halimaw na si Dark 1. Ngunit nanatili lamang siyang emotionless at hindi gumagalaw sa kaniyang sariling kinaroroonan.
"Mabuti naman kung gayon. Ayoko ng mga mahihina at pabigat na mga alagad. Sa oras na lumakas ako at kayo kung saan ay bumalik na ang tunay na mga lakaa niyo ay gagawin na natin ang ating sariling mga hakbang at mga plano. Hindi natin maaaring balewalain ang mga bantang dulot ng mga kalaban natin o makakalaban natin lalo na ang lampang insektong si Van Grego." Seryosong sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang makikita ang labis na galit at inis sa tono ng pananalita nito.
Hindi maipagkakailang sang-ayon ang dambuhalang Halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa sinabi ng kaniyang sariling pinuno na si Valc Grego. Nakita niya kung gaano kavulnerable at kalampa ang napakaliit na nilalang na binatang si Van Grego. Base sa deskripsyon ng kaniyang sariling pinuno ay napakadelikado ng nilalang na ito at hindi Basta-basta ang kakayahan o imposibleng bagay o pangyayaring nagagawa nito. Hindi naman siguro nagsisinungaling ang tila nakakakilabot na awrang lumalabas ng kusa sa katawan nito.
"Hmmp! Wag kang tumunganga diyan Dark 1 at simulan na natin ang proseso ng pagbuhay muli sa kapatid mong si Dark 2. Hindi ako papayag na mapunta sa wala ang pinunta natin rito!" Matigas na pagkakasambit muli ng binatang lalaking si Valc Grego habang nakatingin sa kaniya at sa sugatang nilalang na walang iba kundi ang dambuhalang halimaw na Black Neo Bird.
"Opo Pinuno, masusunod po ang inyong inuutos." Magalang na sambit ng dambuhalang halimaw na osong si Dark 1. Makikitang biglang kumislap ang mata nito ng dumapo ang paningin niya sa dambuhalang itim na ibong tinatawag na Black Neo Bird.
Napakapamilyar ng awra ng ibong ito at masasabi kong ito nga ang pinaka-compatible na Bloodline ng aking kapatid na isang Dark Neo Bird. Malapit na aking kapatid ang muli mong pagkabuhay at mangyayaring muli ang gusto nating mangyari, ang pamunuan ang buong mundong ito sa sarili nating pamamaraan. Tayo lamang ang malakas at dapat mamuno hindi ang mga pesteng mahihinang mga nilalang rito!" Sambit ng dambuhalang halimaw na Osong si Dark 1 sa kaniyang sariling isipan lamang. Hindi siya makakapayag na sa muling pagkakataong ito ay mangyayari muli ang gusto at hangarin nilang pamunuan ang mundong ito. Sila at sila lamang ang karapat-dapat na mamuno dahil sila ang totoong malakas, wala ng iba pa.
Agad na iwinala lamang ng dambuhalang halimaw na osong si Dark 1 ang kaniyang sariling iniisip.
"Mabuti naman. Simulan mo na bago pa tuluyang magkaroo ng pagkakataong lumakas pa ang dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na ito. Hundi mo naman siguro nakakalimutan na ang Black Neo Bird na ito ay hindi malakas sa close-combat ngunit ang sariling kaluluwa nito ay napakalakas ngunit dahil sa physical pain at mga malalalim na mga sugat nito at sarili kong atake sa mismong kaluluwa nito na dark elements ay hindi nito inaasahan kaya nasusupress ko ang kakayahan nitong pumalag sa isasagawa nating ritwal ng pagtatanim ng Dark Seed na siyanv naglalaman ng nakakakilabot na kaluluwa ng isa sa mga Dark Lords na si Dark 1." Seryosong sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang nakatingin sa dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
Napatango naman ang dambuhalang halimaw na osong si Dark 1 sa sinabi ng binatang lalaking pinuno nila. Tila napipi siya sa narinig niya dahil sa labis na tuwa at galak sa pangyayaring ito.
"Kung gayon ay hindi ko aaksayahin ang pagkakataong ito upang lubos na malaki ang porsyentong mapagtagumpayan ang ganitong sitwasyon sa paglagay ng Dark Seeds sa katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na siyang magsisilbing katawan ng aking kapatid na si Dark 2. Maraming Salamat Pinuno." Nasisiyahang sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Tila animo'y nagpipigil lamang ito ng luha.
"Oo na. Wag mo kong pasalamatan dahil ginagawa ko lamang ito sa pansariling benepisyong makukuha ko. Ayokong isipin mo na ginagawan ko kayo ng pabor, dahil lahat ng bagay ay may kapalit. Iyan ang itatak mo Dark 1 sa kokote niyo!" Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara. Makikitang walang kaemo-emosyon ang tono ng pananalita.
Napatango naman ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Masasabing kailanman ay mayroon talagang involve na personal agenda at pansariling benepisyo ang mga bagay-bagay rito lalo na sa pareho nilang mga hangarin, ang pamunuan ang mundong ito sa sarili nilang mga kamay.
"Kung gayon ay umpisahan mo na baka kung hindi pa ay tuluyan ng hindi ko masusurpress ang kaluluwa ng malakas na nilalang na ito!" Seryosong sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Hindi njya maitatangging malalakas talaga ang nilalang na Black Neo Bird lalo na ang kaluluwa nito na na-reforge dahil sa Ancient Neo Tree na ito. Nakakatakot talaga ang kakayahan ng Ancient Neo Tree na ito sa mga nilalang na gustong manirahan dito. Malayo pa sila at nagbabalak pa lamang ngunit ang dambuhalang halimaw na ibon na tinatawag na Black Neo Bird ay naramdaman kaagad ang kanilang presensya at masamang binabalak nang aatake sana sila. Bihira lamang ang mga nilalang na ito na may kakayahan ng ganito dahil sigurado siyang ang kakayahan ni Dark 2 na isang Dark Neo Bird noon ay magiging malakas ang totoong lakas nito dahil sa tulong ng nakuhang kaalaman at abilidad ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na siyang nagiging bago nitong katawan.
"Kung ganon ay masusunod po Pinunong Valc." Magalang na sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang napatango pa ito.
Agad na nilapitan nito ang mismong katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na Black Neo Bird at mabilis na nagsagawa ng kakaibang hand seals si Dark 1 kung saan ay mayroong kakaibang mga Ancient symbols ang nagpormang pabilog at nagpaikot-ikot ito sa ere.
Hindi pa nagtatapos ang lahat ng ginagawang ito ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ay muli na namang nag-iba ang pagsagawa niya ng hand seals na masasabi niyang tila mas mahirap ito ng di hamak sa nauna.
Ang nauna kasing mga handseals ay nasa sampong mga Ancient symbols lamang habang nasa tila nagko-complement ang mga ito sa bawat isa at umiikot-ikot sa napakaayos na pamamaraan. Masasabing nasa isang layer lamang ang mga ito na tila nasa disc-shape na circular movement ang ginagawa nito.
Ang pangalawang pagsagawa nito ng mga handseals ay masasabing kakaiba naman ito. Sa uri ng paggalaw ng kamay nito at tila mayroong kakaibang enerhiyang namumuo rito na mas malakas ng kaunti kumpara sa naunang pagsasagawa nito.
Namuo sa ere ang isang kakaibang seal symbol na masasabing naglalaman ng faint aura.
Maya-maya pa ay mas bumilis ang galaw ng kamay nito tandang gumagawa ito ng komplikadong mga hand Techniques na siyang nagresulta ng sunod-sunod na paglitaw ng nga seal symbols. Masasabing kakaiba ang mga seal symbols na ito mula sa nauna. Naglalaman ang bawat isa ng faint aura.
Tila ang atmospera dito sa kinaroroonan ng tatlong nilalang na sina Dark 1, Valc Grego at ng napinsalang dambuhalang halimaw na ibon na tinatawag na Black Neo Bird ay masasabing may namumuong kakaibang pakiramdam lalo na sa tila pagkalma ng bawat airflow dito. Tipong mayroong kung ano'ng klaseng bagay na nagpapawalang-bisa sa anumang disturbasyon dulot ng mga bagay-bagay rito. Yung tipong may nangyayaring di nabibilang sa lugar na ito.
Habang nakatingin ang nakasuot ng kulay itim na maskara ay lihim lamang siyanv nagulat sa kaniyang nakita at natuklasan.
"Hindi ko aakalaing ilang minuto lamang ang nakakalipas ay natapos niya ng gawin ang first layer at second layer ng Sealing Technique na kasamang itatanim sa Dark Seeds ni Dark 2. Nakakamangha namang may pambihirang abilidad ang unang Dark Lord na si Dark 1 pagdating sa Sealing Technique. Ngunit sana ay mapagtagumpayan niya ito dahil kung hindi ay masisira ang mga plano namin at mag-aaksaya kami ng marami pang panahon upang buhayin si Dark 2. That's really not a good idea lalo na at hindi niya alam ang lagay ng matinik na binatang lalaking si Van Grego na siyang kinaiinisan niya ng todo.
Mabilis niyang iwinala ang kaniyang iniisip na ito at mabilis niyang ikinalma ang kaniyang sariling isipan dahil nasa kritikal na kondisyon ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Dapat ay hindi dapat magkaroon ng disturbasyon o maistorbo ang pagsasagawa nito ng Sealing Technique Kung saan ay maling galaw lamang o pag-alintana ay magreresulta ng pagkabigo ng lahat ng mga pinaghirapan nila lalo na ng navsagawa ng Sealing Technique na walang iba kundi ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Hindi lanang iyon dahil kung sakalinv magbigo ay magde-deflect ang mismong sealing Technique sa nagsagawa nito na walang iba kundi ang pagsabog ng mga sealing symbols at ang bigong pagsagawa ng sealing Technique ay magreresulta ng internal injuries, pagka-cropple o agarang kamatayan depende sa lakas ng sealing Technique.
Sa lagay ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ay masasabing hindi pangkaraniwan lamang ang isinasagawa nitong Sealing Technique kundi ay maika-classify ito bilang nasa Level 2 Sealing Technique na tinatawag na Planting Soul Technique na maituturing na isang f*******n Sealing Technique dahil isa itong i***********l na Sealing Technique.
Delikado ba ito? Ang sagot ay hindi delikado kundi napakadelikado ng ganitong klaseng Sealing Technique. Lumalabag ito sa natural na daloy ng buhay ng mundong ito at nakakaapekto sa mismong katawan na nilalagay ang katawan ng sinuman lalo na ang namatay na at hindi na nag-eexist sa natural world ang existence nito.
Upang masiguro ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego na mataas ang tsansang mapagtagumpayan nila o ng mismong dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang Sealing Technique na Planting Soul Sealing Technique na oinagbabawal na Sealing Technique ng kasaysayan ay mabilis siyang nagsagawa ng kakaibang Skill.
Illusion Skill: Great Mirage of Earth Element
Agad na nagliwanag ang buong katawan ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego at mabilis na naglaho ang pigura nila sa kawalan.
Ang tanging makikita na lamang rito ay isang maayos na lugar na kung saan ay puro buhanginan, nakatayo ang isang napakalaking puno ng Ancient Neo Tree habang tila lumilipad ang isang dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na buhay na buhay kung saan ay parang walang pinsala itong natamo.
Paanong nangyari ito?!