Napadpad kasi siya sa nagbabagang apoy na isang medyo may kaliitang kontinente. Sa itsura o lagay pa lamang ng kontinenteng ito ay masasabing kahit sino o anumang nilalang ay walang namumuhay rito dahil sa naglalakihang mga apoy na tila sumasayaw sa tila bitak-bitak na lupain.
Ang nakakapagtaka pa rito ay napapalibutan ang buong kontinente ng katubigan ngunit tila hindi ito sumasama sa mismong apoy na sumasayaw.
Nakalutang pa rin sa ere ang binatang si Van Grego kung saan ay mabilis niyang tinungo ang kalupaan ng mismon Hyno Continent kung saan siya namuhay ng simula pa lamang. Nakita niyang kung paano nakakasulasok at nakakapanindig balahibo ang nagtataasang apoy na tila sumasayaw at sumasabay sa daloy ng hangin.
Something that urge him na tumapak sa lupang kinaroroonan niya ngayon. Masasabi niyang walang anumang bakas ng buhay sa paligid maging ang bakas ng mga estraktura ay wala rin. Tila ba ang lugar na ito ay hindi ang kaniyang sariling lupang pinagmulan ngunit ramdam niyang ito ang pamilyar na lugar na siyang naging tahanan niya noon pa. Naglakad siya sa buong kapaligiran. Hindi niya ramdam ang init ng buong lugar na tila ba ay namamasyal lamang siya sa pagitan ng alon ng nagbabagang apoy. Napakabilis ng kaniyang sariling paglakad na sa kalauna'y nakita niya lamang ang kaniyang sariling tumakbo sa nagtataasang apoy habang sinusuyod ang pamilyar na direksyon na siyang gusto nitong puntahan.
Nang mapuntahan niya ang gusto niyang puntahan ay napayuko na lamang siya. Ramdam niya ang labis na pagkabigo.
"Bakit ganito? Hindi ko maintindihan!" Sambit ng binatang lalaking si Van Grego. Ramdam mo ang labis na frustration na nararamdaman nito.
Bigla na lamang siyang napatingala ng makaramdam siya ng malakas na pagkidlat sa kaitaasan.
Nakita niya ang namumuong nakakatakot na pormasyon ng kulay pulang ulap habang mayroong tila anumang bagay ang na nakapaloob rito.
Biglang umulan ng napakalakas. Hindi isang normal na ulan na gaya ng tubig kundi mga nagbabagang maliliit na piraso ng apoy.
"Hmmmp! Ano ang mga ito?! Isang bulalakaw?!" Ramdam ng binatang si Van Grego na tila mayroong mali rito. Lalo na at mayroong tila pulang mga naglalakihang mga bagay ang babagsak rito.
Hindi nga nagkamali ang binatang si Van Grego nang mapansin nito ang tila malaking tipak ng batong mayroong nagbabagang apoy na nakapalibot rito pabagsak sa mismong kontinenteng kinaroroonan niya. Isa itong bulalakaw. Isa sa pinakamahirap na bagay na mapamuksa ang kaniyang nakikitang mabilis na bumabagsak sa kontinenteng kinaroroonan niya.
Tila sa laki ng babagsak na bulalakaw na ito ay ramdam niya ang tindi ng presyur sa pagbagsak nito. Sa bigat pa lamang ng nagbabagang bato na ito ay alam niyang makakalikha ito ng labis na pinsala sa mismong Hyno Continent.
Kikilos na sana ang binatang si Van Grego nang bigla na lamang siyang nakaramdam ng ibayong panganib mula sa kalangitan. Ramdam niya ang tila buhay na nilalang sa itaas ng kaulapan.
"Nagkita tayong muli binata, masyado ka namang atat na iligtas ang pipitsuging lugar na ito. Dapat ay hindi mo na dapat balikan pa ang iyong nakaraang buhay. Tama ba ko?!" Malakas na sambit ng isang boses mula sa makapal na kaulapan. Tila ba walang emosyong makukuha rito ngunit masasabi mo paring mabagsik ang uri ng salitang ginamit nito.
"Kung matapang ka ay magpakita ka! Napakaduwag mo!" Paggalit na sambit ng binatang si Van Grego. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kakaibang nilalang na nasa kaulapan noon.
"Hahahaha... Sabihin na nating hindi pa panahon para makita mo ako. Napakahina mo pa rin. Isa pa ay tingin ko ay lumalakas ka na ng paunti-unti. Bakit mo pa ililigtas ang lugar na ito na alam mo namang walang kwenta ang lugar na ito. Napakahina ng mga nilalang na namuhay rito noon ngunit tingin mo ba ay lahat ng bagay ay kailangan pang pahalagahan lalo na kung wala ng kwenta ang mga ito?!" Sambit ng nasabing misteryosong nilalang habang umalingawngaw ang tono ng malalim nitong boses. His tone of voice happen to have a hint of disgust and contempt.
Tila nalukot naman ang mukha ng binatang si Van Grego kung saan ay nakaramdam siya ng inis sa tono ng pananalita nang nasabing misteryosong nilalang.
"Ganyan ka magsalita dahil hindi ka nakaranas ng paghihirap. Ganon lang ba kadali sabihin iyon sapagkat ikaw nandiyan lang sa itaas at tingnan lamang ang mga mahihinang nilalang inaapi. Ganon ba yun ha?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang hindi nito nagustuhan ang paraan ng pananalita ng nasabing misteryosong nilalang. Kahit siya ay di maatim na makita ang mahihinang nilalang na inaapi, inaabuso o nilalamangan ng mga malalakas na nilalang.
"Hahaha... Kasalanan ko ba yun? Alam mo namang hindi patas ang buhay ng mga nilalang." Simpleng sambit ng misteryosong nilalang at tila nakita ng binatang si Van Grego ang malaking anino sa itaas.
Ganon lamang ang panlalaki ng kaniyang pares ng mata nang makita nito ang maraming mga naglalakihang bulalakaw na bumubulusok ng mabilis papunta sa kontinenteng kinaroroonan ng binatang si Van Grego.
Hindi na nagsalita o sumagot ang binatang si Van Grego. Alam niyang desidido na ang misteryosong nilalang na paulanan at all-out ang pag-atake nito.
"Mas mabuti pang mamatay ka na binata dahil hindi ka karapat-dapat na lumakas. Tanging ang tinadhana o espesyal na mga nilalang lamang ang maaaring lumakas hindi katulad mo na isang mahinang nilalang!" Puno ng pagkadisgusto na sambit ng misteryosong nilalang. Tila gusto nitong hindi magtagumpay ang binatang si Van Grego.
Tila napatahimik naman ang binatang si Van Grego. Alam at inaamin niya na hindi siya malakas at sobrang hina niya pa sa ngayon ngunit hindi naman iyon rason upang hindi siya susuko ng hindi siya lumalaban.
Agad na lumitaw sa kamay ng binatang si Van Grego ang isang nagbabagang katana na sobrang haba na tila kayang hatiin ang sinuman na mahahataw o matatamaan ng talim nito. Isa itong Giant Fire Katana.
Agad na pinamalas ng binatang si Van Grego ang lakas niya sa paggamit ng katana.
Tatlong magkakasunod na pag-s***h ang pinakawalan niya sa ere patungo sa unang pabulusok na bulalakaw ilang daang metro lamang ang layo nito mula sa kaniya.
Slash! s***h! s***h!
Mabilis itong tumama sa nasabing bumubulusok na bulalakaw at agad naman itong nahati at nagkapira-piraso.
BANGGGGGG!!!!!!
Tumigil ito at nagkaroon ng malakas na pagsabog sa ere.
Hindi maipagkakailang ang ginawang atakeng ito ng binatang si Van Grego ay malakas ang nakuha nitong lakas mula sa kaniya.
Kahit na mala-impyerno na kung maituturing ang nagbabagang kontinente ng hyno ay ayaw naman nitong makitang tuluyang mabura sa mapa ng kasaysayan ng mundong ito.
"Hangga't kaya kong protektahan ang sariling lupaing kinamulatan ko ay gagawin ko kahit ang sarili kong buhay ay kaya kong ialay." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego.
Hyaahhhhhhh!!!!!!!! Malakas na sigaw ng binatang si Van Grego nang mabilis siyang tumalon sa ere at nagpakawala muli ng apat na katana s***h sa ere patungo sa pangalawang bulalakaw na mabilis na bumubulusok pailalim.
Masyadong malaki ito sa naunang bulalakaw. Ngayon ay kailangan niyang mag-exert ng malakas na pwersa at enerhiya upang hatiin ito mula sa ere upang hindi ito magdulot ng malaking kapinsalaan sa Hyno Continent.
BANGGGGGGGGG!!!!!! Malakas na pagsabog ang naganap kung saan ay matagumpay nitong napasabog sa ere ang bulalakaw.
Ngunit tila kasabay naman nito ay hindi mabilang na mga bulalakaw ang sunod-sunod na bumubulusok pailalim at kasabay naman nito ay mabilis namang hinihiwa at pinapasabog ng binatang si Van Grego ang mga ito.
Hapong-hapo na ang binatang si Van Grego sa hindi mabilang na naglalaking tipak ng nagbabagang bato ang napasabog at nawasak nito ere pa lamang. Nagtamo rin kasi ito ng iabyong pinsala kung saan ay punit-punit na ang mga damit nito maging ang mga sugat nito na mga hiwa o galos ay walang tigil pa rin sa pagdurugo. Pakiramdam rin ng binatang si Van Grego ay hindi niya naramdaman ang kaliwang kamay nito. Maging ang kanang kamay nito ay ginawa niya ring pansuporta sa dambuhalang katana na sandatang hawak-hawak niya kanina pa. Ramdam na ng binatang si Van Grego ang sobrang pagod at panghihina ng kaniyang sariling pangangatawan ngunit napatagis na lamang siya ng kaniyang sariling mga ngipin upang tiisin ang mga di kaaya-ayang nararamdaman nito sa kaniyang katawan.
"Magaling, tila ba ang pinadala kong pipitsuging mga bulalakaw ay hindi pa sapat upang burahin ang kontinenteng ito sa mapa ng mundong ito. Ngayon ay sisiguraduhin kong mawawala na ito sa mapa!" Malademonyong sambit ng misteryosong tinig ng isang nilalang habang makikita ang labis na hangad nitong burahin sa mapa ang Hyno Continent.
Ilang segundo lamang ang nakakalipas ay tila nagkaroon ng kakaibang tunog sa makapal na kaulapan sa kalangitan.
*Rumble *Rumble *Rumble ...!
Sa pagkakataong ito ay tila kakaiba na ang bulalakaw sa hugis at laki nito na tila doble o triple na ang laki nito kumpara sa mga naunang mga bulalakaw. Masasabing hindi matatawaran ang nagbabagang init nito lalo na at kulay yellow-orange na ang apoy nito.kaya masisiguro mong hindi pagkaraniwang init lamang ito.
Tila mahigit limampong naglalakihang piraso ng bulalakaw ang sunod-sunod na umulan sa kalangitan patungo sa mismong lupain ng Hyno Continent.
Mababakas rito ang tila nagsusumigaw na init at panganib lalo na sa kung paano ito mabilis na bumubulusok pailalim.
Pwes hindi kita hahayaan!" Sigaw ng binatang lalaking si Van Grego habang mabilis na napalitan ng higanteng halberd ang kaniyang sandata na katana.
Mas higit na malaki ang nasabing sandatang ito kumpara sa higanteng laki ng katana. Mapapansin dito ang kulay bughaw na apoy na bumabalot sa dambuhalang halberd na sandatang gamit ng binatang si Van Grego.
Mabilis na tumalon sa ere ang binatang si Van Grego at mabilis niyang pinaindayog ang dambuhalang halberd na hawak niyang sandata na animo'y sumasayaw siya sa ere.
"Ito lang ba ang atake mo? Pwes tingnan mo kung paano ko puksain ang mga atake mo!" Sambit ng binatang lalaking si Van Grego at mabilis niyang inihagis ito sa ere.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!
Napakatinding pagsabog ang naganap sa ere kung saan ay naglikha ng sunod-sunod na ingay na siyang nagpagulo ng daloy ng hangin.
Tila tinangay ng nasabing magulong daloy ng hangin ang mahabang buhok ng binatang si Van Grego. Nagmistulang paputok ang nangasabog na mga bulalakaw o malalaking tipak ng bato ang buong kalangitan.
Sa huli ay mabilis na napuksa ng binatang si Van Grego ang nasabing pag-atake mula sa kalangitan upang burahin sa mapa ang Hyno Continent. Kasabay rin nito ang pagkawala ng parang bula ng nasabing dambuhalang halberd na siyang ginamit ng binatang si Van Grego.
Puahhh!!!!!
Napasuka na lamang ng sariwang dugo ang binatang si Van Grego lalo na at napinsala rin siya sa paraan ng pagkakagamit ng nasabing sandata lalo na at nasa delikadong sitwasyon siya. Sugatan na siya at patuloy na lumalala ang kalagayan ng binatang si Van Grego.masasabi niyang isa iyon sa pinakamalakas na atake ng binatang si Van Grego lalo na at iyon ay huling alas niya na siya sa pangyayaring ito.
Galing ito sa natirang apoy na pinagkaloob sa kaniya ng ownerless martial spirit niya noon na nakuha na si Alfero na isang Blue Fire. Ngayon na ginamit niya ito ay malamang sa malamang ay matutulog o magiging dormant ang Blue Fire sa kaniyang katawan lalo na at hindi pa ito ganoon ka-stable at kalakas ngunit sapat na iyon upang mawasak niya ang napakaraming naglalakihang bulalakaw sa ere.
"Magaling, magaling... Ngunit mapipigilan mo kaya ang susunod kong pag-atake? I bet na nasa limitasyon ka na. Hayaan mong mawasak na ang buong lugar na ito para naman matuwa ako hehe at hindi na kita kukulitin pa!" Sambit ng misteryosong tinig ng isang nilalang sa kaulapan. Tila ba gusto nitong himukin na hindi na manlaban pa ang binatang si Van Grego.
Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay tumunog ng malakas ang kalangitan na tila mayroong nakakakilabot na bagay na nasa pagitan ng makakapal na ulap.
*Rumble *Rumble *Rumble ...!
Isang dambuhalang nagbabagang tipak ng bato ang halos sumkaop sa buong lugar na pagbabagsakan nito. Tila mas hamak na mas malaki pa ito kumpara sa mismong laki ng buong lupain ng Hyno Continent.
Nang makita ito ng binatang si Van Grego ay tila nakaramdam siya ng ibayong panganib at takot.
"Ito na ba ang katapusan ko maging ng Hyno Continent?!" Tanging nasambit na lamang ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang nakatingin sa hindi nasukat na laki ng bulalakaw na babagsak sa mismong lugar na kinamulatan niya na walang iba kundi ang Hyno Continent.