Chapter 39

2004 Words
Sa kabilang banda naman ay mayroong sikretong usapan sa grupo ng mga Message Hunter. Masasabing apat lamang silang naririto at nakikisabaayan pa kanina sa usapan ng mga grupo ng martial artists kanina. Ang message hunter ay isa sa maituturing na karaniwang mga mensahero at kapwa taga-kalap ng mga mahahalagang senaryo at kaganapan sa mga lugar na maaaring pagkainteresan ng sinumang mga indibiduwal na martial artists. Masasabing ang kanilang mga impormasyon ay mayroong kalakip mga katotohanan sa likod na ito. Ang kanilang sariling propesyon na ito ay masasabing disente ngunit mayroong mga message hunter na talaga namang competitive at masasabing gusto nilang makuha lamang ang mga mahahalagang kaganapan na sa kanila lang dapat malalaman. Masasabing isa sila sa mgap ropesyon na matinding kinapopootan ng mga Martial Artists malalakas man o mahihina lalo na ataraming mga paandar o tricks silang naiisip kung saan ay tiyak na kaiinisan o kapopootan ng maraming mga martial artists lalo na sa mga hanay ng mga martial artists na nagtitipon sa isang malaking insidente kagaya ng labanan at mga malalaking pangyayari na hindi inaasahan. Ang masasabing malaking insidenteng ngayon ngayon lamang ay masaaabing isa sa pinaka-engrande sa lahat lalo na at isang misteryosong nilalang lang naman ang biglang lumitaw sa lugar na ito partikular na rito sa teritoryo mismo ng nasabing dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na isa sa iniiwasang lugar dito sapagkat ang kakayahan at abilidad ng nasabing ibon na ito ay talaga namang ekstraordinaryo at walang kapaguran. Tila ba may pagka-abnormal ang lebel ng lakas nito na hindi masusukat aakalain ng lahat. Likas na matalino ang nasabing dambuhalang halimaw na ibon na tinatawag na Black Neo Bird sa hindi malamang dahilan na masasabing undefeatable lalo na sa anumang labanan. Napaka-territorial ng nasabing mabagsik na halimaw na ito na kahit na sinumang mapadpad sa kaniyang teritoryo ay masasabing agad na namamatay dahil sa napakatuso nitong taktika at pamamaraan. Idagdag pang ang dambuhalang halimaw na ibong ito ay isang Aerial o napakataas na bahagi ng puno ng Neo Tree naninirahan. Wala naman kasi silang pakialam sa nasabing punong ito at kung bakit dito pa napiling manirahan ng nasabing dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. "Ano ang gagawin natin Number 341?! Masasabing nasa delikado ang ating mga recording discs sa mata ng mga grupo ng mga martial artists na naririto. Tiyak akong punterya nialng mapasakanila ito!" Sambit ng isang message hunter sa code number ng kasama niyang message hunter na naririto. Code number ang ginagamit nila upang maprotektahan ang privacy nila mula sa mga sinumang makakasalamuha nila. Masasabing mahirap ang maging message hunter. Though mensahe lamang ang kanilang kinakalap na ayon sa propesyon nila ngunit hindi naman ito ang talagang layunin nila. Nangangalap sila ng impormasyon at masasabing ang kanilang impormasyong nakakalap at ipinapadala sa kanilang seniors o may mataas na lebel ng awtoridad na Message Hunter ay katumbas din ito ng pagkakaroon nila ng contribution sa kanilang organisasyon. Masasabing hindi maaaring baliwalain ang banta ng sinuman sa kanilang buhay lalo na sa kanilang sariling bagay na ginagamit sa pangangalap ng impormasyon. Ang recording discs na ginagamit nila ay masasabing isa sa pinagkukunan ng basehan sa kanilang pinapadala at kinakalap na impormasyon. "Oo nga, tama ang sinabi mo Number 343, masyadong mahirap ang sitwasyon natin sa ngayon. Malamang sa malamang ay gagawin ng mga ito ang kanilang ninanais upang malaman ang mga pangyayaring naganap kanina. Isang malaking kasayangan kung mawawala satin ang mga recording discs mula sa kamay natin!" Matigas na saad ng isang message hunter gamit ang divine sense nito. Masasabing ang kanilang sariling hakbang ay epektibo ngunit ang consequences na nangyayari ngayon ay masasabing malaki. "Hmmm... Kumalma lamang kayo Number 341 at 343 dahil sigurado akong mahihirapan silang matunton ang mga recording discs lalo na at may kaliitan ang mga ito at hindi makikita ng sinuman kaagad-agad lalo na at nasa atin pa rin ang kontrol ng mga ito. Pinatay ko na ang recording System ng nasabing recording discs ko kaya patayin niyo na rin ang recording disc niyo dahil kapag nag-umpisa ng maghanap ang mga Cultivators na ito ay tiyak na mahahanap at mahahanap kaagad ng mga ito ang recording discs niyo. Sige kayo diyan." Sambit ng isa pang message hunter na siyang may code number na 342. Tila ba binigyan niya ang mga ito ng ideya upang hindi mahanap akaagad ng mga ito ang kanilang recording discs na itinanim malapit sa pinangyarihan ng labanan kanina lamang. "Maganda ang suhestiyon mo Number 342 dahil ang recording discs ay nagkakaroon ng energy fluctuations kapag nagrerecord ito ng isang kaganapan at siguradong mahahanap kaagad ng mga ito pero kung hindi itp nagrerecord ay walang energy fluctuations na nangyayari. Mas mabuti nga ang suhestiyon mong ito." Sang-ayon ng isa pang message hunter na si Number 344. Yung tipong masasabing hindi malalayong hindi sila maaaring mawalan ng invaluable item na pangunahing ginagamit nila sa pagrecord ng mga kakaibang kaganapan. Napatango naman ang dalawa pang mga message hunter kung saan ay masasabing nasa wasto naman ang sinasabi ng mga ito. Tila mabilis na nagsimula namang maghanap ang mga martial arts Cultivators na naririto. Masasabing nasa Martial Ancestor Realm Expert pababa ang naririto. Tila ba ang mga kaganapan kanina ay hindi man lang nila nakita kahit na nasa harapan lamang ng mga ito. Ang dahilan lang naman ng pagka-miss nila ng magandang labanan sa pagitan ng misteryosong nilalang na nakasuot ng kulay itim na maskara at ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird ay hindi man lang nila nasaksihan. Dahil sa labis na inis ng mga ito ay pinili nilang hanapin ang mga recording discs ng mga nanabotaheng mga message hunter na siyang dahilan ng kanilang labis na pagkainis sa mga ito. Nagkalat-kalat ang mga martial artists na naririto maging ang kanilang mga kakayahan upang maghanap ng mga bagay ay ginawa na nila kung saan ay tila masusi nilang hinahanap ang mga bagay na alam ng mga itong nakatago lamang sa lugar rito. Tila walang kapaguran ang paghahanap ng mga ito kung saan ay tila nagkaroon ng determinasyon ang mga itong mapanood ang matinding labanan na ito lalo na sa mga Martial arts Cultivators na naririto na gustong masaksihan ang laban at naniniwalang magkakaroon sila ng insights sa labanan upang magkaroon ng breakthrough sa kanilang kasalukuyang lebel ng Cultivation. Ang apat na Message Hunter ay nagpunta sa iba't-ibang direksyon kung saan nila eksaktong nilagay ang kanilang mga recording discs kung saan ay mayroong mga Cultivators na naroroon. Napangisi ang mga ito ng palihim sa tila mayroong binabalak na masama. Hindi katagalan mula sa paghahanap ng mga ito ay sa isang sulok ay tila naningkit ang mata ng isang lalaking Martial Artists na nasa edad na lagpas trenta nang may napansin siyang energy fluctuations kung saan ay agad niyang ineksamin ang nasabing bagay na naglilikha ng energy fluctuations dito. "Recording discs? hmmmm... Sigurado akong recording discs nga ito hehe... Kapag siniswerte ka nga naman hehe... Tiyak akong malaki ang aking makukuhang benepisyo mula sa bagay na ito hehe..." Malademonyong sambit ng lalaking martial artists na nakangiti ng malawak. Agad naman niyang iwinala ang masayang ekspresyon sa mukha nito at tila tiningnan niya pa ang kaniyang sariling kapaligiran kung may nakakakita sa kaniya o inoobserbahan siya ngunit wala siyang mahanap na kung sinumang tinitingnan siya. Halatang abala ang lahat sa paghahanap ng nasabing recording discs na nakatago lamang sa lugar na ito ngunit siya lang pala ang nakahanap nito. Mabilis niyang itinago ang nasabing recording discs sa kaniyang middle grade interspatial ring kung saan ay may biglang pumasok sa kaniyang isipan. Tila ba naguguluhan siya. Naalala niya naman kung paano magalit ang mga grupo ng mga martial artists na naririto sa mga message hunter lalo na at layunin ng mga itong mahanap ang nasabing recording discs na itinanim ng mga Martial Artists na may propesyon bilang mga Message Hunter sa mga lugar na ito na siyang masuwerte niyang nahanap ang mga ito ay tila nawala ang kasiyahan sa loob loob niya. "Hmmm... Kung sakaling malaman ng mga ito na ako ang nakahanap ng recording disc na itinanim ng message hunter na iyon ay siguradong katapusan ko na ito. Paano na to?!" Sambit ng lalaking martial arts Cultivator na tila mahihimigan ang labis na pangamba at takot sa bagay na ito. Tila ba masasabing katakot-takot na senaryo ang mangyayari sa kaniya. Ngunit napangiti naman ito ng may bigla itong maisip na magandang pamamaraan. "Kung pasimple akong makakaalis sa lugar na ito ay tiyak na magiging sa akin ang recording discs na ito na aking nahanap at magiging ligtas ako. Siguradong marami akong makukuhang benepisyo mula rito hehe...!" Sambit ng lalaking martial artist habang palihim itong napangisi ng malademonyo. Tila ba hindi maaaring baliwalain ang benepisyong makukuha niyak ung sakaling mapasakanya ng tuluyan ang nasabing recording discs na ito na naglalaman ng detalye ng kaganapan mula sa umaatikabong labanan sa pagitan ng misteryosong estrangherong nilalang na nakasuot ng kulay itim na maskara na hindi pa alam ang pagkakakilanlan at ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Sinong hindi maaatim na hindi mapanood ang nasabing labanang ito na wala pang nakakasaksi sa kanila dulot ng pagkakasabutahe sa kanila. Naiisip niya palang na siya lamang ang unang makakaalam ng detalye ng labanang ito at sa mga benepisyong makukuha niya rito ay tiyak na hindi mapapantayan ng anumang halaga ang kaniyang makukubang benepisyo rito. Kapag nagsawa na siya at walang kwenta na ito sa kaniya ay maaari niyang ibenta ito sa malaking halaga ng salapi o kayamanan. Hindi na rin siya lugi dito. Dahab-dahan siyang umalis sa lugar niya sa pamamgitan ng maingat na paglalakad. Tinago niya na rin ang kaniyang awra upang hindi siyam apansin ng sinuman. Tila pinagpaawisan ng malapot nag noo niya lalo pa't ilang lingon-lingon ang ginawa niya habang abala ang laaht sa paghahanap ng nasabing Recording disc na nakatanim lamang sa lugar na ito ng mga message hunter. Lingid sa kaalaman ng lalaking nakahanap ng message hunter ay nakalock na pala ang tingin sa kaniya ng apat na nilalang na pasimpleng tinitingnan ang kakaibang kilos nito kani-kanina pa na hindi nalalaman. "Napakamalas naman ng isang martial artists na iyan. Talagang hindi nito pinaalam na nakuha na pala nito ang recording disc hahahaha...!" Sambit ng message hunter sa kaniyang sariling divine sense. Siya ay si message hunter Number 343. Masasabing nag-uusap ang apat na message hunter gamit ang kanilang divine sense. "Malamang ay natukso itong itago ang recording discs para sa sarili nitong benepisyo. Talaga nga namang makasarili ang isang to. Hindi iniisip kung totoo ba ang nahahawakan at itinagong recording disc hahaha..!" Natatawang sambit ng isang message hunter na si Number 341 kung saan ay tila masasabing hindi nito maipagkakailang natutuwa siya sa sitwadyong ito lalo ba sa lalaking martial artists na nakamita ng recording discs. Napakamangmang kasi nito to the point na di mab kang ini-inspeksyon ang nasabing nakita nitong recording discs. "Ano pa nga ba ang inaasahan mo sa mga ito. Tanging benepisyo lamang ang iniisip at hindi ang sariling kaligtasan nito." Nakangising sambit naman ng message hunter na si Number 344 habang tila natutuwa sa ginawang ito ng lalaking martial artists na tila ba hindi ito nag-iisip ng matino. Mas mahalaga pa ata rito ang benepisyong makukuha nito sa sariling buhay nito. "Ituloy na natin ang bagay na ito. Wag tayong makampante at dapat na maisagawa natin ng matagumpay ang planong ito dahil baka tayo ang mapag-initan at maging katapusan na natin ito." Sambit ng isa pang message hunter na si Number 342 Nakuha na kasi ng apat na Message Hunter ang kanilang mga sariling pagmamay-ari na Recording discs na siyang ginagamit nila. Mabilis lamang nila itong nagawa dahil wala namang naghinala sa kanila. Papaalis na sana ang nasabing lalaking martial artist na nasa 30's na ang edad nito nang may nakapansin sa kaniya na isang Martial artist sa hindi kalayuan na salungat sa direksyon nito. Nakita kasi nito ang pagiging aligaga at tila pinagpapawisan ng malapot ang noo ng nasabing martial artist habang tila umiiwas ito sa bagay o sa mga nilalang na naririto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD