"Nagpapatawa ka ba?! Natural ay magpapatayan kami tsaka pagmamay-ari ko na ito ngayon noh. Isa ka ng Martial Monarch Expert at sigurado naman ako na hindi naman ito valuable para sa'yo. Sige mauna na ako!" Seryosong sambit ng patpating binatang lalaki habang mabilis na nawasak ang buong katawan nito at naging ordinayong lupa lamang.
Tila nagulat naman ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego maging ang dalawang dambuhalang halimaw na sina Dark 1 at Dark 2 ay ganoon rin.
"Hindi ko aakalaing ang mukhang patpating binatang lalaki na iyon ay mayroong mataas na attainments sa concept of Earth. Namamalik-mata ba ako?!" Tila nanlalaki pa ang pares ng mga mata ng dambuhalang ibong halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2. Sinong mag-aakalang may mataas na kaalaman ang nasabing patpating binatang lalaki na kanina ay hinahabol-habol.
"Oo nga, hindi talaga kapani-paniwala ito. Sino kaya ang patpating lalaking iyon?! Kaya pala hindi ko mahabol-habol ang pesteng binatang iyon, pinaglaruan lang pala tayo nito hmmmp!" Paggalit na Sambit naman ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Sino ba kasing matutuwa kung pinagmukha ka lang tanga ng mga kalaban o hinahabol nilang martial artists kanina na tila isang ubo nalang ay mamamatay na ito.
Tila kabaliktaran naman sa naiisip ng dalawang dambuhalang halimaw na si Dark 1 at Dark 2 ay makikitang napangiti na lamang ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
Hahaha... Nakakatuwa naman ito. Napakarami palang malalakas na eksperto ang nakatago sa Central Region na ito. Mukhang hindi ako mabo-bored sa paglalakbay ko sa mga lugar rito hehehe...!" Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang malademonyo pa itong nakangiti. Masasabi nitong marami palang crouching tiger hidden dragon sa malawak na rehiyon na ito. Sigurado siyang mas lalawak pa ang kaalaman niya rito at sa paraang ito ay talaga namang mas nakakapanabik ang paglalakbay niya rito.
Mabilis namang tiningnan ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego ang dalawang dambuhalang halimaw na kinokontrol nina Dark 2 at Dark 1 at nagsalita ito.
"Umalis na tayo sa lugar na ito. Siguradong sa oras na ito ay maraming pupunta rito. Ayaw niyo naman sigurong maging nakaw atensyon hindi ba?!" Seryosong sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
Napatango na lamang ang dalawang dambuhalang halimaw na sina Dark 1 at Dark 2. Kapwa sila natigilan sa sinabing ito ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na siyang pinuno nilang si Valc Grego. Masasabi nilang mayroong iba pang pagpapakahulugan ang nakapaloob sa sinasabi nito.
Talagang nakakatakot ang taglay na konsepto ng patpating binatang lalaki kanina. Alam nilang hindi rin ito madadakip nila o mahahanap pa. Masyadong kakaiba at napakataas ng antas ng konseptong alam ng binatang lalaking patpatin na iyon. Talagang hinamak talaga at hindi nila sineryoso ang presensya ng patpating binatang lalaki na isa rin palang eksperto ito.
Mabuti nalang talaga at hindi ito ganoon kataas ang Cultivation Level nito kung hindi ay mukhang hindi sila ang katapat nito.
Mabilis namang nakaramdam ng kakaibang enerhiya ang bumalot sa lugar na ito partikular na rito sa tatlong nilalang. Kasabay nito ay naglaho na lamang sila sa kawalan na walang bakas na naiwan rito liban na lamang sa malaking pahabang butas sa lupang tinamaan ng malakas na skill ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
Malaking palaisipan pa rin sa kanila ang binatang lalaking patpatin na mayroong mataas na konsepto ng Earth. Siguradong hindi lamang ito nag-iisa. Tunay nganv napakalawak ng rehiyon na ito na maging ang mga malalakas na eksperto ay maaaring nakakubli lamang sa iba't ibang parte ng rehiyon na ito. Tunay ngang lupain ito ng panganib hindi lang dahil sa mga delikadong lugar na matatagpuan sa mga iniiwasang mga lugar kundi maging ang nga mismong nilalang na gumagala rito at maaaari mong masagupa.
Ngunit lingid sa kaalaman ng patpating binatang lalaki ay isang 8th Star Martial God Realm Expert na ito. Talagang walang alam ito sa totoong lakas ng nasabing nakamaskara binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Kung di dahil sa taas ng attainments nito sa Concept of Earth ay maaaring napaslang na siya ng binatang nagngangalang Valc Grego.
...
Sa loob ng Myriad Maze...
Nakalutang pa rin ang binatang lalaking si Van Grego habang makikita ang labis na paghihirap nito. Tanda na ang mga enerhiyang nasa loob ng kaniyang sariling katawan ay nag-ooverflowing. Halos nangitim na ang buong katawan nito.
"Ito na ba ang dulot ng paghahangad ko ng lakas at kapangyarihan? Ang aking katapusan ba ay dito na ba matatapos?!" Himutok ng binatang lalaking si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang labis na kalungkutan sa kaibuturan ng kaniyang puso.
Ayoko pang mamatay, hindi pa ako natatapos dito... Kailangan ko pang gampanan ang tungkulin ko bilang successor ni Stardust Envoy Silent Walker. Hindi maaari ito, ayoko pa." Sambit ng batang lalaking si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikitang tila ayaw niya pang tanggapin ang nalalapit na kamatayan niya.
Tila dininig naman ang kaniyang hinaing. Naramdaman na lamang ng binatang lalaking si Van Grego ang biglang pagkawala ng napakaraming purest energy sa buong katawan niya lalo na sa kaniyang sariling dantian.
PAAAAHHHHHHHH!!!!!!
Malakas na bumagsak sa sahig ng bridge na ito ang binatang lalaking si Van Grego habang makikita ang paglagapak nito.
"Aray ko po!" Masakit na daing ng binatang lalaking si Van Grego matapos itong lumagapak. Sino bang hindi dadaing diba?
Tila balihis naman ang atensyon ng binatang si Van Grego nang makaramdam ito ng ibayong pag-init ng kaniyang kanang bahagi ng palapulsuhan.
Dito ay nakita niyang tila uminit ang tila pulseras sa kanang kamay na palapulsuhan.
"Hmmm... Kinain ba ng munting uod na ito ang lahat ng enerhiyang nasa loob ng dantian ko?! Kung ganon ay maraming salamat munting kaibigan!" Masayang sambit ng binatang lalaking si Van Grego habang makikita ang labis na kasiyahan sa mukha nito.
Tila nakaramdam naman ng labis ng pangamba ang binatang lalaking si Van Grego sa pangyayaring ito lalo na kung paano niya masaksihan kung gaano kalakas ang munting uod o ahas sa braso niya.
Sinuring mabuti niya ito ng binatang si Van Grego kung saan ay nakita niya kung paano gumapang ang nakakakilabot na enerhiya papasok sa loob ng katawan ng maliit na uod na ito.
"Tama nga ako kinain nga ito ng maliit na uod na ito. Pero imposible naman ito diba? Paano nagkasya ito sa maliit na uod na ito?! Akala ko ay si Fatty Bim lamang at ako ang matakaw, ito rin pala ay may katakawan rin hehe..." Natatawang sambit ng binatang lalaking si Van Grego. Makikitang tila ba ang mga bagay na ito ay maaaring isang senyales na pambihirang nilalang nga ang uod na nasa kanang palapulsuhan nito na siyang nagligtas sa kaniya mula sa ibayong kapahamakan.
BRRRR.... BRRRR... BRRR...
Tila naramdaman ng binatang lalaking si Van Grego na nagkaroon ng paggalaw ang nasabing maliit na uod sa palapulsuhan nito hanggang sa nawala rin kaagad ito at bumalik sa dati. Walang anumang paggalaw o kaya ay anumang aktibidad itong ginawa.
Nagulat naman ang binatang lalaking si Van Grego lalo na sa kaniyang natuklasan.
"Naubos niyang iabsorb o kainin ng maliit na katawan nito ang napakaraming enerhiya na sobrang napakapaminsala? Kung gayon ay mas matakaw pa pala ito sa amin ni Fatty Bim." Seryosong sambit ng binatang lalaking si Van Grego habang hindi nito maiwasang maisambit ito ng malakas. Hindi niya kasi alam kung matutuwa siya maiiyak lalo na at napakapaminsala lamang ng mga purest energy na nasa loob ng katawan nito pero ngayon ay wala na sa katawan niya at naubos nang kainin ng misteryosong maliit na uod na ito.
Maya-maya pa ay mayroong nagsalita ng malakas na rinig na rinig sa paligid.
"Myriad Maze Level 2 is now opened. Second Death Trial now begins. Goodluck Player!" Umalingawngaw na boses ng isang mechanical voice sa malamig nitong boses. Makikitang tila ba naglalaman ng kakaibang kahulugan ang pagkakasabi nito.
Mabilis namang napangiti ang binatang lalaking si Van Grego. Kasabay nito ay ang paglaho ng parang bula ang protective barrier. Hindi niya alam na parang isang system ang Myriad Maze na ito kung saan ay tingin nito sa kaniya ay isang kalaro o palaruan lamang ang mga bagay-bagay na naririto pati ang nakahandang pangalawang laro na ito ay tila ba laro lamang ngunit buwis buhay pala ito dahil kapag natalo siya ay nangnagahulugan lamang na mawawalan siya ng sariling buhay o mamamatay siya.
Ang tila ba bridges kanina ay unti-unting nagkaroon ng kakaibang pagbabago. Wala na ang maiingay na agos ng tubig at napalitan ito ng isang masukal na kagubatan.
Tila nakaramdam naman ng ibayong panganib ang binatang lalaking si Van Grego kung saan ay makikita ang kakaibang enerhiyang nakapaloob sa loob ng kagubatang ito.
"Hmmm... Hindi ko aakalaing kaya palang mag-iba ng lugar na ito sa loob ng Myriad Maze na ito. Paanong nangyari ito?! Isa lang ba itong simpleng kapangyarihan? Gawa ba ito ng isang pambihirang Nilalang?!" Nagtatakang sambit ng binatang lalaking si Van Grego sa kaniyang isipan lamang.
Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap...
Whoooshhhh! Whoosh! Whoooshhhh! ...!
Tila umulan ng napakaraming mga pana mula sa lugar na ito na hindi mabilang ang mga ito.
"Hmmm... Sneak attack tsk!" Sambit ng binatang lalaking si Van Grego kung saan ay mabilis siyang nagsagawa ng pambihirang Creation Technique.
Agad na nagmaterialize ang isang malaking sibat sa kamay ng binatang lalaking si Van Grego na gawa sa tubig.
Mabilis na hinawakan ng binatang lalaking si Van Grego sa gitnang bahagi ang nasabing malaking sibat at mabilis na pinaikot-ikot ito.
PENG! PENG! PENG! ...!
Mabilis na tumalsik sa iba't-ibang direksyon ang mga palasong tatama sa kaniya mismo sana na tumutunog pa ang mga ito na animo'y hindi patitinag ito.
Epektibo ang Water Spear ng binatang lalaking si Van Grego lalo na at mayroong kakaibang katangian ang Water Spear niyang ito lalo na at nade-delay nito at napapahina ang bilis ng palaso. Nagmumukha lamang kasi na parang normal ang bilis ng mga bumubulusok na palaso sa kaniya pero ang totoo ay hindi pala.
Patuloy lamang sa pagdepensa sa sarili ang binatang si Van Grego lalo na sa paraang hinahanap nito ang kahinaan ng bawat palaso at kung paano ito bumulusok sa kaniya.
Napangiti na lamang ang binatang si Van Grego lalo na sa paraan ng pagkakaatake gamit ang palaso ay nasa lupa lamang ang mga ito.
Mas nagulat siya nang gamitin niya ang kaniyang sariling mata na malakas na ang kakayahan niyang makita ang kalaban lalo na kung ano'ng klaseng nilalang ang mga ito.
Pakiramdam ng binatang si Van Grego ay hindi ito tao, sa pamamagitan kasi ng trajectory ng mga ito ay mahuhusay ang mga ito. Tila ba ay makikita ang labis na pagtataka talaga sa pangyayaring ito.
Nang makita ng binatang si Van Grego ang malabong kaanyuan ng mga ito sa likod ng mga nagtataasang mga talahib kung saan nakakubli ang mga ito ay tila nanlaki ang kaniyang sariling pares ng mga mata.
"Centaur! Naloko na!" Tila nangangambang sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lalo na at hindi Basta-bastang nilalang ang mga ito.
[Ang mga Centaur ay isang uri ng mga hybrid Cultivators. Isa silang nilalang na kalahating tao at kalahating kabayo. Kilala sa kanilang galing sa pagpapana o paggamit ng palaso upang asintahin mula sa malayo ang kanilang kalaban o biktima.]
Gamit ang Water Spear ay mabilis na nag-cast ang binatang si Van Grego ng pambihirang water Skill.
Mabilis na nagbago ang buong katawan ng binatang lalaking si Van Grego kung saan ay nagliwanag ng kulay asul ang katawan nito maging ang pambihirang Water Spear nito.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
Walong sunod-sunod na pagragasa ng dambuhalang tubig mula sa iba't-ibang direksyon ang pumutok sa hangin kung saan ay makikita ang lakas ng pagbulusok nito sa mismong tinataguan ng mga Centaur.